Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

Malalaman umano kung magiging matalino ang inyong mga anak sabi ng mga eksperto, maaari itong malaman sa dumi ng baby ninyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa paglaki ni baby hindi natin naiiwasan na i-imagine kung paano siya kapag tumanda na siya. Magiging matalino, mabait, o nakakatawa ba si baby? Isang bagong pag-aaral ang nagsasabi na maaaring malaman ang talino ng iyong baby sa kanyang dumi.

Tama ka dyan, sa dumi ni baby. Ang dumi ng baby ay mayroon iba’t ibang kulay at consistencies. Maaari nitong masabi kung ano ang nangyayari sa katawan ng isang baby. Gayundin, maaari nitong masabi kung anong mga kundisyon ni baby na kailangang matugunan.

Isang bagong pag-aaral ang nagsasabi na ang dumi ni baby ay makakapagbigay pa ng iba pang kaalaman.

Ang mga mananaliksik sa University of Carolina’s (UNC) School of Medicine ay naglathala ng isang Biological Psychiatry findings.

Image source: Pinterest

Ang balitang ito’y talaga namang nakakahanga sa mga posibilidad na pwedeng malaman sa dumi ng baby

Narito ang ilan sa mga punto ng pag-aaral na tiyak na magiging interasado sina mommy at daddy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Ang mga baby na mayroon isang type na bacteria sa kanilang dumi ay nag-excel sa cognitive test

Image source: iStock

Sinuri ng mga mananaliksik ang 100 samples ng dumi ng mga baby na nasa isang taong gulang. Napag-alaman nila na ang mga may mababang diverse microbiomes at maraming bacteroides ay nakakuha ng mataas sa cognitive test pagtutong nila ng dalawang taong gulang.

“This is the first time an association between microbial communities and cognitive development has been demonstrated in humans,” paliwanag ni Rebecca Knickmeyer ng University of North Carolina School of Medicine sa isang pahayag.

Inaaral at sinuri nila ang mga baby sa pamamagitan ng Mullen Scales of Early Learning. Sa serye ng mga development test na kasama ang pag-e-examine ng fine at gross motor skills, perceptual abilities, at language development.

2. Probiotics ay maaaring makaapekto sa development ng utak bago sumapit ang edad na isang taong gulang

Klinaro ng mga mananaliksik sa kanilang pahayag na, “We’re not really at the point where we can say, ‘Let’s give everyone a certain probiotic,”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit ang kanilang mga natuklsan ay isang shed light sa mahirap na gampanin ng mga gut bacteria sa utak ni baby sa pag-develop nito pagsapit ng edad na isang taong gulang.

Dagdag pa ng mga mananaliksik, “These results suggest you may be able to guide the development of the microbiome to optimize cognitive development or reduce the risk for disorders like autism which can include problems with cognition and language,”

Image source: File photo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Ang tanong na: Maaari bang makipag-communicate ng bacteria sa developing brain ni baby?

“Are the bacteria actually ‘communicating’ with the developing brain?” pagtatanong ni Knickmeyer. “That’s something that we are working on now, so we’re looking at some signaling pathways that might be involved.”

Inilahad din niya ang kanyang teorya, na ang kahit anong klase ng bacteria na nasa dumi ni baby ay isa lamang pamalit o tulay sa panibagong salik sa brain development. Halimbawa sa isang pagkakataon, maaaring sa diet at nutrition ito ni baby.

4. Ito pa lamang ang isa sa mas marami pang pagtuklas

Ang pag-aaral na ito ay simula pa lamang sa iba pang pagtuklas ng koneksyon ng utak sa pag-development at gut bacteria na matatagpuan sa dumi ni baby.

Lahat ng claim na ito ay maaaring far-fetched. Subalit maaaring maging pasimulang pamantayan na ito upang sumubok pa ng ibang test sa pag-test. Subalit sabi ng mga mananaliksik na confident sila na ito ay simula pa lamang ng mas promising discoveries.

Para sa mga mommy at daddy, palaging interesting ang mga bagong pamamaraan upang mas makilala pa ang inyong anak, kahit na ito’y nasa loob ng kanilang diapers!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Republished with permission from: theAsianParent Singapore

BASAHIN: 

Namamana ng mga anak ang kanilang talino sa nanay, ayon sa pag-aaral

Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote