Dimples Romana may napili ng pangalan para sa kaniyang baby boy!

Ayon pa sa aktres, very excited siyang maging mommy para sa kanyang pangatlong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alamin dito ang kuwento ng napiling name ng aktres na si Dimples Romana sa kaniyang ipinagbubuntis na baby boy.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Name na napili ni Dimples Romana para sa kaniyang ipinagbubuntis na baby boy.
  • Update sa pagbubuntis ni Dimples Romana.

Dimples Romana may name ng napili para sa kaniyang baby boy

Image from Dimples Romana's Instagram account

“Baby E”, ganito kung paano tawagin ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang ipinagbubuntis na sanggol. Kahapon sa kaniyang Instagram account ay nabigyan na ng kabuuan ni Dimples ang pangalang nagsisimula sa letter E na napili para sa paparating na anak.

Ikinuwento niya rin ang dahilan kung bakit ito ang napili niyang pangalan sa ipinagbubuntis niyang sanggol.

“Elio”, ito ang napiling pangalan ni Dimples para sa kaniyang baby boy. Ayon sa aktres, ang pangalang ito ay may biblical meaning sa salitang French man o Italiano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Elio (pronounced as EE-lee-oh) Elio from the french origin means "My God is the Lord" while, In Italian, the baby name Elio is the variation of Aelius or Helios. Helios is the Greek god of the sun.”

Kuwento pa nga ni Dimples, si baby Elio ang nagsilbing liwanag noong dumaan siya at kaniyang pamilya sa isang pagsubok. Ito rin ang nagbigay buhay at mas nagpainit pa sa pagmamahalan nila.

“Nung nagiisip kami ng name for Baby E, I had prayed prayers for guidance and discernment in many of the aspects in my life. But one thing in my momma heart stuck and that was, even when we have been tested and challenged as a family, somehow everything around us still felt bright and sunny and warm.”

“I guess when we feel we lack love and security the most, it is the love of a Father who overlooks our imperfections that comes shining through.”

Ito ang kuwento pa ni Dimples.

Kaya naman very proud siyang ibahagi ang napili niyang pangalan para sa anak na itinuturing niyang mas nagpaliwanag pa ng kaniyang buhay. Ipinakita niya rin sa video na kalakip ng IG post niya kung gaano na ito kalikot sa loob ng kaniyang tiyan na nagdudulot na raw na pananakit sa kaniyang likod.

Mabuti na nga lang daw na nandiyan ang anak niyang si Alonzo na nagpapaalala sa baby brother niyang maghinay-hinay sa paggalaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So here’s to the brightest our lives will be with your coming my bright ray of sunshine, my little tornado Elio. Hinay hinay lang Elio ha? Masakit na yung likod ni mommy eh. That tiny hand was Kuya Alonzo telling you to be kinder to mom.”

Ito ang sabi pa ni Dimples sa kaniyang IG post tungkol sa napili niyang pangalan para sa kaniyang baby boy.

 
View this post on Instagram

BASAHIN:

Dimples Romana: “Okay lang ‘yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

LOOK: Dimples Romana binigyan ang anak na si Callie ng bahay para masubukang nitong mamuhay mag-isa

Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years

Dimples excited ng maging ina muli at mag-alaga ng isang baby

Image from Dimples Romana's Instagram account

Nauna nang sinabi ni Dimples sa isang panayam na ang pagdating sa buhay nila ng kaniyang ipinagbubuntis na sanggol ay isang “answered prayer”.
 
Dahil sa ngayon ay pitong taon ang anak niyang lalaki na si Alonzo at kasalukuyang nasa Australia ang panganay niyang si Callie. Ito ay 18-anyos at nasa Australia para doon mag-aral ng kolehiyo.
 
Kuwento pa nga ni Dimples, very excited na siyang maging ina muli sa isang sanggol. At Makita ang mga anak niya na nag-uusap at inaalagaan ang isa’t isa.
 
Panigurado niya na may dalang kakaibang experience na naman sa pagiging magulang ang pagdating ng kaniyang new baby.
 
“What excites me the most is the possibility that I have three children who will be talking to one another. And I think the excitement and possibilities that I am only 37 and yet I get to experience what they are experiencing as a child.”
 
“Imaging at my age I get to be a mom to a college student, a kid, and a newborn pagdating ng July. So those are three different kinds of parenting. Three different experiences that we get to experience with the children. Boyet and I acknowledge this answered very well.”
 
Ito ang sabi pa ni Dimples sa isang panayam sa kanya ng Star Magic Inside News.   Image from Dimples Romana's Instagram account

Dimples Romana maternity shoot

Samantala, kamakailan lang ay nakumpleto na ni Dimples ang kaniyang four elements maternity shoot. Siya ay kinuhanan ng litrato na kung saan may representations ang air, fire, earth at water.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang huli na kumumpleto sa four elements maternity shoot niya ay pumukaw ng atensyon at hinangaan ng marami. Ito ay shoot para sa water element na kung saan makikitang nagmala-diyosa underwater si Dimples.

“Kailangan talaga Maganda for this shot.  Not everyone can carry this - Baka magmukhang FISH :)”

Ito ang naging komento ng TV reporter at news anchor na si Bernadette Sembrano sa maternity shoot na ito ni Dimples.

May isang netizen pa nga ang nagsabing mukhang nangangamoy water birth ang napiling paraan ni Dimples sa kaniyang maging panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Dimples ngayon ay nasa ikaanim na buwan ng kaniyang pagbubuntis at nakatakdang manganak sa darating na Hulyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement