Sa pagpasok ng nanay sa kaniyang panibagong journey, marami ang kaniyang mararanasan. Nandiyan ang mga dapat kainin habang buntis, mga ehersisyo o tamang supplements para sa kanila. Hanggang sa manganak ang ating mga nanay, marami pa rin ang dapat tandaang impormasyon habang lumalaki si baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- STUDY: Pag-inom ng alak ng tatay, may masamang epekto sa sanggol
- 5 pagkain na dapat iwasan habang nagbubuntis
Ngunit hindi lang si mommy ang dapat na responsable sa kanilang anak. Malaki rin ang ginagampanang role ng mga tatay sa pagpapalaki at mismong kalusugan ng baby.
Isang pag-aaral ang nakakita ng koneksyon sa maaaring maging epekto ng alak sa pagbubuntis o bagong panganak na sanggol. Ating alamin ito.
STUDY: Pag-inom ng alak ng tatay, may masamang epekto sa sanggol
Ayon sa pag-aaral na nakalimbag sa JAMA Pediatrics, nakakita sila ng koneksyon sa pag-inom ng alak ng magulang at sa mga maaaring maging birth defects ng sanggol paglabas nito.
Isa na rito ang pagiging abnormal ng sperm na siyang maaaring magdulot ng defects sa bata. Katulad ng limb anomalies, congenital heart disease, pagkabingot, o problema sa digestive tract.
Kabilang sa nasabing pag-aaral ang 529,090 couple na nagpaplanong magbuntis sa loob ng anim na buwan. Nasa bilang na 364,939 ang mga tatay na hindi umiinom ng alak bago ang pagpaplano habang 164,151 ang mga umiinom.
Napag-alaman na ang 609 na sanggol ay nagkaroon ng birth defects. Katulad ng limb anomalies, congenital heart disease, pagkabingot, problema sa digestive tract at gastroschisis.
BASAHIN:
Pagiging mataba nakakaapekto sa sperm quality ni mister
STUDY: Kapag ininom ito ng buntis, maaaring mabansot si baby!
STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder
Ayon kay Dr. Lubna Pal, isang endocrinologist at propesor sa Yale School of Medicine,
“Fertility is a team sport. There are two players involved, but the burden has disproportionately fallen on women for [the] longest time.”
Sa koneksyon naman nito sa mga tatay, nasa kabuuang bilang na 363 na batang may birth defects ang mayroong tatay na madalas ang pag-inom dati. Habang 246 sanggol na may defect naman sa mga tatay na hindi umiinom.
Tinatayang nasa 55% ng tiyansang magkaroon ng birth defect ang isang sanggol kung ang tatay nito ay regular na umiinom ng alak habang nagpaplanong magbuntis ang kaniyang asawa. Ito ay dahil maaaring makasira ng kalidad ng sperm ang pag-inom ng alak ng tatay.
“This study raises questions that maybe both partners should be equally responsible in terms of when they are planning to create the new life.”
Ibig sabihin ay kinakailangang maging responsable sa pag-inom ng alak ang tatay kapag buntis ang kaniyang asawang babae. May ebidensya ring nagtuturo na ang pagbabago sa hugis, laki, at kalidad ng sperm ay maaaring maipasa ng tatay sa anak sa pamamagitan ng DNA.
Gayunpaman, ang nasabing pag-aaral ay kinakailangan pa ng masususing pananaliksik at mahabang oras para malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng birth defects sa pag-inom ng alak ng tatay.
Epekto ng alak sa pagbubuntis | Image from iStock
5 pagkain na dapat iwasan habang nagbubuntis
Ating alamin naman ang mga pagkain na bawal kay mommy habang nagbubuntis.
1. Raw food
Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby. Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.
Banta rin ito sa kalusugan ni baby. Matatagpuan sa hilaw na karne at isda ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.
2. Alak
Kung maaari, itigil muna ang pag-inom ng alak sa mga buntis.
Ayon sa pag-aaral, nakakapagpataas ito ng risk ng miscarriage at stillbirth kahit na kaunti lang ang iniinom mo. Bukod dito, ang pag-inom ng alak ng mga buntis ay dahilan ng facial deformity ng mga sanggol sa kanilang tiyan. Ito rin ay magkakaroon ng problema sa puso at may epekto sa intelektuwal na kakayahan ng bata.
3. Unpasteurized na dairy products
Healthy ang cheese, gatas at iba pang fruit juice sa ating katawan. Subalit alam nating sensitibo ang katawan ng mga buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain nila dahil may pinapakain din silang sanggol sa sinapupunan.
Hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang unpastreurize foods katulad ng gatas, keso at mga fruit juice. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Listeria, Salmonella, E. coli, and Campylobacte. Ang mga bacteria na ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng iyong unborn child.
4. Junk foods
Mahalaga ang pagkain ng buntis ng mga healthy at sagana sa nutrients na pagkain. Kailangan ito para sa safe at magandang development ni baby sa kaniyang tiyan.
Pagpatak ng sedong trimester ni mommy, kailangan niyang makakuha ng 350 calories sa isang araw ay 450 calories naman pagsapit ng third trimester niya.
Gaya ng payo ng mga magulang natin noong bata pa tayo, walang sustansiyang hatid ang mga junk food. Ito’y mataas sa calories, sugar at added fats.
Bigo nitong punan ang pangangailangan ni baby. Ang mabilis na pagtaba ng buntis ay isang dahilan din ng komplikasyon at sakit katulad ng gestational diabetes.
Kaya naman mas magandang kumain ng meals na mayaman sa protina katulad ng gulay, prutas at iba pa.
5. Isda na may mataas na mercury content
May mga benepisyo sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.
Ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackerel o tile fish.
Source:
Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!