Masama ba ang baby talk? May nakapagsabi na ba sa’yo na “‘Wag mong i-baby talk ang anak mo.”? Kadalasan natin itong naririnig sa mga magulang kung saan payo raw sa kanila ng mga pamilya, kaibigan at health care professional na ‘wag sanayin ito.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Mga pag-aaral para sa infant-directed speech
- Pagbuo ng bod kay baby sa paggamit ng baby talks
- Baby talks sa ibang bansa
Talaan ng Nilalaman
Epekto ng baby talk
Kabilang sa pag-aaral na ito ang mahigit 2,000 na infant sa 67 na laboratories sa 16 na mga bansa. Dahil rito, nakapagbigay sila ng dahilan na sumasalungat sa paniniwala na bawal mag-baby talk.
Para sa mga researcher, hilig na ng mga bata ang mag baby talk o mas kilala sa kanila bilang “infant-directed speech”. Mas gusto ng mga bata na makinig sa infant-directed speech. Kaya naman makabubuti ang pagkausap sa kanila para mapabuti ang kanilang skills sa pagsasalita.
Ano ang infant-directed speech? Isipin mo kung paano sabihin ang “tignan mo ang bola” sa maliit at cute na 6-month-old. Ngayon, isipin mo kung paano sasabihin ang parehong mga salita sa iyong kaibigan o katrabaho.
Mapapansin mo na lumiliit at tumitinis ang iyong boses kapag kinakausap ang isang baby. Ito ay kumpara sa pagkausap sa matatanda. Ang ritmo rin ng boses natin ay may mahabang pause at nagiging “exaggerated” kapag kinakausap ang mga baby.
Ang mga taong kumakausap sa mga bata ay gumagamit ng simpleng salita, nagtatanong ng marami at pagbabago ng tunog ng ibang salitang sinasabi.
Isa sa mga paraan ng pakikipag-usap sa mga sanggol -mas mataas na tono, mas mabagal na pag-bigkas ng mga salita, at exaggerated na pag-pronounce – ay hindi lamang nakakaakit sa kanila, ngunit may benepisyon para kanilang maunawaan ang ating sinasabi.
Mungkahi ng mga researcher
Iminumungkahi ng bagong pananaliksik mula sa University of Florida na ang pakikipag-usap sa sanggol ay maaaring may hindi mo inaakalang benepisyo tulad ng pagtulong sa mga sanggol na matutong gumawa ng kanilang sariling pananalita.
Sa pag-aaral na ito, binago ng mga mananaliksik ang frequency ng mga tunog na gagayahin ang isang sanggol o adult na vocal tract, at pagkatapos ay sinubukan kung paano tumugon ang mga sanggol.
Ang mga 6 hanggang 8 buwan na gulang na sanggol ay nagpakita ng interest at mas pinili ang frequency na katulad ng kanilang boses o mas mataas.
Ang mga apat hanggang anim na buwang gulang na mga sanggol ay walang ganoong kagustuhan o nagpakita ng interest sa low o high frequency vocal tract. Ibig sabihin, ang mga bata na may kakayahan ng bumigkas ng salita ang mas nagugustuhan ang may high frequency na vocal tract.
Ang baby talk ay maaaring isang simpleng bagay lang, ngunit ito ay maraming nagagawa para sa language skills ng iyong baby, ayon kay Linda Polka, Ph.D., ng McGill University at may akda ng pag-aaral ukol sa infant-directed speech.
Pahayag niya,
“We’re trying to engage with the infant to show them something about speech production. We’re priming them to process their own voice.”
Pagbuo ng bond kay baby
Ano nga ba ang epekto ng baby talk sa iyong anak? Isa sa rason nito ay ang pagkuha ng atensyon ng iyong baby gamit ang matinis at malilit na boses mo. Mapapansin ka na agad ni baby!
Mas napapabilis na matutunan ni baby ang isang salita kapag paulit-ulit nila itong naririnig. Dagdag pa rito na ang infant-directed speech at kumokonekta sa emosyon ng mga bata.
Dito nagkakaroon ng magandang bonding ang caregiver at sanggol. Iba pang benepisyo nito ay isang paraan para sa development ng kanilang pagsasalita. Mas madali itong intindihin kaysa sa salitang ginagamit ng mga matatanda.
Matutunan ang tunog ng native language
Sinubukan ng mga mananaliksik na si Huei-Mei Liu at mga kasamahan ang ideyang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng eksperimento sa mga pares ng mag-ina na nagsasalita ng Mandarin ngunit naninirahan sa Taiwan.
Ang mga sanggol (may edad 6 hanggang 12 buwan) ay binigyan ng background sound—isang Mandarin Chinese na salita na paulit-ulit na pinatugtog sa loudspeaker.
Pagkatapos ay lumipat ang mga mananaliksik sa isa pang salita, na naiiba ng isang katinig (tulad ng paglipat mula sa “jet” patungo sa “set”). Nang nakilala ng mga sanggol ang pag-iba ng salita, ibinaling nila ang kanilang mga ulo patungo sa loudspeaker.
Itinala at sinuri din nila ang mga pattern ng infant-directed speech ng ina ng sanggol. At ang resulta, nakitang may malaking ugnayan ang maternal talk sa baby speech perception skills.
Madaling matututuhan ang mga salita
Ang isang eksperimento sa mga sanggol (6.5 hanggang 7.5 na buwang gulang) ay nagmumungkahi na ang pagse-segment ng salita ay mas madali kapag ang mga sanggol ay nakikinig sa infant-directed speech.
Nang subaybayan ng mga mananaliksik ang pag-unlad ng 121 na sanggol, nalaman nila na ang hilig ng isang ina na gumamit ng paulit-ulit na wika sa 7 buwan ay hinulaang ang bokabularyo ng kanyang anak sa 24 na buwan (Newman et al 2015).
Nang subaybayan ng mga mananaliksik ang development ng 121 na sanggol, nalaman nila na isang ina na gumagawa ng infant-directed speech nang paulit-ulit sa 7 buwan ay nakitang may pag-unlad sa bokabularyo ng bata.
Global variations?
Mahilig din bang mag baby talk ang mga sanggol sa ibang bahagi ng mundo? Sa isang pag-aaral, napagalaman na ang mga North American parents ang pinakagumagamit ng baby talk sa anim na iba’t ibang wika.
May ibang lugar na hindi guamgamit ng baby talk ang mga magulang sa pagkausap sa kanilang anak. Isa narito ang isang komunidad sa Bolivia at Mexico.
Hindi nila kinakausap ng baby talk ang kanilang anak ngunit natututunan naman ng mga sanggol ang kanilang wika sa sariling kakayahan.
BASAHIN:
Baby talk, cries, at movement: Isang gabay para maintindihan ang gustong sabihin ni baby
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Ang proyektong ito ay kinakabilangan ng mga researcher mula sa 16 na bansa. Bawat lab ay gumagamit ng parehong method para masukat ang preference ng mga sanggol.
Nadiskubre namin na mas gusto ng mga sanggol ang clips na kinakausap ang anak nila kumpara sa mga babaeng matanda ang kausap.
Isa ring pag-aaral na pinamunuan ni Krista Byers-Heinlein mula sa Concordia University ang nakadiskubre ng parehong resulta. Ang mga sanggol na nakakarinig ng iba’t ibang wika ay mas ninanais pa rin na pakinggan ang baby talk.
Paano natututo magsalita ang baby?
1. Kausapin ang iyong baby
Isa sa mga paraan kung paano natututo magsalita ang baby ay kausapin siya. Ibig bang sabihin nito na kailangang kausapin ng baby talk ang mga sanggol? Ang sagot ay oo! Mas gusto ng mga bata na makarinig ng baby talk base sa maraming komunidad na kabilang sa aming pag-aaral.
Marami pa ang maaaring magawa. Hindi namin magagawang i-test ang bawat baby sa komunidad. Hindi pinepresenta ng dalawang kontinente ang aming pag-aaral: South America at Africa. Kasalukuyan kaming gumagawa ng panibagong proyekto sa tulong ng ibang labs.
Napatunayan ng aming pag-aaral ang iba’t ibang salik na makakaapekto sa mga sanggol kapag kinakausap sila. Sa bawat komunidad, ang mga caregiver ay kinakausap ng iba ang kanilang alaga. Ang bawat bansa ay magkakaiba.
Samantala, nagbanggit naman ang National Literacy Trust ng mga paaraan para matutong magsalita at kung paano kausapin ang baby.
Ito ay ang sumusunod:
- Kausapin ang bata kapag kayo ay naglalaro
- Tingnan at tanungin kung ano ang kanilang nilalaro – mas mabilis silang matututo ng wika sa ganoong paraan.
- Sabayan ng nursery rhymes at nursery songs kung kayo ay naglalaro.
- Hikayatin ang iyong anak na makinig sa iba’t ibang tunog, tulad ng mga kotse at hayop. Makakatulong ito sa mga kasanayan sa pakikinig ng iyong anak.
- Kunin ang atensyon ng iyong anak kapag gusto mong makipag-usap gamit ang eye contact.
- Dagdagan ang bokabularyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagpipilian, halimbawa. “Gusto mo ba ng juice o gatas?”
- Pag-usapan ang mga bagay na kasalukuyang nangyayari. Halimbawa, kapag pareho kayong naglalabas ng mga pinamili.
- Makinig nang mabuti at bigyan ng oras ang iyong anak na matapos ang pagsasalita.
- Laging tumugon sa anumang paraan kapag may sinasabi ang iyong anak.
- Tulungan ang iyong anak na gumamit ng higit pang mga salita sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kanilang sinabi. Halimbawa, kung sinabi nilang “bola” maaari mong sabihin, “Oo, ito ay isang malaking, pulang bola.”
- Kung may nasabi ang iyong anak na mali, sabihin ito pabalik sa tamang paraan, Halimbawa, “Kinagat ito ni Goggy.” “Oo, kinagat ito ng aso, hindi ba?”
- Subukan at magkaroon ng espesyal na oras kasama ang iyong anak araw-araw upang maglaro ng mga laruan at picture book.
- Limitahan ang oras ng TV. Kung manonood, subukang manood ng TV nang sama-sama para mapag-usapan ninyo kung ano ang mangyayari.
Hindi mo kailangang maging eksperto para matulungan ang iyong anak na magkaroon ng mahusay na mga kasanayan sa komunikasyon. Ang pagbibigay ng oras at pagtitiyaga na kausapin at turuan sila ay isang malaking bagay para makatulong sa kaniyang development sa kabuoan.
Walang “mali” na paraan sa pagkausap sa iyong baby. Siguraduhin lang na gawing positibo ang baby talk bilang pagsuporta sa speech development ng iyong anak.
Ngunit kung isasaalang-alang ang mga nabanggit na paraan para matutong magsalita si baby ay mas mainam para sa development hindi lang ng language skills kundi pati na rin ang kaniyang interpersonal at communication skills.
“Why a Little Baby Talk is Good for Your Toddler” by Melanie Soderstrom, University of Manitoba and Michael C. Frank, Stanford University
Melanie Soderstrom, Associate Professor in Psychology, University of Manitoba and Michael C. Frank, David and Lucile Packard Professor of Human Biology, Stanford University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
Additional information by Kyla Zarate
Additional source: