Paano makukuha ng mga beneficiaries ang 2nd tranche ng SAP?

Nasa 86 percent na ng 14.1 million na target beneficiary ang nakakuha ng ayuda para sa pangalawang pagkakataon. | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakatanggap ka na ba ng ayuda? Inilabas na ang guidelines kung paano makakakuha ng 2nd tranche ng SAP na hatid ng DSWD.

SAP 2nd Tranche: Paano makukuha ng mga beneficiaries?

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakatanggap na ang halos 12 million na mga benepisyaryo ng second tranche ng cash emergency subsidies na nasa ilalim rin ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa kanilang Facebook account, dito nakalagay ang detalye ng mga nakakuha ng 2nd tranche ng SAP. Ito ay halos lagpas 11 million na SAP 2 beneficiaries. Umabot rin ng 74 billion pesos ang nailabas nilang pera para rito.

Nasa 86 percent na rin ng 14.1 million na target beneficiary ang nakakuha ng ayuda para sa pangalawang pagkakataon.

Narito ang mga lugar kung saan sakop ng 2nd tranche ng SAP.

  • Region III Central Luzon maliban sa probinsya ng Aurora
  • NCR
  • Region IV-A CALABARZON
  • Benguet
  • Albay
  • Pangasinan
  • Iloilo
  • Bacolod City
  • Davao City
  • Cebu
  • Zamboanga
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paglilinaw ng DSWD, ang 2nd tranche ng SAP ay provided ng Executive Order No. 112, S. of 2020 at memorandum galing kay Executive Secretary Salvador Medialdea kasama na ang Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

“DSWD explained that the decision on the areas to be covered by the second tranche of SAP was also provided by Executive Order No. 112, S. of 2020 dated April 30 and the Memorandum issued by Executive Secretary Salvador Medialdea on May 2 as well as other related resolutions issued by the Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).”

Paano makukuha ng mga beneficiaries ang 2nd tranche ng SAP?

Ayon sa spokesperson ng DSWD na si DIR. Irene Dumlao, ang pagkuha ng ayuda sa mga remittance center ay nakabase sa ibinigay nilang batch. Ibinahagi rin nito na maraming mga beneficiary ang nag-aalala na baka hindi mabigyan ng pangalawang ayuda. Kaya naman ito ang dahilan ng mahabang pila sa mga lugar.

Nagbigay siya ng paalala na sundin lamang ng mga beneficiary ang ibinigay na date kung saan at kailan sila pupunta para kunin ang ayudang hatid ng DSWD. Ito ay para maiwasan ang mahabang pila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga ayuda ng SAP beneficiary ay nailagay sa mga restricted transactional accounts o mga remittance center. Maaari itong gamitin sa pagbili ng pagkain, gamot o mismong sa pagbayad ng mga bills sa mga establishment na gumagamit ng e-wallet o digital transactions.

Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

BASAHIN:

ALAMIN: Mga lugar na makakakuha ng 2nd tranche ng SAP

Landbank mayroon ng ‘study now, pay later’ loans para sa SY 2021-2022

Public school students sa San Juan makakatanggap ng 11,000 tablets

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano