Ano ang epekto ng amoy ng pintura sa buntis?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ligtas ba ang pagpintura o maamoy ang pintura habang buntis?
- Panganib na dala ng amoy ng pintura sa buntis
- Safety tips para sa mga buntis
Habang ika’y nagbubuntis kasabay nito ang maraming mga responsibilidad para sa iyon anak. Habang binabantayan mo iyong mga kinakain para kay baby o kaya naman ang pagpapahinga mo at exercise, kinunsidera mo ba ang mga external factors? Halimbawa na lamang, ligtas ba ang para sa iyo ang amoy ng pintura habang ika’y buntis? Nakakasama ba ang kemikal na ito para sa iyo? Alamin natin ‘yan dito.
Hindi talaga maipaliwanag ang excitement na ating nararanasan kapag naiisip natin na magkakaroon na tayo ng baby. Kasama na riyan ang excitement sa pagbubuo ng nursery ng iyong anak. Maaaring gusto mo na itong magawa at ikaw na mismo ang bubuo nito at magpipintura. Pero bago muna ‘yan narito ang mga bagay na dapat malaman ng mga moms-to-be.
Ligtas ba ang pagpintura o maamoy ang paint fumes habang buntis?
Wala pang pag-aaral na nagpapakita kung ilan ang eksaktong amount na maaaring ma-exposed ang babaeng buntis. Kaya naman wala rin tiyak na sagot kung ano ang epekto ng mga kemikal na ito sa isang unborn baby.
Subalit, marami sa mga pintura ang nagtataglay ng solvent (petroleum-based chemicals) na maaari makasama sa kalusugan kapag naka-inhale ka nito ng marami. Kahit ika’y buntis o hindi.
Kapag ikaw ay buntis ang pinakamainam pa rin ay limitahan ang iyong exposure sa painter at paint fumes, lalo kung ika’y nasa first trimester.
Ayon kay Lisa Valle, DO, isang ob-gyn sa Providence Saint John’s Health Center sa Santa Monica, California. Ang first trimester ay kinukunsidera na riskiest time para sa mga baby. Dito pa lamang kasi nagsisimulang mag-develop ang kanilang mga organs.
Potensiyal na panganib kapag ika’y na-expose sa paint fumes
Ang mga panganib na epekto ng amoy ng pintura mula sa short-terms effect katulad ng nausea o pagsusuka; irritation ng balat, mata, ilong o lalamunan, hirap sa paghinga, allergy, pagkahilo, at pananakit ng ulo. Ang long-term effect naman nito pagka-damagae ng liver, kidney, respiratory, at nervous system.
Dagdag pa riyan, may ilang pag-aaral na ang pagkakaroon ng exposure sa solvents habang nagbubuntis ay nakakapagpataas ng tiyansa ng miscarriage o pagkalaglag ng bata sa loob ng sinapupunan.
Ayon sa mga researcher, ang time frame kung saan nae-expose ang mga baby sa home renovations at level ng exposure nila rite ay hindi mahalaga. Ang posibilidad nang patuloy na pagkakaroon ng heavy exposure sa solvents ay maaari pa ring making panganib sa baby at magdulot ng birth defects at learning problems.
Subalit, dahil sa hirap na pagsukat kung gaano karami ang naa-absorb ng katawan mula sa kemikal na ito. Hindi pa rin matukoy ang eksaktong dala nitong panganib sa mga nagbubuntis na babae at sa kanilang baby. Kaya naman ang pinakamainam pa rin ay umiwas sa mga bagay na ito.
Kung ang pagpipintura ay kinakailangan talaga. Ang pinakaligtas na opsyon ay ipagawa ito sa iba, o i-postpine muna ito hanggang sa maipanganak mo na ang iyong baby.
Bagaman mayroong mga teorya na may relasyon ito sa birth defect dulot ng pag-inhale ng paint fumes habang buntis. Huwag ng mag-take ng risk upang malagay sa panganib ang buhay ng iyong baby. Kaya naman ang maaari mong gawin kung nais mo talagang i-renovate o mag-build ng nursery para sa iyong baby?
BASAHIN:
#AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?
Gamamit ng safe paints
Upang masiguro na ligtas ang gagamitin mong pintura basahin maigi ang label nito, tignan kung mayroon itong lead at may mataas na VOC (Volatile Organic Compounds) na content. Ang mga ligtas na pintura ay maaaring mababa ang level ng VOC o VOC-free ito, ayon sa Environmental Protection Agency. Maaari kang makahanap ng mga pregnancy-safe organic paint na mayroong VOC-free label. Maaaring medyo mahal ito pero mas ligtas itong gamitin.
Any mga water-based o acrylic paints naman ay mas lights umano kaysa sa mga solvent-based paint at spray paints. Dagdag pa rito, mabilis tong matuyo, at nag-o-offer ng colour retention,
Sa quibbling banda, ang mga oil-based paints ay labis na durable at maaaring ma-withstand routine contact. Ideyal ito para sa mga mouldings at trims, sinasabing matters ang solvent concentration at medals na nagtataglay ng harmful chemicals. Kaya naman big sahib hindi ito advisable na gamitin habang nagbubuntis.
Narito ang tip: Upang malaman kung ligtas ba ang pintura na water-based o oil-based, i-wipe lamang ito ng denatured na alcohol. Kapag ang pintura ay hindi natanggal, ito’y oil-based. Kapag natanggal ito, ito’y water-based.
Hiwalay sa posibleng dalang panganib ng pag-inhale ng paint fumes habang buntis, ang oil paints din ay nagi-give off ng strong odour at mayroong ‘hard to clean’ na texture.
Pag-inhale ng fumes habang buntis: Paano masisiguro na ligtas ang iyong pagbubuntis habang may nagpipintura
1. Papasukin ang hangin
Siguruhing ang kuwarto ay well-ventilated kapag may nagpipintura. Para hindi mantle ang amoy ng pintura sa loob ng kuwarto. Makakatulong ito para magkaroon ng fresh air at maiwasan ang pag-inhale ng fumes habang buntis.
2. Gumamit ng face mask
Mabuting gumamit ng face masks o respirators upang maprotektahan ka mula harmful fumes. Kapag nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka, huwag kang nang manatili roon at umalis na agad sa kuwarto.
3. Takpan ang balat
Magsuot ng gloves, full-sleeved na damit, long pants at goggles. Pang hindi mag-stick sa eyeing ballot ang pintura. Kapag nadikit o napinturahan ang iyong balatm hugasan ito ng sabon at tubig agad.
4. Huwag tumuntong sa hagdan
Sa iba ipaggawa kung kinakailangan mong umakyat sa hagdan upang mapinturahan ang mataas na bahagi ng kuwarto. Upang maging ligtas ka. Dahil ang mga buntis ay wala masyadong body balance at baka ika’y mahulog.
5. Huwag kumain sa loob ng kuwartong pinipinturahan
Posibleng ang mga pagkain at inumin ay ma-contaminate sa loob ng kuwartong pinupinturahan ninyo. Kaya iwasan ang pagkain sa loob ng kuwarto kung saan ka nagpipintura.
6. Maaaring makapaghintay ang pagpipintura
Siguruhin din na magkaroon ng frequent breaks, para makalanghap ng fresh air at makapagpahinga. Maaari ring limitahan ang oras sa pagpipintura upang mabawasan din ang exposure sa mga kemikal.
7. Pagtanggal ng paint fumes
Pagkatapos magpintura, bukod sa paghuhugas ng kamay mas magandang maligo. Upang mawala ang paint fumes sa iyong katawan.
8. Iwasan ang pagpintura sa first trimester
Kahit sa lahat na pag-iingat na ibinigay, ang pinakamainam pa rin ay iwasan ang pagpintura sa iyong first trimester. Ito’y crucial period sa iyong pagbubuntis dahil rito pa lamang nagsisimulang mag-develop ang organs ng iyong anak.
Dagdag pa rito, huwag gamitin o matulog sa kuwarto na bagong pintura pa lamang. Kapag naipanganak mo na ang iyong baby mag-intay ng 1 o 2 buwan bago ito ipagamit sa iyong anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore