X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea para kay Baby Felize: “Importante 'yong memories with her”

5 min read
Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea para kay Baby Felize: “Importante 'yong memories with her”

Biggest fear ni Mccoy de Leon na mahiwalay sa anak nila ni Elisse Joson na si Felize. Basahin sa article na ito ang nakakakilig na kwento nina Elisse Joson at Mccoy de Leon.

.Naglabas ng bagong vlog si Elisse Joson sa kaniyang YouTube channel matapos maging busy sa preparasyon ng binyag ng baby girl nila ni Mccoy de Leon na si Felize Mckenzie.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mccoy de Leon tinanggihan trabaho sa Korea dahil ayaw mahiwalay kay Baby Felize
  • Elisse Joson at Mccoy de Leon patunay na “love is sweeter the second time around”

Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea dahil ayaw mahiwalay kay Baby Felize

Sa latest vlog ng aktres na si Elisse Joson, naglaro sila ng kaniyang partner na si Mccoy de Leon ng Ultimate Game for Couples. Ang larong ito ay kailangan nilang sagutin ang mga katanungan sa mga card na mabubunot nila.

Sa tanong na kung ano ang biggest fear ni Mccoy, sinabi ni Elisse na ito raw ay ang mapahiwalay ang aktor sa anak nilang si Felize at hindi nito masaksihan ang development ng anak.

elisse joson at mccoy de leon

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon

Sinangayunan naman ni Mccoy ang tinuran ni Eliss. Kwento pa nga nila, tumawag daw ang handler ni Mccoy de Leon upang itanong sa aktor kung gusto nitong pumunta sa Korea para sa trabaho.

Agad na tinanggihan ni Mccoy ang alok ng handler niya. Sapagkat ayaw niyang mapahiwalay sa anak nila ni Elisse Joson. Sabi niya,

“Importante ‘yong memories with her.”

Nahihirapan din umano ang dalawa sa lock-in tapings. Sapagkat nami-miss nila ang kanilang anak na si Felize. Saad ni Mccoy de Leon, hindi rin daw sila masisisi dahil mahirap mahiwalay sa kanilang baby girl dahil mabait ito at masarap kasama.

Sa tanong na kung ano raw ang event sa buhay ni Mccoy na nais nitong ulit-ulitin. Sinabi ni Elisse Joson na ito ay ang magising araw-araw na masilayan ang ngiti ng anak.

“Feeling ko ‘yong pipiliin mo ‘yong every waking moment na nandiyan na si Felize. Kasi lagi kong naririnig sa ‘yo na tuwang-tuwa ka kapag gising mo nakikita mo si Felize nag-smile,” saad ni Elisse Joson.

Ani Mccoy de Leon, sobrang genuine ng happiness na binibigay sa kaniya ng anak. Lalo na at kamukha niya ito at nakikita niya ang kaniyang sarili sa anak.

elisse joson at mccoy de leon

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon

Kwento naman ni Elisse Joson, ang pinaka-vinavalue niya sa kanilang relasyon ay ang trust at security na naibibigay naman daw ni Mccoy de Leon.

Saad ni Elisse,

“Uuwi ka sa bahay mo na you know it’s your home and you feel the most comfortable, most safe with the family.”

Kilig na kilig ang mga fan sa comment section ng nasabing vlog. Saad pa nila, buong oras ng panonood ay hindi nila mapigilang ngumiti.

BASAHIN:

McCoy de Leon on marrying Elisse Joson: “Siya na ‘yong partner ko habang buhay”

Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”

McCoy de Leon to Elisse Joson on her birthday: “I want all the best for you”

Elisse at Mccoy patunay na “love is sweeter the second time around”

Naging mas sweet umano at loving sa isa’t isa sina Elisse at Mccoymula nang magkabalikan at magkaroon ng anak. Saad ng fan sa comment section ng vlog ni Elisse, ang dalawa ang patunay na “love is sweeter the second time around.”

Unang nagkakilala sina Elisse at Mccoy sa set ng daytime series na Be Careful with My Heart, pero nag-umpisa ang kanilang romance sa loob ng Pinoy Big Brother house noong 2016.

August 30, 2020 nang masorpresa ang mga fan at celebrity friends ng dalawa nang mag-post sa Instagram si Mccoy de Leon ng picture. Kung saan ay kasama niya si Elisse Joson sa isang romantic cruise.

June 2021 nang kumpirmahin ng dalawa na nagkabalikan na nga sila. Kasunod nito ay ay ang biggest reveal nila noong October 2021 sa PBB house, kung saan ay tinanong ni Elisse Joson si Kuya kung pwede itong maging ninong ng kanilang anak ni Mccoy de Leon.

elisse joson at mccoy de leon

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon

Dahil sa anak ay lalong tumibay at naging matamis ang pagmamahalan ng dalawa.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Mababalikang sabi ni Mccoy de Leon sa isang post niya noon sa Instagram,

“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo. Nagtuloy-tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa iyo…”

Sa isang virtual conference noong February 2022, sinabi ni Elisse Joson na hindi sila nagmamadali ni Mccoy de Leon na magpakasal dahil priority muna nila ang kanilang si Felize.

Paliwanag ng aktres

“Hindi natin dapat minamadali ang bagay-bagay. Everybody has a different timeline and ngayon nga it just so happens na nauna si Felize.”

Darating din daw sila sa usapin ng kasal kapag handa na ang lahat sa kanila. Sigurado naman na daw silang dalawa na sila ay para sa isa’t isa.

“We’re gonna get there. Alam naman namin na we’re for each other already. We just have to take our time. It’s gonna happen.”

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea para kay Baby Felize: “Importante 'yong memories with her”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.