Ibinahagi nina Elisse Joson at McCoy De Leon ang kanilang daily routine at ang first word ni Baby Felize.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang first word ni Baby Felize at kaniyang milestones
- Daily routine ng De Leon family
- Elisse at McCoy bilang first time parents
Ang first word ni Baby Felize at kaniyang milestones
Sa isang episode ng Round the Clock, ibinahagi ni Elisse Joson at McCoy De Leon ang kanilang daily routine at ang mga milestone ni Baby Felize.
Ayon kay Elisse, nasa stage na si Baby Felize na kinukuha na niya ang lahat ng bagay na kaniyang maaabot.
Nakakaupo na rin siya sa high chair at kasabay na kumakain sina mommy Elisse at daddy McCoy. Bukod sa gatas, kumakain na rin siya ng mga solids at ang kaniyang paborito ay ang saging.
“Papa” naman ang kaniyang first word na siyang ikinatuwa ni McCoy.
Daily Routine ng De Leon family
Karaniwang nagigising si Baby Felize ng 7:00am. Ito ang oras na gutom siya at kailangan na niyang dumede. Para kay McCoy at Elisse, ito ang isa sa paborito nilang oras ng araw dahil pagka-gising nila ay nakikitang naka-ngiti at masayahin ang anak.
“Kami hindi pa kami makangiti masyado dahil nga kakagising, pero siya ngiti siya samin agad so kami din napapa-smile niya.”
Hindi rin mawawala sa kanilang morning routine ang play time with baby Felize. Ito rin ang oras ng kaniyang bath time at ang kakatwa’y laging umiiyak si Felize kapag pinapaliguan pero hindi umiiyak kapag siya ay nasa swimming pool.
Kasabay ring kumain nina Elisse si Baby Felize sa breakfast dahil siya ay kumakain na ng solids.
Sa hapon nama’y naglalaan si Elisse ng oras sa kanilang jewelry business. Sa bahay na rin sila gumagawa ng content for posting. Magkatulong ang dalawa sa kanilang business para sa maayos na future ni Felize.
Mahalaga rin kay Elisse na maglaan ng oras para ma-meet at maka-bonding ang kaniyang kaibigan. Ayon sa kaniya, ito ay napag-usapan nila ni McCoy na sila ay magkakaroon ng oras para sa kanilang sarili at mga kaibigan.
“Napag-usapan din namin ‘yan ni McCoy na ayoko naman mawala din ‘yong usual ko ding nagagawa before we had Felize.
As much as possible ‘pag walang work at home, nagkakaroon ako ng time sa hapon na to reach out to my friends.
I think importante lalo na sa mga moms and parents na bigyan niyo ng time also for your self to be with other people. Doon ko naririnig ang ibang experiences hindi lang kung ano ‘yong nangyayari sa amin sa bahay.”
Gayundin si McCoy, siya ay nago-online streaming kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ito ay mahalaga para sa kaniyang para rin makipag-communicate sa kaniyang mga kaibigan.
Ang kanila namang night routine ay manood ng movie together pagtapos mapatulog si Felize. Si McCoy umano ang in-charge sa pagpapatulog at pagpapakain kay Baby Felize kung ito ay magising sa gabi o madaling araw.
BASAHIN:
Elisse Joson, ibinahagi ang naging reaction ng kaniyang ina nang malaman na buntis siya
McCoy de Leon on being a father: “Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”
LOOK: Anak ni Elisse Joson, nakilala ang kaniyang mga celebrity Titas
Elisse at McCoy bilang first time parents
Doble kayod naman ang ginagawa ni McCoy ngayong parent na siya. Ito ay para masiguro na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mag-ina. Sinamahan niya ang kaniyang pagtitiyaga ng pananampalataya sa Dios.
“Doble kayod talaga po. Ang dami kong naisip kasi para sa future ng anak ko at partner ko. Masaya, medyo mahirap kasi nga lalo na ngayon pandemic pero sabi ko nga, ‘Ikaw na bahala.’”
Nakita naman ni Elisse ang pagsusumikap ni McCoy lalo na nung siya ay nagbubuntis pa lang. Bagaman nasa Amerika siya at nasa Pilipinas si McCoy, hindi naman nawala ang suporta nito.
“Nung pregnant po ako kay Felize nasa Amerika nga ako, magkalayo kami ni McCoy pero ‘yong support na binigay naman niya is nandiyan siya for us.
Siyempre bilang first time dad din nakita ko sa kaniya na he’s working hard para pag-uwi namin dito, komportable kami.”
At the end of the day, para kay Elisse at McCoy ay meaningful ang bawat araw kasama si Baby Felize.