Modern heroes na kung tawagin ang mga matatapang nating frontliners ngayon. Mapa medical team, volunteer workers, police, military o supermarket/pharmacy workers man ‘yan. Matapang nilang hinaharap ang bawat araw sa labas kahit may banta ng COVID-19. Marami ang pasasalamat na binibigay sa kanila pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang discrimination sa frontliners.
Discrimination sa frontliners
Isa na lamang ang kwento ni Kenneth Henry Goyen, nurse sa Philippine General Hospital, sa magpapatunay na may nararanasan pa ring discrimination ang mga frontliners ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa kanyang salaysay, umuwi siya sa kanyang condo unit sa Malate kasama ang ibang nurse para maglaba ng kanilang mga damit. Nung gabing ding ‘yon, bigla silang pinuntahan ng guard sa kanilang building para sabihan na maingay sila. Ngunit isa pala itong paraan ng kanyang kapitbahay upang maipakita sa guard na may mga frontliners sa kanilang building.
Discrimination of COVI-19 frontliners | Image from Freepik
Wala na sanang balak pang kausapin ni Kenneth ang kanyang kapitbahay pero buong tapang pa rin niyang sinabi ang kanyang damdamin nang kinompronta siya nito.
Dagdag pa ng nurse na ginagawa lang daw ng kanyang kapitbahay ito dahil gusto nyang protektahan ang kanyang sarili.
“She already confronted me na she’s only doing that because she’s trying to protect herself, ganoon. So ‘yung response ko sa kaniya, sabi ko ‘Ma’am you’re not trying to protect yourself. You’re being selfish ’cause knowing ‘yung mga kasama ko dito sa unit namin ngayon are senior citizens themselves,’
Dahil sa pagkabigla at naramdamang discrimination ni Kenneth at ng iba pa nyang kasamang nurse, handa siyang ipaglaban ang kanyang karapatan. Ayon sa kanya, magfifile siya ng kaso para rito.
“I think that filing a case against her will set an example to all the citizens to respect frontliners, na hindi acceptable ‘yung dini-discriminate ‘yung frontliners natin lalong-lalo na we’re only doing our job. Hindi kami iyong kalaban dito,”
Matatandaan na hindi lamang ito ang kwento ng mga discrimination sa frontliners. Kamakailan lang, isang health worker rin ang walang awang sinabuyan ng bleach sa mukha dahil nalamang nagtatrabaho ito sa ospital. Muntik pang mapuruhan ang kanyang mata dahil sa sinaboy na bleach.
Discrimination of COVI-19 frontliners | Image from Freepik
Discrimination sa mga frontliners ngayong COVID-19, may karampatang parusa na
Dahil sa patuloy ang discrimination sa mga frontliners ngayong COVID-19 outbreak, ipinatupad na ang City Ordinance No. 8624 or the “Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020”. Ito ay patungkol sa panghaharass o discrimination na matatanggap ng mga frontliners.
Maaaring magmulta ng PHP 5,000 ang mga ito o kaya naman makulong hanggang anim na buwan.
Naglabas din ng pahayag ang Department of Health ukol sa mga harassment at discrimination sa mga frontliners.
“We are mobilizing our own personnel in efforts to ascertain more details and hold perpetrators of these attacks liable and reporting these incidents to the Inter-Agency Task Force of COVID-19 for proper investigation and resolution. It is not enough that we thank them. We need to protect them too.”
Source: ABS-CBN
BASAHIN: Healthcare worker tinapunan ng bleach, natamaan ang mata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!