Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-8 buwan

Mga kailangan mong malaman tungkol sa paglaki at development na pisikal, pandama, pag-unawa, emosyonal, social, at lenguahe. | Photo by Suke Tran on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Development ng baby 8 buwan: Ano na ang magagawa ni baby ngayong buwan na ito?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Physical development ni baby kapag siya’y 8 na buwan na.
  • Cognitive development ni baby kapag siya’y 8 na buwan na.
  • Social at Emotional Development kapag siya’y 8 na buwan na.

Bibong-bibo na si baby sa ika-8 buwan niya! Ang sarap na niyang yakapin at halik-halikan ngayon, lalo’t nagkakalaman na at munting tabachingching na rin siya.

Isang nakatutuwang edad ito, dahil nga sa mas malikot at mas bibo na si baby, at masarap nang makipagtawanan at makipagharutan sa kaniya.

Larawan mula sa iStock

Hindi pa man nakakapagsabi ng mga buong salita, maingay at madaldal na ito at patuloy na bumibigkas ng mga pantig at iba’t ibang tunog. Sigurado ring sasagot siya sa mga sinasabi sa kaniya, lalo kapag magiliw ang tono o kaya ay may lambing.

Ano ang mga dapat asahan ngayong buwan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Development ng baby 8 buwan: Physical Development

Maraming babies ang natututo nang gumapang sa edad na ito, at may mga nagtatangka pa lang. May mga baby din na nagtutuloy nang lumakad kahit hindi pa gumagapan, bagamat hindi ito karaniwan.

May mga sumusubok din na umusad nang nakalapat ang tiyan sa sahig o kama, o kaya ay nang paupo, at umiikot-ikot. Ang motor skills niya ay umuunlad sa araw-araw. Determinado siyang gumalaw, gumala, gumapang at abutin kung anu-ano ang makita niya sa paligid.

May mga laruan para sa motor skills ng bata sa edad na ito, tulad ng mga plastic cups, blocks, at baby puzzles tulad ng shape-sorting games.

Para mapaghandaan ang mga unang hakbang ni baby pagkalipas ng ilan pang buwan, magpapraktis siya sa pamamagitan ng paghawak o pagtukod sa mga maliit na silya o mababang lamesa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pincer grasp niya ay nasasanay na rin. Gamit niya ang hinlalaki at pinipisil ito sa iba pang daliri para pumulot o humawak ng mga laruan. Mag-ingat sa nakakalat o nalalaglag na gamit sa sahig dahil baka mapulot niya ito. Pati mga kanin o pagkaing nahuhulog at natapakan na ay baka pulutin niya at isubo, o di kaya ay ipasok sa ilong.

Tandaan na kung ang isang bagay o pagkain ay kasya sa isang toilet paper roll, potensyal na choking hazard ito.

Mahilig siyang pumalakpak at tumango, pati na umiling sa edad na ito, lalo sa saliw ng musika.

Sa puntong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Lalaki
    – Length: 70.6 cm (27.8 inches)
    – Weight: 8.6 kg (19.0 lb)
  • Babae
    – Length: 68.8 cm (27.1 inches)
    – Weight: 8.2 kg (18.1 lb)

Ang kanyang head circumference naman ay dapat na:

  • Lalaki: 44.5 cm (17.5 inches)
  • Babae: 43.4 cm (17.1 inches)

Development ng baby 8 buwan: Cognitive Development

Larawan mula sa iStock

Napapansin bang mahilig pumulot ng gamit si baby, sabay ihuhulog ito o itatapon? Nang paulit-ulit? Nakakapagod dahil pupulutin mo at iaabot ulit sa kaniya, pero ihuhulog niya ulit. Minsan ay nakakapagod, pero isa ito sa mga bagay na nagpapakitang umuunlad ang pag-iisip ni baby. Nagsisimula siyang umintindi ng konsepto ng cause and effect: Ihuhulog ko ito, dadamputin ni Mommy.

Ang ibang tanda ng cognitive development ay ang ilang pamilyar na paraan para solusyunan ang isang problema. Maaaring gumapang siya para abutin ang isang laruan. Alam na niya kung paano ito kukunin, at siya ang gagawa ng paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paborito pa rin niya ang ‘peek-a-boo’ o ‘it-bulaga,’ para din mahinang ang object permanence niya.

Development ng baby 8 buwan: Social at Emotional Development

Nakahanda ang ngiti at hagikgik ni baby para kay Mommy at Daddy.

Magugulat ka na lang na nangingilala na siya, at umiiwas (o umiiyak) kapag nakakakita ng mga taong hindi niya kilala—at minsan ay kahit kilala niya, ay ayaw niya itong kausapin. Maaaring mahiyain siya o di kaya ay balisa kapag may ibang tao—dahil natututunan pa lang niyang alamin ang pagkakaiba ng pamilyar at hindi pamilyar.

Huwag siyang pilitin na sumama sa iba, at huwag hayaang paiyakin ang bata sa pamimilit. Ipaliwanag sa mga kakilala at kamag-anak na yugto lamang ito sa development ni baby, at lilipas din.

Masasanay din si baby sa mga tao sa paligid niya at paglaon ay baka makakuha pa ng matamis na ngiti, kapag pinagtiyagaan lang na makipaglaro at makipag-usap sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

Hindi nakakatulong ang baby talk sa development ng bata

ALAMIN: Delayed ba ang development ng anak mo?

Development ng baby 8 buwan: Speech at Language Development

Dahil mas mahaba na nang kaunti ang attention span ni baby sa buwan na ito, patuloy siyang basahan ng mga libro.

Ang language skills niya ay malugod niyang ipapakita sa lahat sa edad na ito.

Huwag magtampo kung lahat ay tinatawag niyang “Mommy” o “Mama.” Sa mga susunod pang linggo, matututunan din niyang tawagin ng tama ang mga tao sa paligid niya. Hindi siya sasagot ng pasalita sa mga tanong, pero magpapakita siya ng maliliit na  gestures at tunog para mapakitang naiintindihan at naririnig niya ang kumakausap sa kaniya.

Larawan mula sa iStock

Patuloy siyang kausapin at pakinggan ang sagot niyang “BA BA DA DA” at tawa. Sa pakikipag-usap sa kaniya, lalo pang uunlad ang language skills niya.

Ito ang edad na mainam na ipakilala sa kaniya ang baby sign language. Makakatulong ito bilang form of expression niya, para hindi siya mainis dahil sa limitadong bokabularyo niya.

Mas may pasensiya na siyang makinig sa mga kuwento o librong binabasa sa kaniya kaya samantalahin ito. Bigyan siya ng mga soft books at board books para paglaruan at “basahin”.

Hahanapin niya ang mga paborito niyang kulay, larawan at kuwento sa mga libro, kaya’t maghanda ng marami nito. Ang pagbabasa ay isang magandang bonding moment ng magulang at anak.

Development ng baby 8 buwan: Kalusugan at Nutrisyon

Mahihilig na siya sa mga finger foods tulad ng biskwit, pero siguraduhing babantayan para hindi siya mabulunan.

Dahil mahusay na ang pincer grasp niya, bigyan siya ng mga piraso ng saging o avocado, na pwede niyang damputin at isubo.

Huwag bibigyan si baby ng mga matitigas at malalaking piraso ng pagkain, at baka mabulunan ito. Iwasan ang ubas at mga nuts, dahil ito ay mga choking hazard.

Exciting na ang oras ng pagkain ngayon para kay baby at Mommy, din. Bigyan siya ng iba’t ibang uri ng pagkain, at huwag mag-alala kung mababawasan ang pag-inom niya ng gatas. Normal lang ito dahil nga marami na siyang kinakain na solids.

Huwag na huwag ding iiwan si baby kapag kumakain. Palagi itong bantayan.

Vaccination and Common Illnesses

Walang bakuna na kailangan ngayong buwan pero dapat ay i-check kung up-to-date ang lahat ng mga bakuna na dapat nakuha niya na noong mga nakaraang buwan.

Mga Tips para sa mga Magulang

Larawan mula sa iStock

Siguraduhing naka-babyproof ang buong bahay, at lahat ng kuwarto kung saan naglalaro si baby. Harangan ang mga ‘danger spots’ tulad ng hagdan, kusina at banyo, pati garahe.

Ipasyal si baby para maglakad-lakad ng may gabay. Kailangan ng mga bata ng sariwang hangin, at makapaglaro sa labas araw araw. Ang mga bagay na makikita sa labas ng bahay ay makakatulong sa development niya, pisikal, cognitive at pati sensory.

Mahihilig na rin itong manuod ng TV, pero huwag itong hikayatin. Masyado pang bata si baby para sa ganitong “entertainment.” Pagbabasa, paglalaro, pagkanta, at pamamasyal sa labas ang pinakamahusay na gawain para kay baby. Active learning at interaksiyon ang dapat na binibigay kay baby.

Huwag mag-alala kung hindi pa naaabot ni baby ang ilang milestones na nabanggit. Tandaan na ang bawat bata ay may sariling bilis sa pag-unlad.

Kung nag-aalala na may delays at problema sa development ni baby, ikunsulta ito sa kaniyang pediatrician.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni Anna Santos Villar

Translated with permission from theAsianparent Singapore