McCoy de Leon: "Hindi man ako perpekto, gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo"

Elisse Joson at McCoy de Leon relationship: Alamin kung paano nabuo ang second chance nila at paano sila bilang isang pamilya sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson at McCoy de Leon, paano nga ba nabuo sa isang sweet at loving relationship? At kumusta sila ngayon bilang bagong mga magulang sa anak nilang si baby Felize?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe ni McCoy sa anak na si Baby Felize.
  • Paano muling nabuo ang Elisse Joson at McCoy de Leon relationship.

Ang relationshipp nina Elisse Joson at McCoy de Leon at kanilang bagong role sa pagiging magulang

Muli na namang laman ng mga balita sina Elisse Joson at McCoy de Leon matapos ang rebelasyon nila nitong Linggo na sila ay may anak na. Ang rebelasyon ay kanilang ginawa sa programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na kung saan nagsimula ang pagtitinganan nilang dalawa.

“Kuya puwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?”

“Kuya, kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl.”

Ito ang nakakagulat na pahayag ni McCoy at Elisse sa programang Pinoy Big Brother tungkol sa pagiging magulang nila ngayon sa baby girl na pinangalanan nilang Felize McKenzie.

Matapos ang kanilang rebelasyon ay sunod ng nagbigay ng mensahe para sa kanilang anak sina McCoy at Elisse sa Instagram. Doon ay ipinakita rin nila ang itsura ng very cute nilang baby girl.

Ayon sa post ni Elisse, si baby Felize ay lucky charm at blessing para sa kanila ni McCoy.

“I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you, our greatest blessing, in our lives.”

Ito ang sabi ni Elisse tungkol sa pagdating ni baby Felize sa mga buhay nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Elisse Joson’s Facebook account

McCoy to baby Felize: “Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo.”

Samantala, sa kaniyang Instagram ay mayroon ring madamdaming mensahe si McCoy para sa kaniyang mag-ina. Base sa post ni McCoy ay sinabi niyang ang pagdating ni Felize ay pag-asa para sa kanila ni Elisse. Ito rin umano ang dahilan para magtuloy-tuloy ang pagmamahal nilang dalawa.

“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo. Nagtuloy-tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo. Kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito.”

Ito ay bahagi lamang ng mahabang mensahe ni McCoy sa anak na si baby Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse and McCoy breakup story

Matatandaang taong 2016 ng magsimula ang pagtitinginan nila McCoy at Elisse ng sila ay maging housemates sa PBB Lucky Season 7.

Mula sa pagiging magka-loveteam ay naging real-life couple sila. Pero noong 2019 ay nabalitang naghiwalay sila McCoy at Elisse bagamat hindi sila nagbigay ng detalye sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Pero sa isang interview ay sinabi ni McCoy na maaaring hindi lang tama ang timing para sa kanilang dalawa.

“I guess the timing wasn’t right. If we decided to push through with the relationship, it just might not have ended well.”

Ito ang sabi ni McCoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan ng isang vlog na inupload sa YouTube channel ni Elisse nitong October 27 ay nagbigay sila ng detalye tungkol sa kanilang breakup at muling pagbabalikan. Ayon kay Elisse, sa kanilang naging breakup sa loob ng isang taon ay hindi sila nagpapansinan ni McCoy.

Pagkukuwento ni Elisse,

“Isang taon din ‘no na nagkahiwalay? Tapos sa isang taon na ‘yun, nag-break tayo, malala. Tipong hindi tayo nag-uusap talaga, hindi nagpapansinan.” 

Sa kanilang pag-uusap ay lumabas na si McCoy ang sumuko sa kanilang relasyon. Isang bagay na ayon kay Elisse ay nagparamdam ng betrayal sa kaniya.

“Nag-expect ako na hindi ka bibitaw or hindi ka maggi-give up or magpapaubaya. ‘Yon, siguro ‘yon. And then, dinaan ko na lang nga sa galit ‘yong feeling ko na betrayal. Parang ganun ‘yong feeling ko that time, parang I got left behind.”

Ito ang sabi ni Elisse na hindi nagbigay ng detalye kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

BASAHIN:

Elisse Joson on pregnancy: “Hindi ko mapakita ‘yong excitement ko because I’m also scared”

LOOK: Elisse Joson at McCoy De Leon ipinakilala na sa publiko ang kanilang Baby Felize

LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

Elisse at McCoy second chance in love

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Image from McCoy de Leon’s Instagram account

Pagdating naman sa kanilang pagbabalikan ay may naging tatlong naging signs umano para kay McCoy. Una, nang bigyan niya ng jacket si Elisse sa isang event na nagkasama sila at ang una nilang pagkikita mula ng sila ay maghiwalay. Sunod ay nang magkita silang muli sa isang café na sinundan na ng pagpapadala ng mensahe ni McCoy kay Elisse ng “sorry”.

“Naalala ko binigyan ako ng jacket sa isang event kasi ‘yong suot ko malamig. Basta may isang event na nandoon ‘yong lahat ng artist.

Tapos sabay tayong umakyat (sa stage.) Pareho pa tayong handler and RM that time. Hindi pa rin tayo nag-uusap noon. Ito pa yung time na break tayo.”

Naamoy ko ‘yong jacket. Sabi ko alam ko ‘yong amoy na ‘to. ‘Yong sa Starbucks naman ‘yong 2nd encounter namin after long time na hindi kami nagpapansinan.”

Ito ang pagkukuwento ni Elisse.

Matapos ng mga signs na iyon para kay McCoy ay saka niya na minessage si Elisse at tinawagan na ayon sa aktres ay parang walang nangyari matapos ang isang taon nilang paghihiwalay.

“Ang bungad pa niya parang walang nangyari ng isang taon. Sabi niya “Saan ka?” tapos noong sinabi kong nagdri-drive sabi mo “Ah sige mamaya na baka mapaano ka, mabangga ka. Sabi ko ang presko naman ng kausap ko kasi parang walang nangyari, ano close tayo? Pa-sweet effect.”

Elisse at McCoy relationship now: “Ngayon it feels more real.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Elisse Joson’s Instagram account

Doon umano muling gumaan ang lahat para sa kanilang dalawa. Sila ay nagsimula ng muling mag-usap at magkita. Nito ngang Hunyo ay kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan na sila ni Elisse. Ito ay daw naganap noong 2020 sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, ayon kay McCoy at Elisse ay mas ok ang kanilang relasyon. Ito ay mas totoo kumpara noong nagsisimula pa lamang sila.

“Ngayon masasabi ko talaga na iba. Iba compared sa kung paano kami nung beginning. Especially tayo, dumating sa point na ‘yun nga, nag-break, na we hated each other, nagalit tayo sa isa’t isa. Mas naging iba the second time around. Ngayon it feels more real.”

Ito ang sabi ni Elisse.

Source:

ABS-CBN, Inquirer, Elisse Joson YouTube