Drew Arellano and Iya Villania third baby na si Alana, sinalubong ng mga kapatid na sina Leon at Primo na may magkaibang reaksyon.
Drew Arellano and Iya Villania third baby
Nitong Hulyo 18, 2020 bandang 7:15 am ay isinilang na ni Iya Villania ang 3rd baby nila ni Drew Arellano na isang babae. Ito ay pinangalanan nilang Alana Lauren na agad na ibinahagi ni Drew ang larawan sa Instagram.
View this post on Instagram
A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on
Sa kaniyang Instagram stories ay nagbahagi nga rin si Iya ng kaniyang experience sa delivery kay Alana na ayon sa kaniya ay hindi naging madali.
“Delivery is hard. Thank you, Lord for getting me through that once again.”
Ito ang pahayag ni Iya sa kaniyang Instagram account.
Dagdag pa ni Iya, hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na magiging girl ang kaniyang 3rd baby. Lalo pa’t sinadya nila ng mister na si Drew na hindi malaman ang gender nito. Pero sa buo niyang pagbubuntis ay inakala niyang boy ulit ito. Kaya naman lahat ng damit na dala niya para kay Alana sa kaniyang panganganak ay mga baby clothes ng kaniyang mga kuya na sina Primo at Leon. Kaya naman ng makita niyang babae ang kaniyang 3rd baby ay nagulat siya at hindi maipaliwanag ang naramdaman.
“Akala ko talaga lalaki. Kaya yung huling ire ko, syempre give all sa huling ire. Yung push ko, pinush ko talaga. Tapos nakita ko, oh my gosh it’s a girl. Mali ako the whole time. Mix emotions ako.”
Ito ang pahayag ni Iya sa isang panayam.
Reaksyon nina Primo at Leon sa pagdating ng kanilang baby sister na si Alana
Pero hindi lang si Iya at ang mister na si Drew ang nagulat sa pagdating ni Baby Alana. Dahil pati umano si Leon noong una ay nagulat rin at nagtataka sa pagdating ng bagong baby sa kanilang pamilya.
“Naawa ako kay Leon kasi parang ‘yung tingin niya parang, ‘Ano ‘yan?’ at saka ‘Sino ‘yan?’ Medyo natakot siyang lumapit tapos medyo umiyak siya ng konti.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Iya. Pero ngayon ay nakapag-adjust na daw si Leon. At tulad ng kaniyang Kuya Primo ay giliw na giliw na rin ito sa kanilang little sister na si Alana. Makikita nga ito sa video na ibinahagi ni Iya sa Instagram na kung saan makikitang hinakalikan pa nila Primo at Leon ang baby sister nila.
“Sobrang alanganin si Leon pero ngayon unti unti na siyang lumalapit.”
“Si Primo parang mas aware siya tapos siya excited. Sobra siyang excited na makita ‘yung kapatid niya even if ang gusto niya sana talaga e baby brother.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Iya.
Samantala, ayon parin kay Iya kung ikukumpara umano si Alana sa mga older brothers niya na sila Primo at Leon ay mas matakaw daw ito sa tulog. Ito rin ang pinakamalaki sa kanilang tatlo ng maipanganak.
“Mas matakaw siya sa tulog, ang haba ng daliri niya sa paa. Mas malaki siya, ito ‘yung pinakamalaki kong baby”, pahayag pa ni Iya.
Reaksyon ng mga netizens sa panganganak ni Iya
Maliban naman sa pagpuri sa ka-kyutan ni Baby Alana may mga napansin rin ang mga kapwa artista, kaibigan at followers ni Iya. Ito ay ang parang hindi siya nanganak dahil sa freshness at mabilis na recovery niya. Ayon kay Iya, ito ay maaring dahil sa tulong ng pagwowork-out at pagiging active niya.
“But you know it’s really different for every woman. Siguro in my case malaking tulong rin na nagwowork-out ko, na mabilis yung recovery. So, I really think that’s the major reason kung bakit siya nagmukhang madali sa akin. But actually, hindi siya madali para sa akin.”
Ito ang pagbabahagi ni Iya tungkol sa kaniyang naging panganganak.
Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon ng ipaalam ni Iya sa mister na si Drew na magkaka-baby ulit sila. Ito ay sa pamamagitan ng isang sulat na may kalakip na sonogram ng 3rd baby nila.
“Love, ready for baby #3? Merry Christmas! Love, Mrs. A.”
Ayon kay Iya, saglit na muna siyang mag-bebreak sa kaniyang mga trabaho upang matutukan at maalagaan ang bagong bundle of joy ng kanilang pamilya na si Alana.
Panganganak sa ospital
Sa kabila naman ng banta ng COVID-19 pandemic ay mas pinili parin ni Iya na manganak sa ospital. Matatandaang sa isang interview ay una na niyang ibinahagi ang kaniyang plano. Dahil ayon sa kaniya siya ay naniniwala sa kakayahan ng mga staff sa ospital at dito siya mas komportableng manganak.
“Now that we’re here, I try not to let it get the best of me. I don’t want to worry. I believe that I’m not the only mother who is giving birth in the hospital, so I’m quite positive that they are in control of that situation in the hospital, that everyone is doing their part to protect themselves and their families.”
Ito ang pahayag pa ni Iya.
View this post on Instagram
A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on
Source:
Yahoo News, GMA, ABS-CBN
Basahin:
LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!