Anak ni Ellen Adarna na si Elias nag-celebrate ng kaniyang 4th birthday. Tingnan dito ang ilang larawan sa kaniyang naging birthday celebration.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- 4th birthday celebration ng anak ni Ellen Adarna na si Elias
- Relasyon ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz
- Derek Ramsay bilang pangalawang ama ni Elias
4th birthday celebration ng anak ni Ellen Adarna na si Elias
Apat na taong gulang na ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias. Siya ay nag-celebrate ng kaniyang birthday kahapon, June 27, 2022. Sa larawang ibinahagi ng kaniyang inang si Ellen Adarna sa Instagram, ang naging theme ng birthday celebration ni Elias ay Spiderman parin tulad noong mga nakaraang taon.
“Spiderman forever. Hala sigi.”
Ito ang caption ng IG post ni Ellen tungkol sa birthday ng anak niyang si Elias.
Sa mga larawang ibinahagi ni Ellen makikitang nag-enjoy si Elias sa kaniyang naging birthday. Ganoon rin si Ellen na nagbalik pagkabata sa paglalaro. Ang mister ni Ellen at aktor na si Derek Ramsay ay game na game rin na nakipaglaro kay Elias at mas ginawang meaningful ang birthday celebration ni Elias ngayong taon.
Binati rin ni Derek si Elias sa kaniyang Instagram account. Ito ay tinawag niyang “son” at “little babiguling”. Ang salitang babi guling ay salitang Indonesian na ibig sabihin sa salitang Ingles ay “turning or suckling pig.”
“Happy birthday son. Love you so much my little babiguling.”
Ito ang pagbati ni Derek kay Elias kalakip ang mga cute na larawan at video nito.
Ang mga celebrity friends nila Derek at Ellen binati rin si Elias sa kaniyang kaarawan.
isabelledaza Hahahaha go spidey
vina_morales Happy bday spiderman haha
popsfernandezofficial Happy birthday
BASAHIN:
Leon Barretto kay Dennis Padilla: “Your words have the power to destroy your children, papa.”
LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya
LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna
Relasyon ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz
Nitong June 24 ay nagdiwang rin ng kaniyang kaarawan ang aktor na si John Lloyd Cruz. Ang mga kasamahan niya sa trabaho sa last taping day ng sitcom sa GMA na “Happy ToGetHer” ay nanghanda ng surprise birthday celebration para sa kaniya.
Sa video na ibinahagi ng komendyante na si Jayson Gainza ay makikita na kinakantahan nila si John Lloyd ng happy birthday sa taping ng kanilang programa. Habang ang may hawak ng cake ay ang napapabalitang girlfriend ni John Lloyd na isang artist na si Isabelle Santos.
Si Isabelle hinalikan ni John Lloyd sa cheeks matapos nitong i-blow ang kandila sa kaniyang cake. Sa naturang birthday celebration ni John Lloyd ay makikitang present rin ang anak niyang si Elias at tahimik na nakaupo sa mesa habang kinakantahan ng happy birthday ang kaniyang ama.
Base sa mga nauna ng pahayag ni Ellen at John Lloyd sila ay may maayos na relasyon pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Elias. Ayon kay Ellen, nakikita niya kung gaano kasaya si Elias sa tuwing kasama si John Lloyd at hindi niya balak ipagkait ito sa anak.
“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship and I see how happy my son is when he is around.”
Ito ang sabi ni Ellen sa isang panayam.
Si John Lloyd masaya rin para sa bagong buhay ngayon ni Ellen bilang misis ni Derek. Sabi pa ng aktor ay hiling niya ang maayos na pagsasama ng dalawa. Lalo pa’t naniniwala siya na mahalaga ito para sa maayos na paglaki ng anak niyang si Elias.
“Finally, she found the one. I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin ‘yong aking masasabi patungkol sa kaniya o sa buhay niya.”
Ito ang nasabi ni John Lloyd sa panayam sa kaniya ng veteran journalist na si Jessica Soho. May pahabol rin siyang mensahe para kay Ellen at sa mister na nito ngayong si Derek Ramsay.
“Sincerely I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yon sa welfare at sa growth ng anak ko.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Derek Ramsay bilang pangalawang ama ni Elias
Sa ngayon makikita na very happy sina Ellen at Derek bilang mag-asawa. Kitang-kita rin sa kanilang mga Instagram post kung gaano ka-close si Derek kay Elias.
Sa isa nga sa mga Instagram post ni Derek ay may isang netizen ang pumuri sa kung gaano siya kahusay na stepdad para kay Elias. Pero kasabay nito ang pagtatama niya sa komento ng netizen na pabayaang ama si John Lloyd sa anak niya.
Sa hiwalay rin na komento ay nilinaw ni Derek na maayos ang relasyon nila ni John Lloyd. Hindi niya pinapalitan ang role nito bilang ama ni Elias.
“JL and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the father of Elias.”
Ito ang sabi pa ni Derek.