Divorce bill sa Philippines aprubado na sa House committee level. Panukalang batas ng diborsyo isusulong na sa plenaryo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Updates tungkol sa divorce bill sa Pilipinas.
- Ano ang nakasaad sa isinusulong na divorce bill sa Pilipinas.
Divorce bill sa Philippines
Divorce bill sa Philippines/ Wedding photo created by freepik – www.freepik.com
Kahapon ay inaprubahan na ng Committee on Population and Family Relations ang House Bill 7303 o ang mainit na pinagtatalunang divorce bill sa Pilipinas. Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay isinusulong na maaprubahan ang diborsyo o absolute divorce sa bansa.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman na isa sa mga nagsusulong ng panukalang batas, ang pagsang-ayon ng komite sa divorce bill ay isang malaking hakbang para muling maibalik ang konsepto ng divorce sa Pilipinas na una na nating ginagawa noong unang panahon.
Ito umano ay isa sa mga panukalang batas na matagal ng hinihintay na maaprubahan ng maraming kababaihang Pilipino. Lalo na ang mga nakaranas ng pang-aabuso at pang-mamaltrato mula sa mga lalaking kanilang pinakasalan.
“A momentous occasion for countless wives, who are battered and deserted, to regain their humanity, self-respect and freedom from irredeemably failed marriages and utterly dysfunctional unions.”
Ito ang pahayag ni Lagman ukol sa isinusulong na divorce bill sa Pilipinas.
Sino ang maaaring mag-file ng divorce sa ilalim ng panukalang batas?
Family photo created by freepik – www.freepik.com
Sa tulong ng divorce bill ay magkakaroon na ng tiyansa na muling makapagpakasal ang mga mag-asawang piniling maghiwalay at muling nakakita ng bagong taong mamahalin nila. Dahil sa ilalim ng panukalang batas ay pinapayagang ma-void na o mapawalang bisa ang isang kasal.
Pero tulad ng annulment ay dapat mayroong grounds o tanggap na dahilan bago ma-divorce ang isang kasal. Ang mga grounds o mga kasal na maaaring makakuha ng divorce ay ang mga nakakaranas ng sumusunod:
- May psychological incapacity ang isa sa mga mag-asawa.
- Mag-asawang hiwalay na o hindi na nagkikita ng hindi bababa sa limang taon.
- May isa sa mag-asawa ang sumailalim sa gender reassignment surgery o nagbago na ng kasarian.
- Irreconcilable marital differences o ang mga mag-asawang lagi ng nag-aaway at hindi magkasundo.
- Mga babae o lalaking nakakaranas ng domestic o marital abuse.
- Valid foreign divorce na inihain ng alien o ng Pilipinong nakapangasawa ng banyaga.
- Kasal na isinawalang bisa ng isang kilalang relihiyosong tribunal
BASAHIN:
4 secrets para sa intimate at long-lasting relationship with hubby
Mga opinyon tungkol sa divorce bill
Ang divorce bill ay itinuturing na “pro-woman legislation” dahil sa tulong ito ay maaring makalaya ang mga babaeng biktima ng mapang-abusong relasyon. Sa tulong rin nito ay muling maibabalik ang kanilang dignidad at kumpyansa sa sarili.
Kaya naman sabi pa ni Rep. Lagman, oras na para maaprubahan ang absolute divorce sa Pilipinas. Dahil tayo na lang ang nag-iisang bansa sa mundo, maliban sa Vatican City state ang tumututol dito.
“It is hard to believe that all the other countries collectively erred in instituting absolute divorce in varying degrees of liberality and limitations.
An en masse blunder is beyond comprehension. An erroneous unanimity on such a crucial familial institution defies reason and experience. Obviously, the rest of the world cannot be mistaken on the universality of absolute divorce.”
Ito ang nasabi pa ni Lagman.
Maaaring makasira ito ng pamilya at maging dahilan para hindi pahalagahan ng mag-asawa ang kasal nila
House photo created by freepik – www.freepik.com
Samantala, para naman kay House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, ang divorce bill ay maaaring maging daan sa tuluyang pagkasira ng mga pamilyang Pilipino.
Kung tutuusin, hindi naman umano na ito kailangan. Lalo pa’t mayroon na tayong iba pang legal remedies sa mga kasal na nais na mapasawalang-bisa.
Ito ay ang legal separation, annulment at declaration of nullity of marriage. Ang mga ito ay kailangan lang gawing mas mura para sa mga Pilipino.
Kailangan ring mapabilis o mapadali ang proseso kaya naman sa opinion niya ay hindi na kinakailangan pa ang batas tungkol sa diborsyo.
“The legal remedies available such as legal separation, annulment, and declaration of nullity of marriage are sufficient to address them.
The more pressing policy action right now is not the divorce bill, but government simply making existing remedies more accessible especially to the poor—by making the process cheaper and the resolution of cases faster.”
Ito ang pahayag ni Villanueva.
Dagdag pa niya, ang batas na ito ay panandaliang solusyon lang. At maaaring maging daan para hindi bigyang halaga ng mga mag-asawa ang kasal nila. Dahil sa tulong ng absolute divorce ay napakadali na ang legal na paghihiwalay ng mag-asawa.
Samantala, matapos maaprubahan ng house committee level, ay sunod ng tatalakayin ang divorce bill sa plenaryo ng mga kongresista.
Kung ito ay maaprubahan sa plenaryo ay dadaan pa ito sa kongreso at senado bago matuluyang maaprubahan ng presidente ang panukalang batas.
Samantala, wala pa tiyak na presyo o halaga ang pagpapadiborsyo sa Pilipinas kung sakaling maisabatas nga ito. Sapagkat pinag-uusapan pa ito ng mga mambabatas.
Maaaring epekto ng Divorce sa mga bata
Ayon sa Healthline, maaaring makaapekto ang divorce ng mga magulang sa kanilang anak. Dahil sa tuluyan paghihiwalay ng kaniyang mga magulang maaari makaranas ang isang bata ng mga sumusunod:
- Pagkagalit sa kaniyang mga magulang o sarili.
- Maaaring hindi na sila maging socially involved sa mga bagay na ginagawa nila socially katulad ng paglalaro kasama ang kaibigan niya.
- Pwede rin silang makaranas ng seperation anxiety dahil sa paghihiwalay ng kaniyang magulang.
- Maaari ring magbago ang kanilang eating habits at sleeping pattern dahil rito, na maaaring magdulot sa kanila ng hindi maaayos na pagtulog o ‘di naman kaya’y hindi pagkain ng maayos.
- Ang mga batang ang mga magulang ay maghihiwalay o magdidiborsyo ay maaaring makaranas ng depresyon.
- Maaari rin silang sumubok ng mga risky behaviors katulad ng pagsagot sa mga magulang o paggawa ng mga reckless na bagay.
- Kapag lumaki na ang batang hiwalay ang magulang maaari silang magkaproblema sa mga relasyon na papasukin nila.
Subalit para naman sa mga batang naghiwalay o nag-divorce ang magulang dahil sa abuso ay maaari rin may mabuting epekto ito. Sapagkat kapag nakikita ng isang bata ang pananakit ng kaniyang isang magulang sa isa pa niyang magulang ay maaari siyang magkaroon ng trauma dito.
Source:
GMA News, ABS-CBN News, Inquirer, PNA, The Philippine Star, Healthline