Dimples Romana may appreciation post para sa husband niyang Boyet Ahmee. Aktres nagpasalamat sa ginagawang pag-aalaga ng mister sa mga anak lalo na sa kanilang newborn baby na si Elio.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Dimples Romana’s appreciation post for husband
- Relasyon nina Dimples Romana at Boyet Ahmee
Dimples Romana’s appreciation post for her husband
Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana
May dagdag na nagbibigay saya sa pamilya ng aktres na si Dimples Romana at mister niyang si Boyet Ahmee. Dahil nito lang Hunyo 23 ay isinilang ni Dimples ang pangatlo niyang anak na si Elio Juan Manolo.
Sa isa niyang latest Instagram post ay nagbigay update si Dimples sa kaniyang postpartum condition at ganoon rin kay baby Elio. Ito rin ay nagsilbing appreciation post niya sa mister na si Boyet Ahmee.
Dahil pagbabahagi ni Dimples, hindi naging madali ang naging panganganak niya sa ngayon. Siya ay na-caesarean delivery at nahirapang magkikilos isang linggo matapos manganak. Mabuti na nga lang daw at nandiyan ang mister niyang si Boyet na to the rescue. Ito daw ang nagigising sa madaling araw para maibigay ang pangangailangan ng kanilang newborn baby.
“The past week I have been weak, in pain a lot because of my C-section, I haven’t been much help to him in taking care of Elio. But not once did I hear him complain having to carry him over and over with the late night ’til morning staring contests with baby Elio, he’s always present.”
Ito ang bahagi ng appreciation post ni Dimples sa husband niyang si Boyet Ahmee.
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Dimples, ganito rin ang mister niyang si Boyet sa dalawa pa nilang anak na si Callie at Alonzo. Sa katunayan ay iniwan daw ng mister niyang si Boyet ang trabaho nito sa corporate world noon para maalagaan ang anak nilang si Callie.
Habang si Dimples ay nagpatuloy sa kaniyang career at nagtratrabaho. Isang desisyon nila noon na mag-asawa na hindi naging madaling ipaintindi sa iba.
“He decided to just invest in others’ businesses and focus on being a husband and a dad. It wasn’t a popular decision then. We found ourselves having to explain why we chose this set up but eventually people understood.”
Pagpapaliwanag ni Dimples, ito ang napili nilang set-up ng mister na si Boyet para masigurong mapapalaki nila ng maayos ang mga anak, habang nasisiguro na sila ay financial stable rin.
Bagamat pag-amin ni Dimples masaya sana kung dalawa silang laging present para sa mga anak. Pero hindi ito posible, kailangan nilang mag-sakripisyo para masiguro ang magandang kinabukasan para sa mga ito.
“We had to make painful sacrifices of being away from each other. And we didn’t want the kids to be without any of the two of us at home.”
Mula nga daw ng gawin nila ng mister na si Boyet ang kanilang desisyon ay ito na ang laging present sa lahat ng special moments at milestones ng panganay nilang si Callie. Hanggang sa anak nilang si Alonzo ay naging stage dad din ito. Ito ang sumasama sa mga practice game ng anak sa tuwing naglalaro ng ice hockey. At makikita daw ni Dimples na masaya itong makita ang mga improvements at little successes ng anak.
BASAHIN:
Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee
Ryza Cenon tuwing may tantrums ang kaniyang anak: “Huwag sabayan, maging mahinanon”
Princess Punzalan nagpalaglag noong edad 15: “The guy would not stand up for the baby.”
Relasyon nina Dimples Romana at mister na si Boyet Ahmee
Pagbabahagi pa ni Dimples, sila ngayon ng mister na si Boyet ay 19 years ng kasal. Mukha man silang always happy sa social media, pag-amin ng aktres ay lagi rin silang nag-aaway na mag-asawa.
Ang mga ito ang mas nagpatibay ng kanilang relasyon. Pero higit sa lahat ang pinakapinasasalamatan niya ay kung paano isang mabuting ama ang mister na si Boyet sa kanilang mga anak.
“My hubby of 19 years, we fight a lot. We have disagreed a million times often we forget how we even ended up together. Our love has had its many seasons. But if there is one thing I can never disregard is how he’s been an amazing father to our kids.”
Sa huli, ay nag-sorry si Dimples sa mga oras na hindi niya nabigyang pansin ang mga ginagawa ng mister para sa kanilang pamilya. Pero sa ngayon na tatlo ang anak nila ay na-realized niya na super blessed siya na ito ang maging asawa at ama ng kaniyang mga anak.
“Ta, sorry for the many times I have overlooked and taken for granted the little and big things you do for us. I woke up feeling so blessed I have [you].””
Ito ang sabi pa ni Dimples Romana sa aappreciation post niya sa husband niyang si Boyet Ahmee.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!