Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

Marian number one priority ang pamilya at mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dingdong Dantes at Marian Rivera, ito ang sikreto sa masaya nilang pagsasama.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Sikreto sa pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
  • Ano ang aral na itinuturo ni Marian sa mga anak na sina Zia at Ziggy.

Sikreto sa pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Image from Marian Rivera's Facebook account

Ang pamilya at pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sinusubaybayan ng karamihan ng mga Pilipino. Dahil maliban sa sila ay kilalang couple sa bansa, napaka-cute rin ng kanilang mga anak na hindi nakakagulat na sumunod sa yapak nila.

Pero kung may isang hinahangaan ang marami lalo na tayong mga magulang kay Dingdong at Marian, ito ang relasyon nila na tila mas lalong tumatamis sa pagdaan ng panahon.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Marian ang sikreto sa pagsasama nila ni Dingdong Dantes. Ito ay ang pagkakaroon ng constant communication sa isa’t isa.

Pati na ang pagsisiguro na hindi sila nawawalan ng oras para mag-bonding na mag-asawa. Kahit ito ay sa pamamagitan lang ng pangangamusta sa kung paano ang naging takbo ng mga araw nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mahalagang-mahalaga na palagi kayong may communication ng asawa mo. Lagi kayong may time sa isa't isa para mag-heart to heart talk, sa mga bagay bagay na nangyayari sa 'yo everyday o sa mga bagay na hindi magandang nangyayari sa 'yo napag-uusapan ninyong mabuti.”

Ito ang pahayag ni Marian sa panayam sa kaniya ni Christine Jacobs sa isang programa sa CNN.

Marian at Dingdong best friends ang turingan sa isa’t isa

Image from Marian Rivera's Facebook account

Ayon pa kay Marian, hindi lang basta asawa ang trato nila ni Dingdong sa isa’t isa. Lalo na sa tuwing nag-uusap sila na mas nagpapagaan sa pakiramdam nila sa isa’t-isa, ganoon na rin sa kanilang relasyon.

“Maganda kasi sa amin para kaming mag-best friend kapag nag-uusap kami hindi as asawa. Mas maganda pa rin siguro na ganun ang treatment ninyo sa isa't isa, hindi masyadong serious. Para you can say anything talaga.”

Maliban nga raw sa mas madali siyang nakakapag-open up siya sa mister, ito raw ang nangungunang tao na nag-i-encourage sa kaniya na sumubok sa mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May mga bagay kasi na natatakot ang gawin. Siya 'yong nagsasabi na hindi kaya mo 'yan try mo. Siya ang nagbibigay sa 'kin ng kumpyansa na gawin ang mga bagay na takot akong gawin.”

Ito ang kuwento pa ni Marian.

BASAHIN:

Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: “Coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga.”

Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology”

Marian Rivera sa pagbawal ng gadget habang kumakain: “Ini-explain namin na pinapahalagahan ang food.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano bilang mga magulang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Image from Marian Rivera's Facebook account

Pagdating sa pagpapalaki ng mga anak ay nagwo-work din daw as team si Marian at Dingdong. Sa kabila ng kanilang career sinisiguro nila na ang kanilang mga anak ang nangunguna sa kanilang mga priorities.

Tulad ngayon na si Dingdong ang busy sa pagtratrabaho habang si Marian ang nag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Kapag ang isa mayroong trabaho, kailangan nandun yung isa para sa mga bata. Hindi kami puwedeng sabay magtrabaho.”

Ito ang sinasabing panata ni Marian pagdating sa mga anak niya. Dahil bilang isang ina, kakaibang saya raw ang naibibigay sa kaniya ng makitang lumalaki ang mga anak na nasasaksihan niya at kasama siya.

“I make sure kay Dong na talagang aalagaan ko ang mga anak ko. Sabi ko talaga, clearly ang priority ko talaga ay family, 'yong mga anak ko.

And everything is to follow nalang talaga. Nakikita ko silang lumalaki, nakikita ko kalokohan nila. As a mom, natutuwa ako sa journey nila na 'yon na kasama ako.”

Ito ang masayang kuwento pa ni Marian. Pero magkaganoon man, pagdating sa pagdidisiplina ng mga anak si Marian daw ang nakatoka. Isang bagay na napagkasunduan rin nila ni Dong para sa ikabubuti ng mga anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako 'yong bad cop. Si Dong very loveable 'yan sa mga anak niya, Minemake-sure niya talaga na binibigyan niya ng time ng mga anak niya.

Sinasabi niya na ikaw na lang 'yan. Kasi ikaw lagi kang nasa bahay maiintindihan ka nila. Baka pag ako 'yong nagalit tapos wala pa ko sa bahay baka mas magtampo sila.”

Kung mayroon nga daw isang aral na laging pinapaala si Marian sa mga anak niya ay ang pagpapahalaga sa kapwa nila. Ito ang paniniwala ni Marian na isang bagay na magiging gabay nila para lumaki silang mabuting tao na pinapangarap ng lahat ng magulang sa kanilang mga anak.

“Sinasabi ko kay Zia, kailangan lumaki kang mabuting tao kasi yang mga materyal na yan lahat yan mawawala. Pero kung paano magpahalaga sa kapwa mo 'yan ang mahalaga.”

Ito ang kuwento pa ni Marian Rivera.

 

CNN

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement