Ellen Adarna kumpirmadong nanganak na

Ellen Adarna nanganak na noong June 27, ayon sa kaniyang abugado. Kasalukuyang nasa Cebu pa rin ito nagpapahinga kasama ng kaniyang baby.

Ellen Adarna nanganak na noong Hunyo 27—tatlong araw matapos nagdiwang ng kaarawan ang kaniyang nobyong si John Lloyd Cruz. Sa ulat ni MJ Marfori ng TV5, kinumpirma ng abugado ng aktres na si Atty. Rebo Saguisag na nagsilang na nga ang kaniyang kliyente at kasalukuyan itong nagpapahinga sa Cebu. Ito raw ang rason kung bakit hindi nakaka-attend ang aktres sa preliminary investigation ng kaniyang kaso.


Reklamo laban kay Ellen

Matatandaan na nasasangkot si Ellen sa isang reklamo ng Anti-Cybercrime at Anti-child abuse na isinampa ni Myra Santos, ang ina ng isang menor de edad na babae na inakusahan ng aktres na kinukuhanan siya ng litrato/video.

Nagsimula ang gulo nang pagbintangan ni Ellen ang dalaga na kinukuhanan siya at ang boyfriend niyang si John Lloyd ng video habang kumakain sa isang kilalang ramen restaurant sa Makati. Pinost ng aktres ang litrato at video ng dalaga sa Instagram stories nito.

Aniya sa kaniyang post, "“When you PAP us, we PAP you. It’s a tie. #PAParazziMoves.”

Sumagot naman ang menor de edad na dalaga sa Twitter na hindi niya sila kinukunan kundi ang pagkain at ang loob ng restaurant. Depensa pa nito na hindi niya kilala ang sexy actress.

Bilang sagot, nag-post ulit si Ellen ng mensahe sa dalaga: "Girl, you can deny all you want but before your food arrived, you guys knew what you were doing. But whatever, feeling na kung feeling pero 'di kami tanga."

Nais din ng aktres na ipakita ng may-ari ng restaurant ang footage ng CCTV para makita ang buong pangyayari.

Sa pamamagitan ng isang open letter sa Facebok, umalma ang nanay ng dalaga dahil sa post ni Ellen.

"We are reaching out to you to let you know how deeply hurt we are by the unneeded stress and unwanted attention you caused after you uploaded a photo and video of her on Instagram, without any consent from us."

Ayon kay Myra, palalampasin na sana ng pamilya niya ang insidente ngunit muling nag-post si Ellen.

"You have claimed my daughter is guilty, rude, and has been repeatedly insinuating my daughter is lying. You even said that you can handle bashers and hope my child could, too."

Dagdag pa nito na hindi tama na inilagay ni Ellen ang dalaga sa alanganin sa pamamagitan ng pag-post nito sa social media dahil pribadong indibiduwal ang bata.

"As much as no one has the right to breach your privacy, you have no right to ruin my daughter’s reputation."

Binigyan ni Myra si Ellen ng limang araw na taning upang mag-public apology kundi maghahanda sila ng demanda laban sa aktres. Hindi ito sinagot ni Ellen.

Ellen, handang humarap

Sa panayam ni MJ, itinanggi ng abugado ni Ellen na pinapatagal lang ng kanilang kampo ang pag-usad ng reklamo dahil sa hindi pagsipot ng aktres. Inirason nito na kapapanganak lang ng kaniyang kliyente at hindi pa puwedeng ibiyahe ang bagong silang na anak nito. Diin nito na handa si Ellen na harapin ang reklamong sinampa sa kaniya.

Source: MJ Marfori's Facebook account, PEP.ph, Inquirer.net