Elisse Joson may heartfelt message kay McCoy de Leon: "You were the one who carried us all."

Sinorpresa ni Elisse ang kaniyang partner na si McCoy noong nakaraang Father's Day.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa latest YouTube vlog ni Elisse Joson, makikita kung papaano sila nag-celebrate ng Father's Day para kay McCoy de Leon. May binahagi ring mensahe ang aktres para sa kaniyang boyfriend.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Sorpresa ni Elisse para kay McCoy 
  • Mensahe ni Elisse Joson kay McCoy De Leon

S0rpresa ni Elisse Joson para kay McCoy De Leon

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Makikita sa vlog ni Elisse Joson ang kanilang pagpaplano tungkol sa magiging sorpresa para kay McCoy De Leon. Sa unang bahagi ng vlog ay naroon ang petsa na June 17, 2022. Makikita rin na nakikipag-usap si Elisse Joson sa kanilang mga kasama sa bahay.

Doon na nila napag-usapan ang gagawing mini-prank kay McCoy. Saad ni Elisse, dapat daw ay parang magkaroon ng eskandalo para mataranta ang kaniyang boyfriend bago nila i-reveal ang surprise.

"Isip tayo ng plano kung ano, gusto ko gumawa ng eskandalo, ‘pag kasi natapos na nating ilagay yung surprise dyan, gusto kong meron gawin para mataranta siya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong gagawin nila ang prank ay busy raw sa paglalaro si McCoy. Kaya naman nag-isip sila ng paraan para mapalabas nila si McCoy sa kaniyang gaming room at para maging successful ang kanilang surprise.

Doon na nakaisip si Elisse ng kaniyang gagawing prank para mag-worry si McCoy at magulo ang kaniyang paglalaro. Kinuntsaba niya ang ilang kasama nila sa bahay para rito.

"Ganito 'yong plan, papasok ako sa gaming room niya naka-in game daw kasi siya ngayon. So papasok ako, sigaw sigaw ako ng, 'Si Felize! Si Felize!'"

Si Felize ay ang anak nina Elise Joson at McCoy de Leon. Ipinakita rin ang ilan sa kanilang clip kung saan sila ay nag-eensayo kung papaano tatawagin si McCoy De Leon sa kaniyang gaming room.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maisagawa na ang kanilang napagplanuhan, tinakbo at pinuntahan ni Elisse Joson si McCoy De Leon. Paulit-ulit na tinatawag ni Elisse Joson si McCoy at isinisigaw pa ang pangalan ng kanilang anak. Agad ding tumayo at sumama si McCoy kay Elisse at nagtungo sa pool area kung nasaan ang surpresa.

Napangiti naman si McCoy De Leon ng makita ang sorpresa para sa kaniya. Makikita rin sa vlog ang kanilang pagkukulitan at paba-bonding sa swimming pool. Mayroon pang isang supresa si Elisse Joson kay McCoy De Leon na makikita sa vlog. Ang supresang ito ay naganap noong mismong father’s day, June 19.

Saad pa ni Elisse Joson habang buhat-buhat ang anak na si Felize. Nang pumasok sa gaming room ni McCoy De Leon ay kinantahan at binati nila ito ng happy father’s day at inabutan ng regalo. Binasa naman ni McCoy De Leon ang nakalagay na sulat sa box.

“Happy Father’s day to the best daddy. We love you and we appreciate you.” 

Larawan mula sa Instagram account ni McCoy de Leon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa ring bahagi ng video, tinanong ni Elisse si McCoy kung ano ang gustong gawin nito bilang Father’s Day noong araw na iyon. Sagot naman ni McCoy De Leon ay nais niyang mag-relax, mag-chill, mag-rest at magnilay-nilay.

Tinanong pa ulit ni Elisse si McCoy kung pupunta sa sila sa Tondo. Si McCoy de Leon ay lumaki sa Tondo, Manila. Isa siya sa mga batang Tondo na naging successful sa showbiz. Noon pa lang edad 16 siya ay nagsimula na siyang lumabas sa mga commercials.

Kaya naman nang tanungin ni Elisse kung dadayo sila sa Tondo ay sumang-ayon agad si McCoy. Sambit pa ng aktor, mas makakatipid daw sila sa kaniyang hometown kaysa magpunta pa sa ibang lugar.

BASAHIN:

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson shares heartfelt message to her daughter, Felize: “We are very lucky to be your parents."

Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic"

Mensahe ni Elisse Joson kay McCoy De Leon

Sa huling bahagi rin ng vlog makikita ang iba’t iba at pinagsama-samang video nila McCoy De Leon, anak na si Felize at Elisse Joson. Habang ipinapakita ang mga video ay ibinahagi ni Elisse Joson ang kaniyang father’s day message para kay McCoy De Leon.

“The change you see when a man becomes a father. I saw it in you instantly. Suddenly, you were the one who carried us all. Happy father’s day, mahal ko.”

Nagpaabot din ng kaniyang mensahe si Elisse Joson para iba pang mga tatay, bati pa niya, “Happy father’s day to all the dads out there!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong April ay nag-celebrate na ang baby nina McCoy at Elisse na si Felize ng first birthday nito. Napabinyagan na rin nila ang kanilang anak para ma-welcome sa Christian world.

Sinulat ni

Nichole Samson