Efficascent oil sa buntis, ligtas o hindi ba ang paggamit nito? Narito ang sagot ng mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Efficascent oil sa buntis
- Epekto ng paggamit ng efficascent oil sa buntis
- Naging karanasan ng isang nanay sa paggamit nito
Sa tulong ni Dr. Ramon Reyles, kasalukuyang Chairperson ng departamento ng OB-GY sa Makati Medical Center, bibigyang kasagutan natin ang katanungan na ito tungkol sa paggamit ng efficascent oil ng mga buntis. Ang tanong ng karamihan, safe nga ba talaga ito sa pagbubuntis?
Efficascent oil sa buntis
Ang efficascent oil ay isa sa kilalang liniment na ginagamit ng karamihan sa ating mga Pilipino. Dahil ito ay nakatutulong maibsan ang sakit ng katawan na dulot ng pagtratrabaho o pag-iehersisyo.
Nakakarelax rin ang menthol na amoy na ito na ginagamit naman ng iba para maibsan ang pagkahilo. Ngunit, dahil sa matapang na amoy at maanghang na pakiramdam nito sa katawan, ay may katanungan ukol rito ang mga kababaihan.
Kasabay ng pagpahid nito ng ating mga nanay, paminsan-minsan ay nagpapahilot din ito gamit ang efficascent oil. Ngunit may ibang nanay din ang nababahala na baka raw hindi ito safe.
BASAHIN:
#AskDok: 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis
6 na pagkain na dapat kainin ng bagong panganak
Bear Brand for Pregnant: Safe ba itong alternative milk sa buntis?
Tugon naman ni Dr. Reyles sa katangungan na ito,
“Hindi naman. Pero kung yung hilot is gustong maglalag tulad ng pressing on the uterus to go down that is harmful to early pregnancy.” panimula ni Doc Reyles sa tanong na kung safe ba ang hilot sa buntis.
“Kaya nga yung lowerb abdomen in any time of pregnancy hindi dapat ginagalaw. Kasi it can cause compression of the uterus. And it can lead to contraction. Baka mag-premature labour kaya wag nalang.”
Pero paano kung pag-uusapan ang ang efficascent oil sa buntis? Wala bang maidudulot na masamang epekto sa sanggol na nasa sinapupunan ang paggamit nito?
“Pwede naman sila kasi harmless. Pregnant or not they are safe kasi hindi naman sila harmful kapag na-absorb. Then talagang soothing ang effect nila sa skin lalo na sa muscles.”
Base sa etiketa ng efficascent oil, ito ay gawa sa pinagsamang kemikal na methyl salicylate, camphor at menthol. Ito ay isang liniment na ginawa upang magbigay ng fast relief sa pananakit ng katawan. Tulad nalang ng rheumatism, joint pains, lumbago, minor sprains, strains, cramps at muscular pains.
Bagamat malaking tulong ito para sa mga buntis na nananakit ang balakang at paa sa pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan, may babala ang mga eksperto ukol sa paggamit nito.
Image screenshot from Youtube video
Humahalo ito sa bloodstream at maaring mapunta sa placenta ng sanggol
Ayon sa isang artikulo na nailathala sa journal na Obstetrics at Gynecology, ang methyl salicylate o wintergreen oil ay isang natural product na nakukuha sa subtropical tree na kung tawagin ay Cinnamomum camphora. Ito ay maaari ring i-produced synthetically na ginagamit dahil sa anesthetic at antipruritic properties nito.
Para umepekto at mabigyan ng solusyon ang pananakit ng katawan, ang methyl salicylate ay hinahalo sa menthol at camphor. Saka ito ipinapahid at ina-absorb ng balat. Humahalo sa blood stream at na-didistribute sa ating deeper tissues upang maibsan ang pananakit sa ating katawan.
Dahil sa phenomenon na ito ay nagkaroon ng teorya ang mga doktor . Ang mga kemikal na ito umano ay maaari ring tumawid sa placenta ng isang buntis. At maaring magdulot ng epekto sa sanggol na nasa sinapupunan nito.
Base sa karanasan ng isang buntis
Ang teorya na ito ng mga doktor ay pinatunayan ng karanasan ng isang 33-anyos na buntis na nasa kaniyang 35th week ng pagdadalang-tao. Dahil sa nakakaranas ng anxiety ay nag-presenta ang buntis na dumaan sa isang fetal echocardiography.
Doon natuklasan na normal naman ang cardiac anatomy at doppler assessments ng kaniyang dinadalang sanggol. Bagamat nagpakita ang stolic at diastolic ductal velocities nito ng indikasyon ng ductal constriction o pagkakaroon ng labis na pressure sa kaniyang puso.
Ayon sa mga eksperto, ang ductal constriction ay nararanasan sa isang pagbubuntis ng dahil sa pag-inom ng mga medikasyon tulad ng prostaglandin inhibitors o steroids. Ngunit ayon sa 33-anyos na buntis ay wala siyang history ng preterm labor na nangangailangan ng mga ito.
Hindi rin siya naninigarilyo. Ang tanging ginawa niya lang dalawang araw bago ang isinagawang fetal echocardiography ay ang pagpapahid ng diclofenac gel sa kaniyang leeg at paglalagay ng methyl salicylate menthol and dl‐camphor dito. Uminom rin siya ng 50‐mg tablet ng tramadol na inirerekumendang pain reliever para sa mga buntis.
Ang lahat ng ito umano ay self-prescribed ng buntis at hindi niya ikinonsulta sa kaniyang doktor.
Kaya naman upang malaman ang dahilan ng kaniyang ductal constriction na nararanasan ay pinayuhan ang buntis na itigil ang ginawa nyang self-prescription. Matapos ang isang linggo ay muling sumailalim sa fetal echocardiography ang buntis na kung saan nakitang normal na ang ductal velocities ng kaniyang sanggol.
Payo ng mga eksperto
Sa kasong ito hindi pa tukoy kung ang diclofenac gel o methyl salicylate menthol at dl‐camphor ba ang nagdulot ng ductal constriction sa sanggol. Ngunit mula sa naging karanasan ng buntis ay nagkaroon ng epekto sa dinadala niyang sanggol ang ginamit niyang gel at methyl salicylate sa kaniyang balat.
Kaya paalala ng mga eksperto mabuting iwasan na muna ang paggamit ng anumang liniment tulad ng efficascent oil sa buntis. Ito ay dahil naasorb ito ng katawan, humahalo sa dugo at maaring makaapekto sa ipinagbubuntis na sanggol.
Sa halip ay gumamit nalang ng mga natural method upang maibsan ang pananakit ng katawan. Tulad ng yoga, massage at paglalagay ng warm o cold compress sa nanakit na bahagi ng katawan o kalamnan.
Ayon naman sa OB-Gyne na si Dr. Kristen Cruz-Canlas, kung ang paggamit ng topical ointment ang magbibigay ng relief o comfort sa isang buntis, dapat ay siguraduhin nilang gagamit sila nito kapag tapos ang first trimester ng kanilang pagbubuntis.
Dahil ito umano ang ang mga panahon na kung saan nag-foform ang mga organs ng kanilang dinadalang sanggol. At ang anumang ma-absorb ng kanilang katawan ay maaring magdulot ng epekto sa development stage nilang ito.
“For me, kapag less than 12 weeks , while on the first trimester, if maiiwasan mga topical products, mas mabuti, dahil yun ang time for organogenesis. Any teratogenic agent kasi malaki ang effect sa first trimester kasi that’s the time na nag-foform mga organs ni baby.”
Paaalala mula sa isang doktor
Dagdag pa niya dapat ay siguraduhin rin ng isang buntis na hindi siya allergic sa topical ointment na kaniyang gagamitin. Magagawa niya sa ito pamamagitan ng isang patch test at higit sa lahat sa pamamagitan ng pagtatanong muna sa kaniyang doktor.
“Topical oils and liniments could help for some. It could provide pain relief/comfort kapag may musculoskeletal pain sa legs and back at insect bites during pregnancy. Kaya if they’ve tried it before and beyond 1st trimester na, okay lang to use if no allergy. Basta wag lang sa abdomen.”
“They can do a patch test to test if may allergic reaction sa product. Apply a small amount on a small area ng skin ang check if may sensitivity reactions.”
Ito ang mga paalala ni Dr. Canlas.
Source:
Obstetrics at Gynecology Journal, Drugs.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!