Drew Arellano sa pagkakaroon ng pang-limang anak: “I think my wife is waiting for me to undergo vasectomy already”

Kuwento ni Drew, sa apat niyang anak ang girl niyang si Alana ang pinaka-close sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Drew Arellano sinabing ok na sila ni Iya Villania sa apat na anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Drew Arellano sa pagkakaroon ng limang anak.
  • Reaksyon ni Drew sa pagkakaroon ng anak na babae.

Drew Arellano sa pagkakaroon ng pang-limang anak

Larawan mula sa Facebook account ni Iya Villania

May pang-limang pa ba? Ito ang tanong ng marami sa mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania na may apat na anak na sa ngayon. Sa isang panayam ay sinagot ito ni Drew. Ayon sa kaniya, ok na sila ni Iya sa apat na anak. Pagbibiro pa nga ng TV host ay hinihintay nalang ni Iya na magpa-vasectomy siya.

“I think my wife is waiting for me to undergo vasectomy already. Okay na, we’re good.”

Ito ang natatawang sagot ni Drew.

Kuwento pa ni Drew, dalawa lang talaga sana ang anak na gusto nila ni Iya. Pero dahil lalaki ang unang dalawa nilang anak na si Primo at Leon ay naisip nilang maghabol pa na magkaroon ng babae, kaya dumating si Alana. At ang pang-apat si Astro ay wala naman daw talaga sa plano pero nagpapasalamat at itinuturing nilang blessing ito sa pamilya.

“I think we were aiming for one muna, and then the second one kung naging girl si Leon, I think that would’ve been it, you know? Primo and ‘Leona.’ Okay na. But well, naging all nga, sabi namin, ‘Let’s try another one. Kung babae, edi okay na. So, we thought ‘yun na ‘yun.”

“By the way, we weren’t vocal about this. It doesn’t mean that we didn’t want a fourth one, kusang nangyari na lang din. Duday and Astro happened during the pandemic. What a blessing.”

Ito ang kuwento pa ni Drew.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Iya Villania

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ni Drew sa pagkakaroon ng anak na babae

Tulad nga daw ng sinasabi sa kaniya ng marami, si Alana ang pinakamalapit sa kaniya. Dahil bilang nag-iisang anak na babae, very sweet daw ito at minsan niya ay hindi niya matanggihan o mapagalitan.

“Iba rin ‘yung feeling of having a girl, lalo na two years in. I totally get when my guy friends would say na, ‘Iba talaga ang lambing ng girl’ towards the dad. And then two years in, I totally get it now. Parang ang hirap pagalitan.”

Ito ang sabi pa ni Drew.

Larawan mula sa Facebook account ni Iya Villania

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement