Diego Loyzaga at Tatay niyang si Cesar Montano nagkabati na makalipas ang 7 taon

Ibinahagi ng Diego Loyzaga na nagbati na sila ng kaniyang father na si Cesar Montano sa isang Instagram post. Basahin ang kwento dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakabonding muli ng aktor na si Diego Loyzaga ang kaniyang father na si Cesar Montano makalipas ang pitong taon nang hindi pagkakaintindihan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Diego Loyzaga at father Cesar Montano bati na
  • Pinagmulan ng hidwaan ni Diego Loyzaga at father Cesar Montano
  • Diego Loyzaga, father Cesar Montano handang maging magkatrabaho

Diego Loyzaga at Father Cesar Montano nagkabati na

Muling nagsama ang aktor na si Diego Loyzaga at ang kaniyang father at kapwa aktor na si Cesar Montano makalipas ang pitong taon ng kanilang hidwaan.

Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang mga larawan ng masayang bonding nila ng kaniyang father sa kaniyang Instagram page kahapon, Marso 3.

Ipinost ni Diego Loyzaga ang mga picture ng kanilang bonding sa kaniyang Instagram. Kung saan makikita ang mag-ama na nasa basketball court.

Kasama rin sa mga picture na pinost ni Diego Loyzaga ay ang throwback photo nila ng father niyang si Cesar Montano noong siya ay baby pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby Diego Loyzaga at father niyang si Cesar Montano. | Larawan mula sa Instagram ni Dieogo Loyzaga

Saad ni Diego Loyzaga sa caption ng kaniyang Instagram post,

7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes. God made a way to bring us together again.”

Humingi rin ng sorry si Diego Loyzaga sa masasakit na salitang binitawan niya sa kaniyang Tatay.

“I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.

Ang tanging magagawa niya umano ay ang bumawi sa kaniyang father. Dagdag pa ni Diego Loyzaga,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world’s problems. Just peace and love and nothing else matters.”

Kapwa naman nasiyahan sa kanilang basketball bonding sina Diego Loyzaga at ang kaniyang father na si Cesar Montano.

Naging masaya rin ang aktres at nanay ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga sa nasabing pagbabati nila ng kaniyang tatay.

Komento nito sa kaniyang Instagram post, “You make me proud, son. I love You.”

Hindi naman na idinetalye pa ni Diego Loyzaga sa kaniyang Instagram post ang dahilan ng hidwaan nila ng father niyang si Cesar Montano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Dieogo Loyzaga

Family issue nina Diego Loyzaga at ng kaniyang father na si Cesar Montano

Noong 2017, mababalikang sunud-sunod ang rant ni Diego Loyzaga sa kaniyang Instagram tungkol sa pagbabanta umano ng kaniyang tatay na ipadadampot siya nito sa mga pulis. Dahil sa di umano’y paggamit ng droga.

Iginiit ni Diego Loyzaga na sumailalim siya sa serye ng mga drug test at lahat ay nagpapatunay na negatibo siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit tuloy pa rin umano ang pambibintang sa kaniya ng kaniyang tatat noon na si Cesar Montano.

Dahil rito, ‘di napigilan ni Diego Loyzaga na sumbatan ang kaniyang tatay na ni minsan umano’y hindi niya hiningian ng kahit na piso. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa rito ay binanggit din ni Diego Loyzaga na pinalayas umano siya ng kaniyang father na si Cesar Montano sa bahay na iniwan nito para sa kaniya.

BASAHIN:

Dingdong Dantes sa pagpapalaki sa mga anak na sina Ziggy at Zia: “We want to make them live a normal life.”

Chesca at Doug Kramer sa paggamit ng social media ng mga anak: “We are very much involved as parents”

LOOK: Anne Curtis at Erwan Heussaff ipinagdiwang ang 2nd birthday at binyag ni Baby Dahlia

Napagkamalan pa ng mga netizen nang panahong iyon na na-hacked ang Instagram ng aktor. Dahil nakasulat ang mga rant nito sa Tagalog. Kilala si Diego Loyzaga na madalas magsalita sa wikang English dahil sa lumaki ang aktor Australia.

Kalaunan ay nilinaw ni Diego Loyzaga na hindi na-hack ang kaniyang Instagram account. Ipinaliwanag din niya na lumaki siya kasama ang kaniyang inang si Teresa Loyzaga. Kaya sanay siyang magsalita ng Tagalog kahit na siya ay lumaki sa Australia.

Larawan mula sa Instagram ni Dieogo Loyzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diego Loyzaga at Tatay niyang si Cesar Montano ready maging magkatrabaho

Umaasa si Diego Loyzaga na makakatrabaho niya ang kaniyang Tatay na si Cesar Montano. Aniya sa isang virtual media conference ng pelikulang bahagi siya. 

Sa naturang media conference ay nabanggit din ni Diego Loyzaga na nasa masayang estado na siya ng kaniyang buhay.

Ngayon, ayon sa aktor, ang kaniyang naging bakasyon sa abroad. Naging dahilan upang tanawin niya ang kaniyang future sa mas malinaw na perspektibo.

Bahagi nga ng inaasahan ni Diego Loyzaga sa future na makakasama niyang gumawa ng pelikula ang kaniyang father na si Cesar Montano.

That’s a dream come true if I get to work with him. A very, very long time coming. I don’t wanna tell you guys if there’s a plan but in a way, there is, kinda (there) is.

I’m just not so sure of how certain that it will happen but it’s definitely been a dream of mine since I met him. Since I joined showbiz, since I was a kid.” 

“Hopefully, this message, this interview reaches (him) and he says yes. Sana nga talaga makasama ko siya and I’ll learn so much from him.”

Samantala, ayon sa report ng Inquirer game na game din umano si Cesar Montano na makasama sa pelikula ang kaniyang anak na si Diego Loyzaga.

Saad ni Cesar Montano, nais nitong gumawa sila ng comedy-action film at looking forward umano siya sa pag-remake ni Diego Loyzaga ng kaniyang pelikulang “Waway”.

 

Sinulat ni

Jobelle Macayan