Ellen Adarna sa pagkakaroon nila ng baby ni Derek: “When we’re both ready.. it will happen.”

Derek gusto ng magkababy sa 2023 at hiling niya sana ay maging boy ang baby nila ni Ellen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ellen Adarna at Derek Ramsay narito ang sagot sa kung kailan sila nagplaplanong magkaroon ng baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sagot ni Ellen Adarna at Derek Ramsay tungkol sa pagkakaroon nila ng baby.
  • Derek Ramsay bilang pangalawang ama ni Elias.

Sagot ni Ellen Adarna at Derek Ramsay tungkol sa pagkakaroon nila ng baby

Image from Instagram

Si Ellen Adarna at Derek Ramsay ang isa sa pinakasusundang celebrity couple sa ngayon. Dahil maliban sa maintrigang pagsisimula ng kanilang lovelife, makikita nag malaking pinagbago ng dalawa simula ng sila ay magkasama. Lalo pa ng sila ay maikasal at ganap ng maging mag-asawa na mas nagpatamis pa ng pagmamahalan nila.

Pero siyempre maliban sa tanong sa kung anong sikreto ng kanilang relasyon, marami ang nag-aabang kung kailan magkakanak sina Derek at Ellen. Sa isa sa mga Q & A session ni Ellen sa kaniyang Instagram ay sinagot ni Ellen ang tanong kung nagbabalak ba sila ni Derek na magkaanak na.

“Are you and Derek planning to have a baby soon?”

Ito ang tanong ng netizen na sinagot naman ni Ellen. Ang sagot niya ay kapag kapwa na silang ready ni Derek na mangyayari naman umano sa tamang panahon.

 “When we are both ready dai, it will happen. Chill.”

Ito ang sagot ni Ellen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, noon namang nakaraang buwan ay sumagot din si Derek sa parehong tanong mula sa isang netizen sa kaniya ring Instagram Q&A session.

Doon ay sinagot niya na kung siya ang masusunod, pinaplanong niyang magkaroon na sila ng baby ni Ellen sa susunod na taong 2023. At ang gusto niya sanang gender ng magiging baby nila ay lalaki habang si Ellen naman ang gusto ay babae.

“Do I plan to have kids? Yes. Well, probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”

Ito ang naging sagot ni Derek sa naging Instagram Q & A session niya.

BASAHIN:

Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose”

Riva Quenery sa hirap ng pag-aalaga sa baby: “Sometimes I’m too tired to function”

Iya Villana sa paghahanda sa mga anak niya sa pagdating ng kanilang bagong kapatid

Derek Ramsay bilang pangalawang ama ni Elias

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Instagram

Sa ngayon makikita na kahit wala pa silang anak ay very happy sina Ellen at Derek bilang mag-asawa. Kitang-kita rin sa kanilang mga Instagram post kung gaano ka-close si Derek kay Elias.

Si Elias ang tatlong taong anak ni Ellen at aktor na si John Lloyd Cruz. Sa isa nga sa mga Instagram post ni Derek ay may isang netizen ang pumuri sa kung gaano siya kahusay na stepdad para kay Elias. Pero kasabay nito ang pagtatama niya sa komento ng netizen na pabayaang ama si John Lloyd sa anak niya.

Sa hiwalay rin na komento ay nilinaw ni Derek na maayos ang relasyon nila ni John Lloyd. Hindi niya pinapalitan ang role nito bilang ama ni Elias.

“JL and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the father of Elias.”

Ito ang sagot ni Derek sa isang netizen na sinabihan siyang maging considerate sa feelings ni John Lloyd. Lalo pa’t hindi lang umano si Ellen ang nasa kaniya na kung hindi paiti na rin ang anak nilang si Elias.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa isang panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay nagbigay ng pahayag si John Lloyd tungkol kay Ellen at sa anak nilang si Elias.

Image from Instagram

Ayon kay John Lloyd, masaya siya na sa wakas ay nakita na ni Ellen ang “the one” para sa kaniya. Pero naging limitado ang kaniyang naging komento sa dating kinakasama dahil tanging anak na lang umano nila sa ngayon na si Elias ang koneksyon nila.

“Finally, she found the one. I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin ‘yong aking masasabi patungkol sa kaniya o sa buhay niya.”

Ito ang sabi noon ni John Lloyd.

Pero dagdag pa ng aktor, hiling niya na sana magkaroon ng masaya at matibay na pagsasama sina Derek at Ellen. Dahil rito umano nakasalalay ang maayos na paglaki at kapakanan ng anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yon sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Ito ang sagot pa ni John Lloyd noon sa kaniyang naging panayam.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement