Donita Rose ibinahaging virgin pa ang mister niyang si Felson Palad ng sila ay maikasal

Aktres ipinagdasal daw ito na hindi niya akalaing matutupad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa dito ang sumusunod:

Donita Rose sa pagkakaroon niya ng “virgin” na husband

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Nasa bansa ngayon ang dating aktres na si Donita Rose. Sa kaniyang pagbisita ay nakapanayam siya ng beteranong talk show host na si Boy Abunda. Doon ibinahagi ni Donita ang nakakatuwang kuwento kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila ng mister niya na ngayong si Felson Palad.

Ayon kay Donita, matapos ang naging hindi magandang paghihiwalay nila ng dating mister na si Eric Villarama ay ipinagdasal niya sa Diyos na sana ang susunod na lalaking kaniyang mamahalin ay tama at magiging huli na.  Naging specific daw ang naging dasal noon ni Donita na hindi niya akalaing matutupad.

“I have a prayer list, very specific. Sabi ko, puwedeng pastor, puwedeng worship leader, dapat Pinoy or at least half. Dapat guwapo siyempre, dapat matangkad pa sa akin. Dapat siya yung magiging breadwinner, kasi marami akong pinagdaanan. At hindi lang yan, dapat nakakatawa. Nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalain, sabi ko, ‘Lord, sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad!”

Ito ang natatawang pagkukuwento ni Donita.

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Binalikan niya rin ng ibahagi sa kaniya ng mister na si Felson na virgin pa ito ng magkakilala sila. Kahit ito noon ay 38-anyos na. Si Donita hindi makapaniwala na talagang nakinig at tinupad ng Diyos ang hiling niya. Nagkakilala umano sila ni Felson tatlong linggo matapos ipagdasal ni Donita ang susunod na lalaking mamahalin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mister ni Donita na si Felson Palad

Larwan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Matapos ang panayam ni Donita ay sari-sari ang reaksyon ng mga netizens. Pero ang mister niyang si Felson ay wala daw nakikitang masama at hindi ikinakahiya ang rebelasyon ng misis niya tungkol sa kaniya. Lalo pa’t ito daw ay nagpapatunay ng kaniyang gawin ng Diyos sa mga taong naniniwala at may faith sa kaniya. Sinabi niya ring, bagamat may kalokohan siya noon siya ay bata pa ay naniniwala siya sa sanctity ng marriage kaya naman piniereserve niya ang virginity niya para sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes, I was indeed a virgin when my wife and I tied the knot. While some might doubt my claim, I do not aim to prove my virginity; that would be irrelevant. I married Dee at the age of 38. I openly acknowledge that I had my share of youthful indiscretions, but one thing I upheld was the sanctity of the marital bond.”

Ito ang sabi pa ng mister ni Donita Rose na si Felson Palad.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement