LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

Enjoy na enjoy sa beach tripping ang celebrity mom na si Ellen Adarna kasama ang kaniyang baby na si Elias! Gaano nga ba kahalaga ang quality time kay baby? | Lead image from Ellen Adarna's Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aminin natin, talagang nakaka-drain ngayong quarantine—stress everywhere! Kaya naman para magliwaliw ilang celebrity ang nagbakasyon sa beach, just like Mommy Ellen Adarna at baby Elias. Of course, still practicing the safety protocols ngayong pandemic.

Moms, dads, gaano nga ba kahalaga ang quality time sa inyong anak lalo na ngayong may pandemic?

LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach! | Image from Ellen Adarna’s Instagram

LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

Ilang taon na rin ang nakalilipas simula nang mag-break sa limelight ang aktres na si Ellen Adarna. Ayon sa kaniya, nais muna niyang alagaan ang kaniyang baby na si Elias sa una nitong taon kung saan lumalaki siya. “I want to be with my son in his formative years. I’m a very hands-on mom.” Paglalarawan niya sa kaniyang sarili.

Hilig na nina Mommy Ellen at baby Elias ang pumunta ng beach para mag-bonding. Kamakailan nga lang ay spotted ang mag-ina sa Cebu para mag beach tripping. Bukod dito, binisita pa ng aktres ang “Temple of Lea” kung saan pagmamay-ari ng kaniyang pamilya. Yoga with cousins ang kanilang bonding!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa latest post ni Mommy Ellen, kasama nito si baby Elias sa Amanpulo—enjoy na enjoy ang dalawa sa white sand beach.

Ibinahagi rin ng aktres ang kanilang litrato katulad ng paglalaro sa buhaginan at pagsu-swimming kasama si Elias. “No yaya, No Problem. #allthingsarepossible” caption ng kaniyang isang litrato.

Nasa co-parenting setup sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kay baby Elias.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach! | Image from Ellen Adarna’s Instagram

Paglilinaw naman ni Ellen Adarna tungkol sa hiwalayan nila ng aktor, walang katotohanan ang lahat nang usap-usapan na kaya hindi sila magkasama ay nangaliwa ito.

“Just to clear everything. Nope. Dili cya. Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat. Kuyaw naman kaayos remix and feelings ning mga tao kung unsaunsa na lang mga pangstorya. Leave him alone kay dili dyd cya,”

(“Just to clear everything. Nope. Hindi siya. Hindi siya ang nag-ghost at hindi siya ang nag-cheat. Nakakagulat na lang talaga ‘tong remix and feelings ng mga tao kung anu-ano na lang pinagsasabi. Leave him alone dahil hindi talaga siya.)

Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan ang hiwalayan ng dalawang panig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

Andi Eigenmann: I don’t believe in showering my kids with so many toys

Ellen Adarna to basher: “Dalaga or not, people need a break.

Amanpulo travel restriction

Kung interesado namang bisitahin ang Amanpulo, base sa kanilang travel restrictions, kinakailangan munang magpa-swab test bago pumunta rito. Narito ang mga kailangang tandaan:

  • Kinakailangan na magpasa ng negative COVID-19 PCR test result sa kanilang reservation team bago ang 24 oras kung kailan sila magche-check-in. Tandaan, kinakailangang sila ay nasa 21 years old above.
  • Maaari rin namang sumailalim sa antibody rapid test ang mga nasa edad 21 years old pababa sa kanilang pribadong tanggapan. Kung hindi ito magawa, kinakailangang magpasa ng negatibong resulta ng swab test.
  • Kailangan makapasa ang lahat ng guest sa health assessment.
  • Kailangan pa ring sundin ang social distancing.

LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach! | Image from Ellen Adarna’s Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit mas importante ang quality time kay baby kaysa sa material things?

Normal na sa isang bata ang sumaya kapag binigyan mo ng iba’t-ibang klase ng laruan. Katulad na lamang ng paborito niyang manika, kitchen set o kaya stuff toy. Ngunit hindi ito laging sapat para sa kanilang kasiyahan. Kailangan ka rin ng anak mo..ang oras ninyo ni daddy.

Narito ang ilang benepisyo sa bata kapag lagi niyang kasama ang magulang niya:

  • Mas nahuhubog ang kaniyang pagkatao
  • Magkakaroon ng satisfaction
  • Makikilala ang kaniyang sarili habang lumalaki
  • Matututunan ng bata kung paano i-handle ng tama ang mga bagay pati na rin an gkaniyang sariling emosyon

Ang laruan o materyal na bagay ay nakakapagpasa sa bata ngunit panandalian lamang. Hindi mapapantayan ang oras na ibinibigay ng magulang sa kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano