LOOK! Dimples Romana pregnant sa kaniyang 3rd baby  

Pregnant si Dimples Romana sa kaniyang 3rd baby! Basahin sa article na ito ang buong istory ng kaniyang 3rd pregnancy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ni-reveal ni Dimples Romana ang kaniyang 3rd pregnancy sa press conference ng Fortima Power Hour ngayong March 18, 2022.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dimples Romana pregnant sa 3rd baby!
  • Dimples Romana sa pagharap sa challenges
  • Teenage pregnancy biggest challenge at lesson kay Dimples Romana
 

Dimples Romana pregnant sa 3rd baby!

Sa live press conference ng Fortima, inanunsyo ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang pregnancy sa ikatlong anak.

Masayang-masayang ipinaalam ni Dimples Romana ang pregnancy sa mga fan at audiences dahil aniya, napakahalaga sa kanya, sa pamilya, at sa kaniyang asawa ang balitang ito kaya nais niya ring ibahagi sa lahat ng sumusuporta sa kaniya.

Masiglang saad ni Dimples Romana, “Ladies and gentlemen, I am expecting baby number 3.”  Sabay tayo sa kaniyang upuan upang ipakita sa audiences ang kaniyang baby bump. Binaha ng congratulatory messages ang comment section ng digital press conference.

Bago pa ang nasabing press conference, nagbigay ng hint sa kaniyang Instagram si Dimples Romana tungkol sa kaniyang greatest reveal – ang kaniyang pregnancy.

Larawan mula sa Instagram ni Dimples Romana

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

“Are YOU READY for the BIGGEST REVELATION at 4pm?” saad ni Dimples Romana sa caption. Dahilan upang ma-excite at abangan ng fans ang kaniyang pag-anunsyo sa isa sa pinakamahalagang balita sa kaniyang buhay.

Sa kahiwalay na Instagram post ay ipinaskil niya ang picture niya kasama ang dalawang anak at ang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya sa caption,

"Ngayon pa lang NAIIYAK na ako. Because when I think of God’s unfailingly love and grace, I THINK OF these three. We can’t wait to share with you the NEWS."

Bago matapos ang press conference ay mangiyak-ngiyak si Dimples nang magpasalamat sa host at sa mga nanonood lalo na nang mag sink-in sa kaniya na magiging lima na sila sa kanilang pamilya.

Labis ang saya ni Dimples Romana ngayong siya ay pregnant ulit dahil wala na umano siyang mahihiling pa sa ganda ng blessing na dumating sa kaniya.

Kwento pa niya, nasa 2nd trimester na siya ng kaniyang pagbubuntis, ayon sa kaniya hindi naman siya maselan magbuntis. Ang mga nararamdaman niya talaga ay sobra siyang naging antukin. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Dimples Romana

Dimples Romana sa pagharap sa challenges

Napakaganda ng mga iniwang salita ng aktres na si Dimples Romana sa nasabing press conference kung saan ay naitanong sa kaniya kung paano niya hinaharap ang mga mabibigat na challenges sa buhay.

“I actually respect every phase in my life. When I have to be sad, I don’t skip it. I don’t rush myself…” saad ni Dimples Romana.

Na-realized niya umano ito dahil masyado na siyang maraming pinagdaanan sa buhay simula noong siya ay bata pa lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga umanong tanggapin ang challenge at harapin kaysa takasan ito dahil mas tatagal ang paghilom kung iiwasan ito.

Larawan mula sa Instagram ni Dimples Romana

“The more you resist the feeling that you are feeling, it’s not going to heal…” aniya.

Dagdag pa ni Dimples Romana, “Sometimes the hardest forgiveness to give is the one you give to yourself…”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaalala niya rin sa fans na hindi nariyan ang mga problema para maipanalo ito kundi upang matuto mula rito. At kapag tinanggap mo na umano ang pagsubok, unti-unti na ring mawawala ang takot.

BASAHIN: 

Dimples Romana: “Okay lang'yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

LOOK: Dimples Romana binigyan ang anak na si Callie ng bahay para masubukang nitong mamuhay mag-isa

Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years

Teenage pregnancy greatest challenge at lesson kay Dimples

Teenager pa lang si Dimples Romana nang maging pregnant sa kaniyang panganay. At aniya, ito ang greatest challenge na pinagdaanan niya noon.

Ayon sa report ng Inquirer noong 2020, sinabi ni Dimples Romana na marami siyang natutunan sa naranasang teenage pregnancy.

Masaya naman daw si Dimples Romana na hindi nauwi sa negatibo ang istorya nila ng kaniyang asawa. Proud din siya na lumaking maayos ang kaniyang mga anak.

“Our children can do the math. I didn’t have to tell her. I just want to say that we all have scars that we’ve gotten while going through life.

Nobody is perfect. We all have a chapter in our stories that we draw lessons from. For me, it was that particular chapter—I got married at an early age,” saad ni Dimples sa report ng Inquirer.

19 years old pa lang si Dimples nang ma-preggy sa kaniyang anak na si Callie.

Proud naman daw si Dimples na sa kabila ng mga challenges ay nananatiling matatag ang kanilang samahan ng kaniyang asawa at buo ay masaya ang kanilang pamilya.

“For me, as long as you are humble enough to accept that you’ve made a mistake, and you know how to listen and … are willing to change your ways, it will all make sense in the end—just like what happened to us,” saad pa ni Dimples.

Bukod kay Callie, ay si Alfonso ang kaniyang ikalawang anak. Ngayon nga ay inaasahan niya ang kaniyang 3rd baby na tinawag muna nilang baby E.

Congratulations Mommy Dimples! 

Sinulat ni

Jobelle Macayan