Hiwalay ang mga magulang? Narito ang mga paraan para maiparamdam sa bata na may dalawang magulang parin siya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga paraan para maiparamdam sa isang bata na hiwalay ang mga magulang na buo parin ang pamilya niya.
- Effective co-parenting tips ayon sa mga eksperto.
Paano maipaparamdam sa isang bata na hindi hiwalay ang mga magulang niya?
Sa ngayon, ay hindi na kakaiba ang mga mag-asawang naghihiwalay at may batang naiipit sa gitna nila. Ang mga tanong kung kanino mapupunta ang custody ng bata at paano maipaparamdam sa kaniya ang pagmamahal ng mga magulang niya kahit na ang mga ito ay hiwalay na.
Ayon sa mga eksperto, narito ang mga paraan na maaaring gawin para maging effective at successful ang co-parenting. Para maiparamdam sa isang bata na buo parin ang pamilya niya kahit hiwalay ang mga magulang niya.
1. Mag-move on na at kalimutan ang nakaraan.
Ang unang paraan para maging successful ang co-parenting ay ang pagpapatawad pareho ng mag-asawang naghiwalay na. Ito ay para masigurong parehong nakapag-move on na sila at magiging mabuting mga magulang nalang sa kanilang anak.
Sapagkat kung hindi pa sila parehong nakakapag-move on ay lagi lang silang magkokontrahan. Kahit mga maliliit na bagay ay magiging big deal at maaring pagsimulan ng pag-aawayan nila.
Ang ending ang nahihirapan ay ang anak nila. Ito ang payo ng marriage at family therapist na si Juliana Morris. Dagdag pa niya kung parehong nakapag-move on na ang mga mag-asawang nag-hiwalay mas magiging sentro nalang ng relasyon nila ay ang anak nila.
2. Alalahanin ang mga panahong maayos pa ang inyong pagsasama ng dating asawa.
Family photo created by pressfoto – www.freepik.com
Para maalis ang bitterness at galit na nararamdaman sa dating asawa, mabuting alalahanin ang mga panahon na maayos pa ang inyong pagsasama. O ang mga panahong masaya pa kayo sa piling ng isa’t isa.
Ito ay para unti-unti ninyong makalimutan ang mga pangit na nakaraan at makapag-concentrate lang sa inyong anak. Ngunit kung sadyang mahirap talagang pakisamahan ang iyong dating asawa, mabuting ituring lang siya na parang business partner.
Kung saan ang goal ninyo ay paluguin at gawing maliwanag ang kinabukasan ng inyong anak. Ito ay ayon naman sa co-parenting professional na si Sherrill A. Ellsworth.
3. Ituring ang iyong dating asawa bilang team mate sa pagpapalaki ng iyong anak.
Bagama’t mahirap, kailangan ninyong magtulungan ng iyong dating asawa sa pagpapalaki ng maayos sa inyong anak. Para sa ikabubuti ng iyong anak ay mag-usap kayo.
Hangga’t maaari sana, kung may hindi kayo pagkakaintindihan ay huwag ipakita sa inyong anak na kayo ay nagtatalo. At matutong respetuhin ang isa’t isa at isipin na ito ay inyong ginagawa para sa anak ninyo at hindi para sa inyong dalawa.
4. Maging flexible sa oras o schedule mo para sa iyong anak.
Bilang pinalalaki ninyo ang inyong anak gamit ang co-parenting technique, madalas ay may nakalaan kayong schedule para makasama siya o para punan ang responsibilidad ninyo bilang magulang niya.
Pero magkaganoon man sa oras na kinakailangan ay mabuting maging flexible para sa iyong anak. Huwag magalit kung may mga pagkakataong sasaluhin mo ang iyong co-parent sa mga oras na dapat siya ang tumatayong magulang sa iyong anak.
Sapagkat panigurado may mga pagkakataon din na ikaw naman ang magiging busy at kakailanganin mo rin ang tulong niya.
5. Maging accessible o makipag-communicate sa iyong co-parent.
Panatilihin ang maayos na komunikasyon sa iyong co-parent lalo na kung ito ay para sa inyong anak. Halimbawa, kahit minsan awkward lalo kung kayo ay parehong may bagong relasyon na, ay sagutin pa rin ang mga text at tawag niya.
Basta’t ito ay tungkol sa inyong anak na mahalaga ang pagkakaisa ninyong dalawa. Ito ay ayon naman sa relationship coach na si Jennifer Hurvitz.
BASAHIN:
6 karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa
6 co-parenting tips para sa mga mag-ex
LOOK: 10 Former celeb couples who are winning the co-parenting game!
6. Hindi kailangang maging pantay lagi ang oras ninyo sa inyong anak.
Family photo created by jcomp – www.freepik.com
Huwag agad na magalit kung pakiramdam mo ay lamang o mas maraming oras ang iginugugol ng iyong anak kasama ang dati mong asawa.
Sa halip, matuwa ka dahil sa kabila ng lahat ay ginagampanan niya pa rin ang pagiging magulang niya sa anak ninyo. Pero hindi naman ibig sabihin nito na hahayaan mo na siya at magi-give-way nalang para sa anak ninyo.
Puwede ka pa rin naman mag-spend ng oras sa anak mo o iparamdam sa kaniyang ang pagiging magulang mo. Gaya na lamang kung lalaki siya at may basketball tournament sila ng kaniyang ama na dati mong asawa.
Puwede kang maging present pa rin sa game nila habang chine-cheer ang anak mo sa paglalaro kasama ang daddy niya.
7. Huwag magsasalita ng pangit o masama laban sa iyong co-parent.
Ang pangit na paghihiwalay ninyong mag-asawa ay hindi dapat maging dahilan para magsalita ka ng pangit sa iyong co-parent lalo na sa harapan ng anak ninyo.
Dahil ito’y hindi mabuting halimbawa para sa inyong anak. Sapagkat tinuturuan siya nitong lumaking walang respeto at puno ng insecurity. Dagdag pa na ikakalungkot niya ito dahil sa nakikita niyang hindi nagkakasundo ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
8. Huwag isawalang bahala ang birthday o mga holiday para sa iyong dating asawa.
Muli, hindi naman ito tungkol sa inyong dalawa. Ito ay para sa inyong anak. Magandang maipakita sa kaniya kung paano ninyo pinahahalagahan ang isa’t isa sa kabila ng lahat.
Isa rin itong assurance sa kaniya na maayos ang relasyon ng mga magulang niya. Kaya naman kahit hiwalay kayo at hindi na nakatira sa iisang bubong ay hindi siya makakaramdam ng lungkot. Gayundin mararamdaman niya kahit papaano na buo pa rin ang pamilya niya.
Isa rin ito sa mga payo Hurvitz. Isipin din na lamang na ang pinaglalaanan mo dito ay iyong anak. Kasi bilang isang bata ay wala pa naman siyang pera para maibili ng regalo o something special ang iyong dating asawa.
Kaya naman tulungan siya at iparamdam sa kaniya na ikaw ay kaniyang best friend na malalapitan at masasandalan niya.
9. Maging parte ng pagdedesisyon para sa ikabubuti ng iyong anak.
People photo created by our-team – www.freepik.com
Bagama’t hindi sa lahat ng oras ay dapat nakikialam ka sa buhay ng iyong anak, mahalaga naman na maging parte ka ng pagdedesisyon para sa ikabubuti niya.
At ito ay dapat ginagawa ninyo ng dati mong asawa na magkasama at siyempre may pagkakaisa. Tulad na lamang sa kung saang school siya mag-aaral o kaya naman ay kung saan siya mabuting tumira.
Pero pagdating sa maliiit na bagay na alam mong kaya ng pagdesisyonan ng anak mong mag-isa ay hayaan siya. Dapat lang ay lagi kang nakaalalay o handa sa oras na magkaproblema at kailangan ka niya.
10. Humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.
Kung nahihirapan pa rin sa co-parenting set-up na mayroon kayo ngayon ng dati mong asawa ay mabuting humingi ng payo sa mga kakilalang may karanasan na sa ganito.
Maaari ring lumapit sa isang professional na mabibigyan ka ng payo kung paano maipaparamdam sa iyong anak na buo pa rin ang pamilya niya. Ito ay kahit hiwalay ang mga magulang niya at may kani-kaniyang bagong buhay na.
Source:
Oprah Daily
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!