X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo

4 min read
10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo

Ngayong mga araw ng puso, may regalo kana ba sa iyong special someone? Maaaring ang mga DIY valentines card na ito ang sagot sa iyong problema!

Ang DIY Valentines card ay hindi lang nagpapakita ng paggiging malikhain ng isang tao kundi ito ay isang bagay rin na masasabi mong ‘gawa mula sa puso’ kapag nakatangap ka nito.

Pero, expect the unexpected, hindi lahat ng DIY projects na nakikita mo sa mga stationary store ay hindi kasing ganda ng inaakala mo. ‘Wag kang mag-alala dahil marami pang variety ng ganito ang maari mong gawin! Depende rin sa DIY skills mo at creativity. Plus, kung hindi ka pa nakakabili ng ng regalo sa iyong asawa, ang DIY card ang siguradong sagot sa iyong problema!

10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo

1. “I Love You More Than…” Card

diy-valentines-card

Image from Pinterest

Ang paper hearts ang magpapatunay kung gaano o kamahal ng iyong asawa. Maaari mo rin itong magamit upang malista ang mga bagay kung bakit mo mahal ang iyong asawa.

Isang simpleng regalo ngunit napakalaking bagay para sa iyong minamahal!

2. Needlework heart

diy-valentines-card

Image from Pinterest

Kunin na ang mga tira at hindi pa nagagamit na yarn at string at gawing isang masterpiece! Gumamit ng stencil para makagawa ng symmetrical na puso!

Needlework-heart

Image from Pinterest

  1. Gamit ang martilyo at maliliit na pako, i-pako ito sa maliit na kahoy na hugis puso.
  2. Pagkatapos, maglagay ng pako sa gitna at bandang taas ng puso.
  3. Ipaikot ang string sa pako hanggang sa gitnang pako. Hilahin ito bago itali.
  4. Ulitin ito hanggang sa makagawa ng hugis puso

3. “Open Me When” Origami hearts

3. "Open Me When" Origami hearts

Gumawa ng encouraging message sa isang papel na hugis puso. Pwede kang gumawa ng maraming ganito at ilagay sa isang garapon. Atsaka ito babasahin ng partner mo sa iba’t-ibang pagsubok.

Open-Me-When-Origami-hearts

Image from Pinterest

4. Tumbling hearts polaroid card

diy-valentines-card

Image from Pinterest

Bakit hindi mo ipakita ng literal sa iyong partner kung paano tumatalon ang puso mo kapag kasama mo siya? Maaaring makatulong sa’yo ng DIY card na ito!

Ang maliliit na nagtatalunang puso ang bida dito!

10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo

Image from Pinterest

  1. Gumupit ng maliliit na puso sa isang colored paper.
  2. Pagkatapos nito, gumupit din sa foam ng U-shape para masuportahan ang mg mini-hearts. Idikit ito sa card.
  3. Gupitin ang bintana ng polaroid at ipalit dito ang transparent plastic.
  4. Idikit ang polaroid sa foam.
  5. Isarado ang butas sa tuktok ng U-Shaped foam ang adhesive tape para hindi mahulog ang mga maliliit na puso.

5. Message in a bottle

Bottle-message

Image from Pinterest

Minsan, ang pinakadabest na regalo ay yung maliliit na bagay. Bigyan an iyong partner ng glass bottle na naglalaman ng iyong message sa kanya. Maaari rin itong i-display sa kanyang kwarto o sala.

6. Date arrows

diy-valentines-card
Partner Stories
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
The importance of physical and digital play for your child
The importance of physical and digital play for your child
3 A's Every Parent Should Know to Raise Happy Children
3 A's Every Parent Should Know to Raise Happy Children
The Power of Women supporting Women
The Power of Women supporting Women

Image from Pinterest

Maaari mong regaluhan ang iyong asawa ng Cupid’s arrow! Ito ay magpapaalala sa inyo kung paano kayo na lovestruck sa isa’t-isa. Pwede mo rin itong samahan ng maliit na message na nakasabit sa isang papel.

date-arrows

Image from Pinterest

7. Suminagashi card

suminagashi-card

Image from Pinterest

Samahan ng kaakit-akit na kulay ang iyong card gamit ang suminagashi o paper marbling techniques.

suminagashi-card

Image from Pinterest

  1. Maglagay ng tubig sa isang tray
  2. Maglagay ng ilang patak ng marbling paint sa tubig. O maaari ka ring gumamit ng food coloring o acrylic paint kasama ang cooking oil.
  3. Gumawa ng swirls o kakaibang pattern sa tubig
  4. Ilagay ang makapal na papel sa ibabaw ng tubig. Ingatan lang na ‘wag malagyan ng tubig ang kabilang side ng papel.
  5. Marahang tanggalin ang papel sa tubig.

8. Magnetic poetry

magnetic-poetry

Image from Pinterest

Paulanan ng pagmamahal ang inyong fridge!

Lagyan ng glue magnetic strips ang likod ng iyong cards na naglalaman ng poem. Idikit ito sa inyong fridge at hayaang makita pagsapit ng umaga.

9. Valentines Fortune Teller

Valentines-Fortune-Teller

Image from Pinterest

Bigyan ang iyong partner ng isang bagay na makakapagbalik tanaw sa kanya noong school days gamit ang paper fortune teller. Lagyan ng nais mong mensahe ang loob nito. Ngunit maaari niyo rin itong palitan ng kakatwang mga mensahe o dares. At hayaan ang kapalaran ang magdesisyon!

10. Cloth Flower Card

diy-valentines-card

Image from Pinterest

Maaari kang gumawa ng rose gamit ang tela. Magputol lang ng maliliit na tela sa iba’t-ibang size. Pagpatung-patungin lang ito para makagaw ng rose. Siguraduhin lang na lagyan ito ng butones para hindi malagas ang rose.

 

If you want to read an english version of this article, click here.
BASAHIN: LIST: Mga abot-kayang flower delivery para sa Valentine’s Day

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Araw Ng Mga Puso
  • /
  • 10 Cute DIY Valentines cards na maaaring gawin kasama ang anak mo
Share:
  • Paano kayo nag-celebrate ng Valentine's Day? 21 celebrity couples at solo parents na nagdiwang ng araw ng mga puso

    Paano kayo nag-celebrate ng Valentine's Day? 21 celebrity couples at solo parents na nagdiwang ng araw ng mga puso

  • Paano kayo nag-celebrate ng Valentine's Day? 21 celebrity couples at solo parents na nagdiwang ng araw ng mga puso

    Paano kayo nag-celebrate ng Valentine's Day? 21 celebrity couples at solo parents na nagdiwang ng araw ng mga puso

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko