Iya at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3

Iya at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3

Celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3! Alamin ang detalye at panoorin kung paano sinurpresa ni Iya si Drew.

Inanunsyo ng celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na on the way na ang kanilang baby number 3!

Iya at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3

Iya Villania baby number 3

Sa isang Instagram post, ipinahayag ng mag-asawa na sa kabila ng mga bad news ngayong taon, mayroon silang announcement na hopefully ay magdala ng good vibes! Nataon pa nga na anniversary ng dalawa. Kaya naman talagang double celebration ang nangyari.

www.instagram.com/p/B7-vIoAJARp/

Isa ang Arellano Family sa mga pinaka-tinututukang families sa showbiz. Maaari pa ngang matawag na internet sensation ang kanilang babies. Si Primo na kanilang first-born ay 3 years old na. At si baby Leon ay 1 year old naman. Marami ang naaaliw sa kanilang home videos. Dahil bukod sa cute na cute ang mga ito, matatawag din na cool parents si Iya at Drew.

Kitang-kita naman yan sa kanilang mga vlogs sa YouTube. Ito ay nagsimula lang 4 months ago. At sa kasalukuyan ay nag-popost sila dito ng mga travel videos at toy reviews ni Primo. Giliw na giliw naman ang mga netizens dahil talaga nga namang charming ang mga batang ito.

Surprise video announcement

Dito nga rin inanunsyo ng dalawa ang bagong addition sa kanilang lumalaking pamilya. Sa kanilang late Christmas vlog, pinakita ni Iya ang kanyang mga anak na excited magbukas ng mga regalo. Habang sa huling parte naman ng video, inabutan niya si Drew ng isang maliit na envelope. Nang buksan ito ni Drew, nakita niya ang naka-ipit na ultrasound at sulat. Hindi pa nga makapaniwala ito at akala ay nagjo-joke lang ang asawa.

Itinago pala ni Iya kahit sa kanyang pamilya ang naturang pagbubuntis dahil gusto niya talagang surpresahin ang asawa sa araw ng pasko. Naiyak din mismo ang kanyang ina nang malaman ang balita. Panoorin ang buong video dito:

Relationship advice mula kay Iya at Drew

Iya at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3

Ano nga ba ang sikreto para maging healthy ang isang relationship? Sinabi ni Drew sa isang interview na noong sila'y nagsisimula pa lang mag-date, dahil nga pareho silang mahilig mag-travel ay pumunta agad ang dalawa sa Japan. Natuklasan nila na pareho silang mahilig sa mga spontaneous na ganap. Hindi raw kasi sila gumawa pareho ng itinerary para sa trip na ito. Doon nalaman ni Drew na sila ay "click" ni Iya. Ayon naman sa 33-year old female host, time apart ang isa sa mga importanteng kailangan sa isang relasyon.

Dahil nga sa trabaho ni Drew, madalas siyang wala at nagta-travel. Ito naman daw ay okay lang kay Iya dahil dito nami-miss pa rin siya ng kanyang asawa. Inamin naman nilang hindi perfect ang kanilang relationship. Nagkaroon pa nga raw ng pagkakataon na naging steady sila at medyo nawawalan na ng excitement ang kanilang relasyon. Ngunit noong na-realize nila na sapat na na mahal nila ang isa't isa, dito na nagsimulang maging smooth ang lahat.

Paano naman nila nababalanse ang work at parent life?

Iya at Drew Arellano, expecting na ng baby number 3

Ayon kay Drew, si Iya ay isang natural pagdating sa pagiging parent. Hindi niya itatanggi na marami siyang kinailangang aralin at hanggang ngayon ay marami pa siyang kailangang matutunan. Pero isa sa mga pinaka-importanteng parenting advice na talagang nakatulong daw sa kanya ay mula sa nanay niyang si Bernie. Ito ay ang mga maliliit na bagay na itinuturo raw sa kanya noong siya ay bata pa. Maiisip mo raw na in the end, may kabuluhan ang mga ito. At may rason kung bakit ito ay sinasabi sa atin. Para sa kanya, gusto niyang maging well-rounded ang kanyang mga anak kaya naman kahit sa maliliit na bagay ay tine-train nila ito.

 

SOURCES: Rappler, GMA News

BASAHIN: Iya Villania, nakiusap sa mga magulang na siguraduhing walang sakit ang mga anak bago paglaruin kasama ng ibang bata, Iya Villania on working out while pregnant: ‘Don’t be afraid to move!’

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner