Kahit na may mga pagbabagong napapansin tayo sa development ng anak natin, meron pa ring mga bagay ang commoon. Ang paglalaro para sa isang 6 taon 3 buwang gulang na bata ay mahalaga. Dahil sa paglalaro nila nadedevelop ang makipag-intereact sa mga ibang tao.
Ang mga larong katulad ng bahay-bayahan o luto-lutuan ay pangkaraniwan para sa isang bata. Katulad ng ang mga babae ay nagpapanggap na nanay, at ang mga lalaki ay tatay.
Moms and dads, tandaan lang na ito ay hindi diagnostic tool bagkus ito ay isang guideline para sa iyo. ‘Wag mag atubiling kausapin ang iyong doctor ukol dito.
Ngayon, tara na’t alamin natin ang mga milestones at development ng 6 taon 3 buwang gulang.
Development ng 6 taon 3 buwang gulang: Is your child on track?
Physical Development – 6 Years 3 Months Old
Ang development ng 6 taon 3 buwang gulang mong anak ay mas aktibo na kaysa dati. Ang kanyang mga maliliit na muscle ay nagigin pino at marunong na magbalanse. Nagpapakita na rin ito ng interes sa sports katulad ng soccer. Ito ay magangandang pagkakataon para matulungan siyang mahanap ang kanyang magiging sport hanggang sa paglaki.
Tungkol naman sa motor skills ng anak mo, siya ay may malaking improvement pagdating dito. Marunong na siyang mag sara ng butones at magsuklay ng buhok.
Sa ganitong stage, ang average height at weight ng anak mo ay dapat:
- Boys
– Height: 117.3 cm (46.2 inches)
– Weight: 21.4 kg (47.1 lb) - Girls
– Height: 116.7 cm (46.0 inches)
– Weight: 20.9 kg (46.2 lb)
Narito ang iba pang development sa kanyang pisikal na anyo:
- Nakakasakay ng bike
- Nababalanse ang kanyang sarili gamit ang isang paa
- Naglalakad ng naka hell-to-toe
- Bumababa ng hagdan nang hindi nakahawak sa kamay mo
- Nasisintas ang kanyang shoelace
- Nagsusuklay ng buhok
- Marunong sumambot at maghagis ng maliit na bola
- Nakakapag drawing ng mga realistic picture (katulad ng mukhang may mata, ilong, bibig)
- Nakakapagsulat ng simple shapes
- Nasusulat ang kanyang pangalan
Parenting Tips:
- I-encourage mo ang iyong anak na maglaro sa labas kasama ang iba
- I-enroll sa swimming lessons at fire safety training
- Sa ganitong edad, madalas na silang mag complain tungkol sa pananakit ng kanilang tyan at paa. Bigyang importansya ito.
When to Talk to Your Doctor:
- Pagkawala ng kanyang skills na meron siya dati
- Pagihi sa kama sa gabi
- Hirap makatulog sa gabi
Cognitive Development
Sa ganitong edad, mas lalong tumatagal na ang kanilang attention span.
Hindi lang ‘yon, marunong na rin siyang makakilala ng simple concepts katulad ng (Ngayon, bukas at kahapon). Nakakapagbasa na rin siya ng mga salita.
Naiintindihan na rin niya ang pag-uugali ng isang tao. Natutulungan siya nitong makapagkaibigan.
Narito ang ilang cognitive development na makikita mo sa iyong anak:
- Marunong na makainindi ng mga numero
- Alam ang pagkakaiba ng umaga sa bagi at kaliwa sa kanan
- Curious sa lahat ng bagay
- Alam ang tama at mali
- Kaya nang sabihin ang oras
- Kaya nang magbilang ng backwards
- Naka-focus sa kayang gawain sa school
Parenting Tips:
Karaniwan sa iyong anak kapag may hindi napagkakasunduan sa kanyang mga kaibigan. Sa ganitong sitwasyon, marapat lang na bigyan ito ng guidance na makakatulong sa kanya.
When to Talk to Your Doctor:
- Kapag nagpapakita ito ng isang challenging behavior
- Nakikitaan ng madaling pagsuko at pagka-depress
- Hindi kayang malayo sa’yo
- Hirap makaintindi ng simple instruction katulad ng “Ibaba mo ang bag mo at ibigay mo sa akin ang uniform mo.”
Social & Emotional Development
Ang development ng 6 taon 3 buwang gulang mong anak ay may kapasidad na magpakita ng kanyang nararamdaman. Ngunit kapag ito ay nagpapakita ng frustration at jealousy, marapat lang na kausapin ito para matulungan ang kanyang sarili.
Narito na rin ang sinasabi nya na malaki na siya.
Ang mga batang nasa ganitong stage ay kasalukuyan pa ring inaalam kung saan ba siya nababagay.
Narito ang ilang social and emotional development na makikita mo sa iyong anak:
- Natututunan na rin nila ang makipag cooparate at mag share sa kanyang mga kaibigan
- Mataas na ang kanyang attention span
- Naiintindihan ang konsepto ng teamwork sa sports
- Nagiging mabuti sa pag-describe ng isang pangyayari
- Mataas na rin ang level ng kanyang patience
Parenting Tips:
- ‘Wag maiilang pag-usapan ang peer pressure, violence. drug abuse at sexuality.
- Mag isip ng tanong na bagay sa kanyang edad
- Hayaang magdesisyon ang bata kung ano ang gsto nyang sports at toys
- Suportahan ang self-esteem ng iyong anak
- Turuan ng simple household chores katulad ng pagaayos ng hapag kainan
- Hayaang makipaglaro sa mga kaibigan
- Araw-araw na tanungin kung kamusta ba ang iyong anak
When to Talk to Your Doctor:
- Tahimik o nahihiya ang iyong anak kapag galing school. Maaaring isa itong sign ng bullying.
- Nagpapakita ng matinding aggression.
Speech and Language Development
Isa sa development ng 6 taon 3 buwang gulang mong anak ay nagiging madaldal ito kahit na walang ibang kasama.
Kahit na marami itong nasasalita maaaring mahirapan pa rin siya makipag-communicate o maka describe ng mga complex ideas at events.
Sa kanyang school, nag-eenjoy siya sa sa activity na ‘show and tell’ Madali na rin siyang makaunawa ng jokes at riddles.
Narito ang ilang Speech and Language Development na makikita mo sa iyong anak:
- Natututo ng maraming salita – 10 words each day
- Nakakapagsalita ng simple ngunit ito ay nasa 5-7 words
- Nakakasunod sa utos
- Nalalaman na ang isang salita ay madami pang kahulugan
- Nagbabasa ng libro
- Nag-dedecode ng mag hindi pamilyar ng salita
Parenting Tips:
- Alamin ang school administration at mga teacher ng iyong anak
- Tulungan ang anak sa kanyang mga homework kung kailangan
- Sanayin ang anak sa tamanag pag-uugali sa loob ng classroom
- Kausapin ang anak kung anong mga hilig, paboritong hayop o sport
Kapag ang anak mo ay,
- Hirap magbasa o nagpapakita ng sign ng disability
- Kapag may ibang gumugulo sa isip ng iyong anak. Ito ay maaaring bullying
- Matinding stress
Tandaang maging kalmado lang sa ganitong sitwasyon.
Health and Nutrition: Your 6 years 3 months old
Mahalagang malaman na ang 6 years 3 months old mong anak ay nasasanay sa physical acivity. Ang sagot sa healthy na timbang? Ito ay dapat tumatagal ng 1 hour sa anak at magulang.
Sa ganitong sitwsyon, ma-eenjoy na ng iyong anak ang pagkain ng prutas at gulay para sa kanyang healthy weight. Mas maganda lang din na dapat maging isang sample ang mga magulang upang gayahin ng nak.
Tips:
- Laging maghanap ng “100% whole grain kesa sa “made wih whole grains”
- Kung papakainin ng red meat ang bata o iba pang may source ng iron (leafy greens, tofu, beans), mas makabubuti kung sasamahan ito ng vitamin C katulad ng kamatis at kamote.
- Bigyan lamang na kaunting serving ang anak. Saka na lang ito bigyan kapag nanghingi ulit.
Kids around this age should ideally consume the following on a daily basis:
Ang recommended na dapat i-take ng isang bata ay atleast 1,200 calories kasama na ang ibang pagkain katulad ng dairy, protein, prutas at gulay.
Ang calorie na kailangang nasa isang tao ay:
- Boys: 1,773 Kcal/day
- Girls: 1,664 Kcal/day
Dairy group
Makakatulong ang dairy products sa paglaki ng isang bata. 2.5 cups na gatas o yoghurt ang kailangang kainin nila. Piliin lang ang low-fat products.
Maaaring magdagdag ng gatas sa paboritong pagkain ng iyong anak katulad ng oatmeal, prutas o smoothies. Pwede rin ang cheese sa sandwich o srambled eggs na ipapakain sa kanila.
Protein group
Para sa batang 6 years old, 19 grams ng protina ang kailangan nilan i-take araw-araw. Para sa mga may anak na mapili sa pagkain, ‘wag mangamba!
Mahalagang ugaliin ng magulang ang pagbibigay ng protein sa kanilang anak ng dalawang beses sa isang araw. Ang mga pagkaing mayaman sa protein ay itlog, tuna, lentils at chickpeas.
Pwede mo ring subukan ang low-fat greek yogurt. Katulad ng chicken at pork tenderloin chunks na may kasamang keso at black beans!
Fruit and vegetable group
Maging creative lang sa pag imbento ng pagkaing ihahain.
Ang prutas at gulay ay makakatulong upang magamot ang isang sakit katulad ng constipation. Kailangan nila ng atleast 1.5 cup ng gulay at 1 cup ng prutas sa isang araw.
Grain
Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.
Maari kang mamili kung ano ang nais mong ibigay sa kanya. Whole grains, oatmeal, quinoa, wheat brea, popcorn o brown rice. Ngunit ‘wag lang sosobrahan ang mga ito lalo na sa white bread, pasta at kanin.
Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:
- Fruits: 1 cup for boys; 1 cups for girls
- Vegetables: 2 cups for boys; 2 cups for girls
- Grains: four ounces for boys; four ounces for girls
- Proteins: 36g for boys; 36g for girls
- Milk: 17-20 ounces for boys; 17-20 ounces for girls
- Water: 1500 ml for boys; 1500 ml for girls (around six cups)
Tips:
- Kung manghihingi ng snacks ang iyong anak, mabuting prutas o gulat na lamang nag ibigay dito.
- Mag-serve palagi ng salad
- Magluto ng mga gulay kesa sa mga karte o pasta
When to Talk to Your Doctor:
- Underweight o overweigt
- May mga hindi pangkaraniwang rashes, sugat at bukol
- Mataas ang lanat na umaabot ng 39 degree C
Vaccinations and Common Illnesses: Your 6 years 3 months old
Kung ang anak mo ay nasa anim na taong gulang na, marapat lang na bigyan na ito ng proper vaccination. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng ipa nag vaccine katulad ng flu shot.
Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat.
Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.
Treating Common Illnesses
Laging tandaan na kahit may proper vaccine ang isang bata, maaari pa rin itong kapitan ng colds, flu at Hand Foot and Mouth disease. Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.
1. Fever
Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.
2. Cough
Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.
3. Cold
Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.
Mahalagang sanayin ang anak mo sa proper hygiene upang makaiwas sa sakit.
When to talk to your doctor:
- Ang height ng isang bata ay hindi normal para sa kanyang edad
- Unusual na rashes, bukol at sugat
- Underweight at overweight
- Pagkakaroon ng diarrhea, vomiting at mataas na lagnat (over 39 degrees Celsius) sa mahabang panahon.
Previous month: 6 years 2 month old
Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.
Sources: Webmd, Kidshealth
BASAHIN: Development ng 6 taon 3 buwang gulang