X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Confirmed case ng Coronavirus sa Pilipinas, wala pa rin ayon sa DOH

4 min read
Confirmed case ng Coronavirus sa Pilipinas, wala pa rin ayon sa DOH

Iginiit ng DOH na wala pa ring confirmed case ng novel coronavirus sa Philippines. Ito ay matapos ang isinagawang press conference, Wednesday ng hapon.

DOH confirmed case Philippines

DOH confirmed case Philippines, iginiit na wala pa rin. Ayon sa Department of Health, wala pa ring naitalang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas. Mayroong 23 pang kaso ang inoobserbahan at apat sa mga ito ang na-discharge na kaninang umaga.

The Department of Health announced that there is still NO confirmed case of the novel coronavirus in the Philippines as… Posted by Philippine Star on Tuesday, 28 January 2020

Inoobserbahang Chinese sa San Lazaro hospital, namatay

Samantala, kinumpirma rin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi NCOV ang ikinamatay ng 29-year old na Chinese national mula Yunnan, China. Siya ay in-admit sa nasabing ospital noong Lunes matapos mag-positibo sa HIV sa initial screening. Sinabi rin ng direktor ng ospital na siya ay payat na lalaki at may “lung findings” kaya naman agad itong inobserbahan.

Mayroon pang tatlong Chinese na kasalukuyang under observation. Lahat sila ay nakitaan ng sintomas sa initial screening at lahat din ay nanggaling sa Wuhan, kung saan nanggaling ang sakit.

Pagkakaroon ng sariling kakayanan na mag-test ng mga pasyente

Confirmed case ng Coronavirus sa Pilipinas, wala pa rin ayon sa DOH

Sa kasalukuyan, mayroon lamang tayong isang research institute sa Muntinlupa na maaring makatukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng coronavirus. Ngunit wala pa tayong kakayanang matukoy kung anong specific strain ito. 

Dahil dito, nagpadala na ang Japan ng experts upang tulungan ang ating ahensya na ma-contain ang naturang sakit. Maglalaan daw sila ng tinatawag na “primer” na makakatulong upang magkaroon tayo ng kakayanan na matukoy ang specific strain ng coronavirus sa mga hinihinalang may taglay nito. Sa ngayon kasi ay ipinapadala pa sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM Australia ang mga samples upang ito ay masuri ng mga experts doon.

“They are now setting up the lab for this. Once the laboratory is set up in 48 hours, they will be able to start running the tests for the 2019 novel coronavirus here in the Philippines.”

Ayon naman kay Health Undersecretary Eric Domingo, inaayos na ang laboratory at sa loob ng 48 hours ay maaari nang magamit ito.

 

Bilang ng mga namatay dahil sa novel coronavirus

Umakyat na sa 132 ang mga namatay. Mahigit 6,000 naman ang kasalukuyang infected ng novel coronavirus. At ang mga bansang may naitala nang kumpirmadong kaso ay ang bansang Japan, Australia, South Korea, Vietnam. Mayroon na rin sa Singapore, Malaysia, Thailand at Nepal, Amerika, Canada at France.

sintomas-ng-depression

Photo from Unsplash

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC. Hanggang ngayon ay hirap pa ring matukoy kung paano napapasa ng human-to-human ang sakit. Ang tanging nakumpirma lang na impormasyon ay napapasa ito through direct contact.

Ang mga pwedeng gawin bilang paghahanda

PH-Coronavirus

Dahil hindi naman maiwasan ng ilan na mangamba dahil sa pagkalat ng sakit na ito, pinayuhan ng DOH ang lahat na gawin ang mga sumusunod upang maiwasan na mahawaan kung sakali.

  • Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay.
  • Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing.
  • Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
  • Pagluluto ng pagkain nang maayos. Lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
  • Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
  • Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
  • Pag-iwas sa mga taong may sakit.

 

SOURCES: ABS-CBN News, CNN Philippines
BASAHIN: Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
Grab releases digital-first GrabPay Card in the Philippines powered by Mastercard
Grab releases digital-first GrabPay Card in the Philippines powered by Mastercard
Let Electrolux Help You Make Way For More This 2022!
Let Electrolux Help You Make Way For More This 2022!
Brick by Brick – building LEGO® love for 90 years
Brick by Brick – building LEGO® love for 90 years
Why DMCI Homes condos are ideal for raising kids
Why DMCI Homes condos are ideal for raising kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Confirmed case ng Coronavirus sa Pilipinas, wala pa rin ayon sa DOH
Share:
  • Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

    Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

  • Unang pasyente na may coronavirus, magaling na ayon sa DOH

    Unang pasyente na may coronavirus, magaling na ayon sa DOH

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

    Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

  • Unang pasyente na may coronavirus, magaling na ayon sa DOH

    Unang pasyente na may coronavirus, magaling na ayon sa DOH

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.