Lumalaking entitled ang 'yong anak? 7 tips for parents para maiwasan ito

Kahit gusto nating ibigay ang lahat para sa ating anak, mahalaga na bigyan din sila ng boundaries para maiwasan ang sense of entitlement.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Overindulging o sheltering daw ang karaniwang dahilan kung bakit nagiging entitled ang isang bata. Alamin ang ilang ways upang maiwasan ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang entitlement?
  • 7 ways para maiwasan ang pagiging entitled ng anak mo

Lumalaking entitled ang ‘yong anak? 7 ways para maiwasan ito

Larawan mula sa Pexels

Parents always want the best for their kids. Ibibigay nila ang lahat ng nakabubuti para sa kanya magmula man ‘yan sa pag-aaral, pagkain, tirahan, at mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Kailan nga ba nakabubuti pa o hindi na ang pagbibigay sa kanila ng kanilang gusto?

Para sa mga eksperto, ang overindulging at sheltering daw ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa bata. Nagkakaroon daw ng chance na mawalan sila ng sense of gratitude, strong work ethic, at matuto sa sarili nilang mali. Maaaring mangyari pa na magkaroon sila ng labis na entitlement sa sarili.

What is an entitlement?

Para sa WebMD, ito raw ay ang pag-iisip ng isang tao na dapat siyang bigyan ng special treatment ng bawat makakasalamuha niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The entitlement mentality is defined as a sense of deservingness or being owed a favor when little or nothing has been done to deserve special treatment. It’s the “you owe me” attitude. Entitlement is a narcissistic personality trait.”

Larawan mula sa Pexels

Sa bata, maaaring manghingi sila parati ng mga materyal na bagay sa kanilang parents. Ito ay dahil pakiramdam nila deserve nilang palagi na nabibilhan o nabibigyan ng kanilang gusto. Maaaring magkaroon ng ganito ang bata dahil sa sobra-sobrang pagbibigay ng mga bagay sa kanila o pagii-spoil.

Sa mga unang taon nila bilang bata, natural na nararamdaman nilang sila ang center of attention. Kasabay ng pagbibigay ng kanilang pangangailan, kailangan nilang matutunan na hindi masobrahan  dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7 ways para maiwasan ang pagiging entitled ng anak mo

Larawan mula sa Pexels

Habang maaga pa, narito ang ilang paraan upang maturuan ang anak mo na hindi maging entitled:

I-practice ang pagiging grateful.

Maraming pag-aaral na ang nagpatunay na ang pagpa-practice ng gratitude ay may long-lasting na positive effect. Turuan parati ang anak na magpasalamat sa mga bagay na natatanggap niya. Halimbawa na lang, kahit madalas na nilang natatanggap ang mga bagay sa kanilang parents, dapat ay natutunan pa rin nilang magpasalamat.

Malaki kasi ang chance na maa-apply nila ito sa ibang tao. Nagiging way kasi ito upang maging humble sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mag-set ng limits at boundaries habang maaga pa.

Mahalagang magkaroon ng limitasyon sa mga bagay-bagay. Kailangan kasing matutunan ng bata na hindi lahat ng gusto niya ay kailangan masunod. Kumbaga, dapat alam niya kung paano tatanggap ng ‘no’ as an answer. Halimbawa na lang nagpupumilit siyang gumamit pa rin ng cellphones kahit gabi na.

Dapat maipakita ng magulang na mayroon pa rin siyang authority when it comes to discipline. Kapag sinabing hindi na dapat gumagamit lalo kung hindi na sa tamang oras, dapat ay nasusunod ito.

Turuan sila ng responsibility.

Being responsible also will humble them. Dito kasi natutunan kung paano ginagawa ang mga bagay bago ito makamtan. Halimbawa na lang ang pagtuturo sa kanila na maging financially responsible.

Maaaring bigyan sila ng allowance para sa isang particular na activity o event na kailangan nilang maisip kung paano nila mapagkakasya. Magandang way ito para matutunan din nilang mag-budget ng pera at the same time.

Mag-open parati ng conversation.

Importante rin na nakakausap ang anak from time to time sa mga bagay. Maybe this way, you can teach them life lessons without them feeling that you are scolding them. Casual na usap lang upang mas maunawaan nila kung mayroon ban silang maling nagawa o sobra na ang kanilang hinihingi.

Turuan silang maging generous.

Para maiwasan niya ang masyadong entitlement, turuan ang anak na maging generous din. Makapagbibigay ito ng feeling sa kanya na hindi dapat siya palagi ang tumatanggap. Dapat ay mayroon din ang ibang tao at magandang magmula ito sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipaalala sa kanila ang accountability.

I-remind palagi ang anak na accountable sila sa kanilang mga actions. Ang kanilang mga ginagawa ay may consequences lahat, maaaring positive at maaaring negative naman. Dapat dito pa lang, alam na niya kung paano ito haharapin.

Turuan din sila sa mga gawaing bahay.

Makakabawas din ng pag-iispoil sa bata kung marunong sila sa gawaing bahay. Ibig sabihin kasabay ng pagtuturo ng responsibility, maaari rin itong ituro sa kanila. Pwede pa nilang magamit ito para sa life skills nila in the future.

Nauunang natutunan ng anak ang mga kaugalian at kaisipan dahil sa kanilang parents. Mahalagang nagmumula sa tahanan ang pagiging humble nila para maiwasan na magkaroon ng pagiging entitled hanggang sa kanilang pagtanda.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva