Ellen Adarna sa 6th birthday ng anak niyang si Elias: “Happy Birthday my not so littol boy”

Ellen Adarna buntis nga ba?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ellen Adarna son Elias nagdiwang ng kaniyang 6th birthday.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ellen Adarna son Elias 6th birthday.
  • Pamilya ni Ellen at Derek.

Ellen Adarna son Elias 6th birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Celebrity mom na si Ellen Adarna ipinagdiwang ang 6th birthday ng only son niyang si Elias. Ang kanilang naging selebrasyon simple pero present ang mahahalagang miyembro ng kanilang pamilya.

Makikita sa recent post ni Ellen na simple man ang naging birthday celebration ni Elias ay naging masaya ito. Si Ellen nangingibabaw ang boses sa pagkanta ng “Happy birthday” sa anak. Maririnig rin ang boses ng mister nitong si Derek Ramsay na nakikikanta sa background.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang cake ni Elias ay may disenyo ng Roblox. Isa sa mga laro na kinahihiligan ng mga bata ngayon.

“Happy Birthday my not so littol boy… forever my baby you’ll be 💕❤️ #6.”

Ito ang caption ng post ni Ellen tungkol sa birthday ng kaniyang anak na si Elias.

Pamilya ni Ellen at Derek

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang post kamakailan lang ay ibinahagi rin ni Ellen ang naging moving up ceremony ng anak niyang si Elias. Silang dalawa ng mister na si Derek ay present sa milestones na ito ni Elias.

Samantala, maliban dito ay may lumalabas rin na haka-hakang buntis na si Ellen sa anak nila ni Derek. Pero si Ellen, nanatiling tahimik sa isyu na ito.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Derek sa isang panayam na nakunan si Ellen ng magbakasyon sila noon sa Spain. Malungkot man sa naging miscarriage ng misis, ay hindi daw sila nawawalan ng pag-asa na magkaanak. Lalo pa’t sa ngayon ay pareho na nilang gusto na magkaprodukto ang kanilang pagmamahalan.

“Nung nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen, and then unfortunately we lost the baby pero at least alam namin na hindi kami baog. First attempt pa lang naman, well, successful, unsuccessful, so ‘yon na muna i-focus namin na we can get a full pregnancy right away.”

Ito ang sabi noon ni Derek sa panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement