Dingdong Dantes gift of time with his family ang hiling ngayong Pasko. Narito ang dahilan ng aktor kung bakit.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Dingdong Dantes Christmas wish for his family.
- Payo ni Dingdong Dantes.
Dingdong Dantes Christmas wish for his family
Sa isang panayam sa kaniya ng theAsianparent Philippines ay ibinahagi ng aktor na si Dingdong Dantes ang gusto niyang Christmas gift ngayong darating na Pasko. Si Dingdong mabilis ang naging sagot. Ito ang nasabi niya.
“Gift of time gusto ko ng mas maraming oras with my family.”
Ang sagot na ito ni Dingdong ay kaugnay sa pinakabagong proyektong pinagsasamahan nila ng misis niyang si Marian Rivera. Ito ay isang pelikulang pinamagatang “Rewind”. Tungkol ito sa kuwento ng isang ama na naubos ang oras sa kakatrabaho at unti-unting nasira ang relasyon sa kaniyang misis. Habang nasa sasakyan ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa isang aksidente. Ang misis niyang ginaganapan ni Marian Rivera ay nasawi sa nasabing eksena.
Ang karakter ni Dingdong nabigyan ng pagkakataon na saglit na makabalik at maitama ang kaniyang mga pagkakamali bagamat huli na ang lahat.
Larawan mula sa Facebook account ni Dingdong Dantes
Mula sa pelikula, ito ang realizations at payo ni Dingdong sa mga mag-asawa at magkaapamilya.
“May mga bagay na hindi o imposible mo ng ma-rewind. So, make the most of it right now.”
“Yung relationships na meron ka, yung mga taong mahal mo iparamdam mo sa kanila na mahal mo sila. Baka hindi na dumating na yung araw na maibigay mo sa kanila yun. Bago pa magsisi ang lahat now is the time to live more and to love more.”
Ito ang sabi pa ni Dingdong.
Ngayong darating na pasko, pagbabahagi ni Dingdong habang pinopromote ang bago nilang pelikula ay hindi mawawala ang oras niya para sa pamilya. Sama-sama daw silang iikot ng kaniyang pamilya ngayong pasko sa mga sinehan. Ito ay para i-promote ang kanilang pelikula at mai-share sa iba pa ang mga aral mula dito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!