Ang Duphaston ay ang brand name para sa gamot na Dydrogesterone. Mula ito sa manufacturer na Abbott India LTD at idini-distribute ng Zuellig. Alamin natin ang lahat ng kailangang malaman sa Duphaston. Ito ba ay mabisang pampakapit ng baby?
Ano ang Duphaston?
Ang Duphaston ay synthetic na uri ng progesterone, na isang uri ng hormone. Pangkaraniwan na itong ibinibigay sa mga babae na mayroong kakulangan o kaya mababa ang levels ng progesterone. Ito ay pampakapit ng baby. Bukod dito, nagagamit rin ito upang gamutin ang mga menstrual disorders na mayroong kinalaman sa mababang levels ng progesterone.
Gamot pampakapit ng baby | Image from Dreamstime
Kabilang na rito ang dysmenorrhoea, endometriosis, secondary amenorrhoea, irregular cycles, dysfunctional bleeding, premenstrual syndrome at sa mga nagbubuntis, premature labor na dulot ng kakulangan sa nasabing hormone. Nakakatulong din itong solusyonan ang pagkabaog dahil sa luteal deficiency.
Tamang dose sa paggamit
Ang tamang dose ng Duphaston ay naaayon sa kondisyon ng pag-inom nito:
- Dysmenorrhoea: 10 mg dalawang beses sa isang araw mula sa ika-5 hanggang ika-25 na araw ng cycle.
- Endometriosis: 10 mg 2 o 3 beses sa isang araw mula sa ika-5 hanggang ika-25 na araw ng cycle o tuloy-tuloy.
- Dysfunctional Bleeding (para patigilin ang pagdurugo): 10 mg dalawang beses sa isang araw kasabay ng oestrogen once daily for 5-7 days.
- Dysfunctional Bleeding (para kontrolin ang pagdurugo): 10 mg dalawang beses sa isang araw kasabay ng oestrogen isang beses sa isang araw mula sa ika-11 hanggang ika-25 na araw ng cycle.
- Premenstrual Syndrome: 10 mg dalawang beses sa isang araw mula sa ika-11 hanggang ika-25 na araw ng cycle.
- Pagka-baog o Irregular Cycles: 10 mg dalawang beses sa isang araw mula sa ika-11 hanggang ika-25 na araw ng cycle.
- Panganib na makunan: 40 mg sa unang pag-inom, 10 mg kada 8 oras hanggang humupa ang mga sintomas.
- Madalas na nakukunan: 10 mg dalawang beses sa isang araw hanggang sa ika-20 linggo ng pagbubuntis.
- Postmenopausal Complaints (HRT): Kasabay ng tuloy-tuloy na oestogen therapy, dydrogesterone 10-20 mg araw-araw sa huling 12-14 na araw ng bawat cycle. Kasabay ng cyclical oestrogen therapy, dydrogesterone 10-20 mg araw-araw sa huling 12-14 na araw ng oestrogen therapy.
Gamot pampakapit ng baby | Image from Freepik
Kailan hindi dapat uminom ng Duphaston?
Ang mga magmamaneho o gagamit ng mga machines ay pinagbabawalan na gumamit ng Duphaston. Maaaring makaramdam ng pagkahilo o pagkaantok ang gamot na ito na maaaring maging mapanganib sa ilang sitwasyon.
Hindi rin maaaring gumamit nito ang mga wala pang 18 taong gulang dahil hindi pa nakikilala ang mga maaaring maging epekto nito.
May ilang mga kondisyon na nagiging rason kung bakit hindi maaaring bigyan ng Duphaston ang pasyente.
1. Abnormal na pagdurugo mula sa ari
Hindi inirerekumenda ang pag-inom ng Duphaston para sa mga may hindi pa nasusuring abnormal na pagdurugo mula sa ari. Dapat munang magsagawa ng tamang tests upang malaman na hindi ito dahil sa kanser bago bigyan ng Duphaston.
2. Breast at genital cancer
Ang mga may kanser ay hindi pinapayagang uminom nito dahil sa panganib na lumala ang kalagayan.
3. Sakit sa atay
Ang mga may history ng sakit sa atay ay pinapayuhan na maging maingat sa pag-inom ng Duphaston. Ito ay dahil sa panganib ng paglala ng kondisyon. Maaaring kailanganin ng pagbabantay sa liver function, pag-adjust ng dosis, o paggamit ng alternatibong gamot.
Gamot pampakapit ng baby | Image from Freepik
Side effects ng pag-gamit ng Duphaston
May mga nararanasang side effects ang pag-inom ng gamot pampakapit ng baby o dusphaston. Narito ang ilang major at minor na side effects ang paggamit nito kabilang na ang:
- Pagkahilo
- Pananakit sa sikmura
- Pagsusuka
- Diarrhea
- Pagkatuyo ng bibig
- Indigestion
- Pagpapantal
- Pangangati
- Ubo
- Pananakit sa dibdib
- Depression
- Mood swings
- Kahirapan sa pagtulog
- Pagsakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagka-antok
Kapag nakaranas ng allergic reactions sa gamot, ipagbigay alam agad sa iyong duktor.
Magkano ang gamot na ito?
Ang Duphaston ay karaniwang mabibili nang 10mg na mga tableta. Bawat tableta ay nagkakahalaga nang nasa P80.50.
Source: Practo, Mims
Basahin: Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!