Ayon sa tala ng Department of Health, malapit at delikado sa virus ang mga matatandang may edad na nasa 66 years old. Kasama na din ang mga taong may present na sakit katulad ng cardiovascular disease, diabetes, cancer o chronic lung disease. Kung maaari, ang mga taong tinutukoy ay maging mas maingat at iwasan muna ang matataong lugar. Ngunit ano nga ba ang epekto ng coronavirus sa matanda?
Epekto ng coronavirus sa matanda | Image from tirachardz on Freepik
Paano magiging ligtas si lolo at lola sa coronavirus?
1. Iwasan ang matataong lugar
Ang social distancing at pag iwas sa matataong lugar ay ang mga basic rule na dapat ugaliing gawin para sa ating lahat. Pero syempre para na rin sa mga matatanda.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa bansa at sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, nananatili ang virus na ito sa katawan ng isang tao sa loob ng 2 linggo. Mahirap ring tukuyin kung ang taong nakasalamuha mo ay infected na ba o hindi. Dahil matagal bago magpakita at maramdaman ang mga sintomas ng COVID-19.
It is always better to be safe than sorry. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pag iingat at pagsasagawa ng mga personal safety tips hindi lang sa atin kung hindi para na rin sa ating mga lolo at lola.
2. Bantayan ang kanilang health
Epekto ng coronavirus sa matanda | Image from Freepik
Maiging bantayan ng mabuti ang mga nakakatandang kamag-anak. Sabihin sa kanila na laging i-check ang kanilang temperature dalawang beses sa isang araw. Bukod sa lagnat, ang ibang sintomas ng virus ay ang pag-ubo at hirap sa paghinga. Kung mararanasan ang ganitong sintomas, marapat lang na ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na hospital.
Mahalagang malaman na delikado ang maglakas sa mga emergency room ng hospital. Ito ay paraan para makaiwas sa COVID-19.
3. Ugaliin ang personal hygiene sa mga nakakatanda
Laging maghugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol-based hand rub bago lumapit sa iyong lolo at lola o iba pang nakakatandang kamag-anak. Mas maganda kung agad na maligo kung ikaw ay galing sa labas. Agad ring ibabad sa tubig ang damit mong ginamit.
Siguraduhin na ‘wag uubo o babahing sa open ground. Kahit na ikaw ay hindi infected.
4. Panatilihin ang malinis na bahay
Epekto ng coronavirus sa matanda | Image from tirachardz on Freepik
Tulungan ang iyong mga nakatatandang kamag-anak na maglinis ng bahay. Isang basic safety tip ang paglilinis ng bahay para mapanatili ang mabuting kalusugan ang pag-iwas sa sakit.
‘Wag ring kakalimutang linisin ang mga bagay na laging hinahawakan sa loob ng bahay niyo. Katulad ng doorknob, remote, lamesa, lababo, upuan at telepono.
5. Tulungan sila sa mga essential items
Paalalahanan ang iyong mga nakatatandang kamag-anak na iwasan nila ang pamamsyal muna o pagpunta sa mga wet market. Bakit hindi mo na lang sila tulungan sa pagbili ng mga essential items? Katulad ng grocery, basic necessities, household items o toilet needs? Sabihin sa kanila na ikaw na lang ang gagawa ng mga kailangan nilang gawin sa labas ng bahay. Kung hindi mo naman ito magagawa, pwede kang humingi ng tulong sa trusted family member o kaibigan.
Ang mga senior citizens ay ang pinaka malapit sa virus kumpara sa ating lahat. Kaya mabuti lang na bigyang pansin sila. Base sa report, nasa 15% ng mga nagpositibo sa COVID-19 ang namatay at sila ay nasa edad 80 pataaas.
Hangad namin na ugaliing gawin ang mga personal safety tips. Para makaiwas sa COVID-19 ang ating mga nakakatandang kamag-anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!