Donita Rose sa married life nila ng mister na si Felson Palad: “Every day gets better and better”

Dating aktres may payo sa mga kababaihan sa pagpili ng lalaking mapapangasawa nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Donita Rose masaya sa married life nila ng mister na si Felson Palad isang taon matapos magpakasal. Dating aktres may mensahe ring iniwan para sa kapwa niya mga kababaihan.

Mababasa dito ang sumusunod:

Donita Rose married life

Larawan mula sa Facebook account ni Donita Rose

Mag-iisang taon narin ang nakalipas matapos magpakasal sina Donita Rose at mister niya na ngayong si Felson Palad. Sa Instagram ay ibinahagi ni Donita ang nararamdaman niya sa married life nila ni Felson. Ayon sa dating aktres masaya siya sa buhay niya ngayon sa piling ni Felson. Sa katunayan sa pagdaan nga daw ng araw ay mas nagiging masaya pa siya at nai-enjoy niya ang pagsasama nila. Ngayong darating na Setyembre ay ipagdiriwang nila ang first year anniversary ng kanilang kasal.

“Today will mark exactly 11 months of marriage and may I say, every day gets better and better.”

Ito ang bungad ni Donita sa kaniyang Instagram post na tampok rin ang mga larawan nila ni Felson.

Mensahe ni Donita sa kapwa niya kababaihan

Larawan mula sa Facebook account ni Donita Rose

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Donita makikitang napakasaya sa yugto ng ito ng kaniyang buhay. Sa katunayan ay nagbahagi siya ng payo at mensahe sa mga kapwa niya kababaihan pagdating sa pagpili ng lalaking makakasama o mapapangasawa nila. At kung gaano siya nagpapasalamat sa pagdating ni Felson sa buhay niya.

“Ladies, marry a man who loves the Lord with all his heart, provides for you and makes you laugh every day. I never imagined that love could be this blissful. I’m so grateful that the Lord gave me the man of my dreams. ?”

Ito ang sabi pa ni Donita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang Abril ng nakaraang taon na ibahagi ni Donita na may bagong lalaking nagpapatibok ng puso niya. Agad naman itong sinundan ng pag-aanunsyo niya na sila na ni Felson Palad na kilalang gospel singer sa California. Sinundan ito ng engagement nila sa sumunod na buwan at pagpapakasal sa buwan ng Setyembre.

Larawan mula sa Facebook account ni Donita Rose

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement