Emotional support sa bata, paano nito nababago ang pag-uugali ng anak. At bilang magulang paano natin ito maipaparamdam sa ating mga anak.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Emotional support sa bata, paano nito nababago ang kaniyang pag-uugali.
- Paano maging isang emotion coach sa iyong anak.
Emotional support sa bata, ano ang magandang epekto nito sa iyong anak
Napakahalaga ng emotional support sa bata. Pahayag nga ng mga eksperto ang pakakaroon ng good emotional health ng isang bata ay nakakatulong sa kaniyang social development.
Sa pamamagitan din ng emotional support na naibibigay sa bata ay mas madali siyang nakaka-acquire ng bagong skills o kaalaman. Ang positive reassurance rin na natatanggap niya ay nakakatulong para ma-boost ang kaniyang self-confidence, self-esteem at emotional outlook sa buhay.
Ayon kay Kalee De France Ph.D., isang developmental neuroscientist at researcher, ang unang paraan para magpakita ng emotional support sa isang bata ay ang turuan siyang i-express at i-regulate ang emotion niya.
Bagama’t simple kung pakinggan at sabihin, ito ay mahirap gawin. Lalo na’t tayong mga magulang na busy sa paghahanapbuhay at pagbibigay ng pangangailangan ng ating anak ay may mga emotional burdens din.
Kaya naman hindi maalis ang mga pagkakataon na imbis na magpakita ng emotional support ay nasasaktan pa natin ang sensitive pa nilang feelings.
Payo ni De France dapat ay matutunan ng mga magulang na maging isang emotion coach. Paano ito gagawin? Narito ang mga paraan ayon parin kay De France.
Paano maging isang emotion coach sa iyong anak?
-
Mag-reflect kung anong klaseng magulang ang nais mong maging para sa iyong anak.
Ang unang hakbang sa pagiging emotion coach ay ang pag-tanong sa sarili mo kung anong klaseng magulang o emotion coach ang nais mong maging para sa iyong anak.
Para magawa ito ay magsulat ng tatlong qualities ng nais mong maipakita sa iyong anak na magiging positibo ang impact sa kaniya. Tulad ng pagiging caring, pasensyoso o comforting na magulang.
Ang mga qualities na ito ang magiging guide mo at reminder sayo sa tuwing mahaharap sa iyong anak na nag-tantrums o kaya naman ay nakakaranas ng negative situation sa kaniyang buhay.
Larawan mula sa Pexels
-
Isipin ang mga qualities na gusto mong taglayin ng iyong anak.
Matapos matukoy kung anong klaseng emotion coach ang gusto mong maging para sa iyong anak, sunod na isipin ay kung anong qualities ang nais mong taglayin niya.
Lalong-lalo na sa tuwing nakikipaghalubilo siya sa iba o ‘di kaya naman ay kung anong magiging response niya sa tuwing may problema o anumang negative na pangyayari ang kahaharapin niya.
Nais mo bang maging mas pasensyoso siya o ‘di kaya naman ay mapagbigay sa kaniyang kapwa. Ang mga qualities na gusto mong taglayin ng iyong anak ang magiging focus o guide mo sa mga actions na gagawin mo para maturuan siya.
-
I-regulate ang sarili mong emosyon.
Bilang isang emotion coach, dapat ay marunong ka ring mag-regulate ng iyong emotion. Dahil ikaw ang magli-lead sa iyong anak. Kaya naman sa mga oras na nakakaranas ka ng labis na stress, galit o frustration, dapat ay subukan mo munang maging kalmado bago ka humarap sa iyong anak.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng saglit na oras ng mag-isa o pagsasagawa ng deep breaths. Dahil bilang isang emotion coach, ito ang una mong dapat itinuturo sa iyong anak. Ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pagiging isang magandang halimbawa.
Tandaan din na may pagkakataon na maaaring maubusan ka ng pasensya. Pero magkaganoon man dapat ay itatak mo sa iyong isip na kabutihan ng iyong ang anak ang nakakasalalay dito.
Kaya naman kahit sobrang frustrated ka na sa nagawa ng iyong anak ay pakalmahin ang iyong sarili. Saka magbigay ng oras sa kaniya para makinig at alamin kung ano ang nasa kaniyang isip.
Upang mabigyan mo ng sagot ang anumang tanong na gumugulo sa kaniya. O palakasin ang kaniyang loob laban sa mga bagay na nagpapahina ng loob niya.
Larawan mula sa Unsplash ni Artem Kovalev
-
Lead by example.
Ang pinaka-effective na pagtuturo sa mga bata base narin sa experience at pag-aaral ay ang pagpapakita ng halimbawa sa kanila. Tulad na lang sa tuwing mainit ang iyong ulo o frustrated ka.
Sa mga bata makakatulong na maipaliwanag sa kanila ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagna-narrate dito. Ganoon rin kung paano mo hinaharap o dine-deal ang negative emotion na ito.
Ayon kay De France, pagdating sa pagpapakita ng emotional support sa bata ang pinaka-effective na remodeling strategy ay ito. Una ay ipaalam sa iyong anak ang nararamdaman mo. Sundan ito ng pagpapaliwanag kung bakit ito ang iyong nararamdaman.
Saka sabihin kung ano sana ang feelings na gusto mong maramdaman at ano ang iyong ginagawa upang ma-switch ang negative emotion na ito sa positive emotion o experience na gusto mong mangyari. Halimbawa nito ay ito.
“Sobrang nafu-frustrate ako ngayon. Dahil nahihirapan ako sa mga problema at bayarin natin sa bahay. Pero dapat relax lang ako kasi malalampasan din natin ito. Sa ngayon maglalakad-lakad muna ko para kumalma ang isipan ko.”
Malamang iisipin mo na hindi naman ito naiintindihan pa ng iyong anak. Pero ang pagpapakita sa kaniya ng example sa iyong ginagawa ay magagaya niya at mai-apply niya sa kaniyang sarili.
Ang pagiging magandang halimbawa ay hindi rin naman nangangahulugan na hindi ka dapat magpakita ng pagkakamali sa iyong anak. Ayos lang na magkamali ka basta ipaliwanag sa iyong anak kung bakit mo nagawa ang naging pagkakamali at paano mo ito naitama.
-
Huwag madaliin ang iyong anak. Hayaan siyang matuto ng paunti-unti sa pamamagitan ng pag-prapractice o pagsasagawa nito paulit-ulit.
Para mas madaling maituro sa iyong anak ang pag-reregulate ng kaniyang emosyon, gamitin ang mga bagay sa inyong paligid bilang halimbawa sa iyong anak. Maaaring tulad ng mga karakter o events na napapanood ninyo sa pelikula.
Ituro o sabihin sa iyong anak ang mga emosyon na ipinapakita dito. Tulad na lang ng galit, lungkot o saya at kung paano mo ito hinaharap sa positibong paraan o kung mo paano kinakalma ang iyong sarili.
Gaya na nga lang ng pagsasagawa ng breathing exercises, journaling o paglalaro ng sports na kinahihiligan mo. Ang madalas na pagpapakita ng mga ito sa iyong anak ay nagiging practice sa kaniya na sa kinalaunan ay magagaya at makakasanayan niya na.
Larawan mula sa Pexels
-
Huwag kalimutan ang locker room debrief.
Ang isang coach, anuman man mangyari sa isang laban ay laging kakausapin ang kaniyang player sa naging experience nila. Ganoon din sa iyong anak, anuman ang mangyari maging positive o negative man ang respond niya sa isang event o sitwasyon ay kunin parin ang naging feedback niya dito.
Halimbawa, kumustahin siya sa naging experience niya sa sinalihan niyang kompetisyon. Kung siya ay hindi nagwagi tanungin siya sa kung saan sa tingin niya siya ay nagkulang. At kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon na ulitin ito at itama ay ano ang gagawin niya.
Tanungin din siya na kung sakaling naging kalmado kaya siya sa naging kompetisyon ay pareho parin kaya ang kalalabasan nito? Sa ganitong paraan ay nabibigyan siya ng oras mag-isip at ma-realize ang mga bagay na mali niyang nagawa. Pati na ang mga advantages na maaring mangyari kung natuto siyang i-regulate ang kaniyang emosyon.
Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga paraan kung paano mo maipapakita ang emotional support sa isang bata. Bilang magulang, tandaan na ikaw ang mundo ng iyong anak at ang pagiging kalmado o kapayapaan sa kaniyang mundo ay nakasalalay rin sayo.