Mahalaga sa mga magulang na alamin ang wastong diaper rash treatment para sa kanilang mga anak. Ito ay dahil ang diaper rash ay posibleng maging sanhi ng impeksyon at magdulot ng mas matinding sakit.
Ganito ang nangyari sa isang 4 na buwang gulang na sanggol na dahil sa pagiging pabaya ng magulang, ay namatay dahil sa diaper rash. Ating alamin kung bakit humantong sa ganito ang simpleng diaper rash, at kung paano ito maiiwasan ng mga magulang.
Ikinamatay ng sanggol ang diaper rash
Mahigit isang linggo daw hindi pinalitan ang diapers ng sanggol. Image source: Twitter screengrab
Kamakailan lang ay natagpuang patay ang isang 4 na buwang gulang na sanggol na si Sterling Koehn sa isang apartment sa USA. Nakaupo pa raw sa baby swing ang sanggol, at punong-puno ng uod nang siya ay matagpuan.
Ayon sa Assistant Attorney General, matinding diaper rash daw ang ikinamatay ni Sterling. Kakasuhan ng first-degree murder ang mga magulang ng bata.
Pinabayaan daw ng mga magulang na si Cheyanne Harris, 20, at Zachary Koehn, 28 ang sanggol, at hindi pinalitan ang diaper nito. May dumi raw ng sanggol ang diaper, na pinamugaran ng mga uod at naging sanhi ng e.coli infection.
Natagpuan din nila na hindi man lang daw pinaliguan ang sanggol o inalis man lang sa kaniyang baby swing.
Source: Twitter
Ayon sa autopsy report na isinagawa sa sanggol, lubhang mababa ang timbang at laki ng sanggol.
Sinabi pa ng mga first responsder na nakahanap sa sanggol na madumi daw ang paligid kung saan nahanap ang bata. Nakatulala lang daw ang sanggol nang ito ay namatay.
Bagama’t nasa masamang kalagayan ang sanggol, maayos naman ang kalagayan ng kaniyang 2-taong gulang na kapatid. Napag-alaman din na may pera naman daw pambili ng pagkain ang ama ng bata, ngunit ito daw ay isang drug addict.
Pinabayaan daw ng mga magulang ang sanggol, na humantong sa kaniyang pagkamatay.
Ano ang magandang paraan ng diaper rash treatment?
Madalas nagkakaroon ng diaper rash ang mga sanggol sa unang 15 buwan ng kanilang buhay. Ngunit mas madalas nagkakaroon ng diaper rash ang mga sanggol na nasa 9 hanggang 12 buwan.
Ang dapat tandaan ng mga magulang ay panatilihing tuyo ang balat ng kanilang mga sanggol.
Heto pa ang ilang sanhi ng diaper rash:
- Kapag hindi agad napapalitan ang diaper dahil sa diarrhea.
- Pagbabago ng kanilang dumi kapag nagsimula nang pakainin ng solid food.
- Pagpapalit ng brand ng diapers, baby wipes, baby oil, powder, lotion, o bleach at detergent na ginagamit sa paglalaba ng damit.
- Pagkain na kinakain ng mga inang nagpapasuso.
- Pagkakaroon ng sensitibong balat.
- Masikip na damit na nagiging sanhi ng pagkuskos ng balat sa tela ng damit o diaper.
Paano gagamutin ang diaper rash?
Source: Pixabay
Simulan ito ng paghuhugas ng puwit ng iyong baby gamit ang maligamgam na tubig. Kapag tutuyin, dampian lang dahan-dahan ng tuwalya upang hindi makuskos ang balat.
Nakakatulong din ang paggamit ng diaper cream, petroleum jelly, o mga corticosteroid na cream para sa mas matinding diaper rash. Puwede ding gumamit ng pulbo, ngunit umiwas sa talcum powder.
Mabuting gumamit ng baby powder na gawa sa cornstarch o iba pang natural na ingredient. Ang mga regular na baby powder na gawa sa talc ay natagpuan na posibleng ma-contaminate ng asbestos na nagiging sanhi ng cancer.
Mahalaga ding palitan agad ang diaper ng iyong baby at siguraduhing laging tuyo ang kaniyang balat dahil ito ang pangunahing dahilan ng diaper rash.
Kung hindi agad gumaling ang diaper rash ng iyong anak, o kung lumalala pa ito, mabuting dalhin ang iyong anak sa doktor o sa isang dermatologist upang matukoy ang sanhi nito.
Ang mga diaper rash treatment tips na ito ay makakatulong upang makaiwas sa rashes ang iyong sanggol.
Source: Washington Post
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Basahin: Baby acne and rashes: 5 Common types and their proper treatment
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!