Ito ang effective na disinfectant spray laban sa COVID-19 ayon sa EPA

Ang dalawang disinfectant spray na ito ay para sa COVID-19 na kayang patayin ang virus sa loob lamang ng dalawang minuto. | Lead Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para mapanatili ang kaligtasan, mahalaga para sa iyong mga grocery ang malinisan ito o ma-disinfect bago gamitin sa loob ng bahay. Ngunit alam niyo bang may binigay na rekomendasyon ang mga eksperto kung ano ang the best disinfectant spray para sa COVID-19 virus?

Ang nasabing mga produkto ay kayang pumatay ng virus sa loob ng dalawang minuto!

Disinfectant spray para sa COVID-19 virus: Ano nga bang maganda?

Aprubado ng US Environmental Protection Agency ang dalawang Lysol products na mabisa at epektibong disinfectant spray para sa COVID-19 virus. Maaring gamitin ito sa mga matitigas at  non-porous na surfaces.

Disinfectant spray para sa COVID-19 virus | Image from Lysol

Pasado kasi sa standard at criteria ang Lysol Disinfectant Spray at Lysol Disinfectant Max Cover Mist ng Environmental Protection Agency o EPA na mabisang pang disinfect sa mga gamit. Ang parehong product na ito ay kayang patayin ang COVID-19 virus sa loob lamang ng dalawang minuto.

Ayon sa executive vice president ng Reckitt Benckiser na si Rahul Kadyan, nakakasigurado ang publiko na patuloy nilang papalakasin ang kanilang produkto sa mamamagitan ng pagbibigay ng sapat at malawak na pag-aaral rito.

“In the face of the pandemic, Lysol continues to work with a wide range of scientific and health experts to educate the public on the importance of hygiene.”

Nasa mahigit 400 na disinfectant ang nasa listahan kung ano ang mabisang gamitin para mamatay ang COVID-19. Ang dalawang Lysol product naman ang kauna-unahang tinest na pampatay sa virus. At ito nga ay napatunayan namang epektibo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga ang magkaroon ng mga produktong ganito maliban sa alcohol, hand sanitizer o kaya naman face mask. Isa pa sa importanteng ugaliin ay ang paglilinis muna o pag disinfect ng mga grocery na pinamili sa labas.

Sa ganitong sitwasyon, ang magkakaroon ng disiplina at masipag na pagsunod sa mga health protocols ay makakatulong sa’yo para makaiwas na magkaroon ng COVID-19.

Disinfectant spray para sa COVID-19 virus | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

Disinfectant spray para sa COVID-19 virus | Image from Unsplash

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

CNN Health

BASAHIN:

Naghahanap ng dagdag na kita? 6 Online business na madali lang umpisahan

Singapore-based BPO firm naghahanap ng 2,000 work-from-home staff sa Pilipinas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano