Warning: Mag-ingat sa pag-spray ng disinfectant kung saan maaamoy ito ng mga bata

Epekto ng disinfectant sa mga bata, nakakalason at labis na delikado sa kalusugan nila. Narito ang mga dapat mo pang malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang epekto ng disinfectant sa mga bata na hindi dapat balewalain ng mga magulang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit dapat ingatan ang paggamit ng mga disinfectant at cleaning products sa inyong bahay.
  • Epekto ng disinfectant sa mga bata at paggamit ng iba pang cleaning products sa inyong bahay.

Mas maraming bata ang naitalang nalalason ng magsimula ang COVID-19 pandemic

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention o CDC, tumaas ang bilang ng mga kabataang nalalason mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ang dahilan ng kanilang pagkalason? Ang pagkaka-expose sa mga harmful chemicals mula sa mga cleaning products at disinfectant na ginagamit para makaiwas sa kumakalat na virus.

Karamihan umano ng mga nalalason mula sa mga cleaning products at disinfectants ay ang maliliit na bata. Sila ay ang mga batang edad 5 taong gulang pababa.

Nangyayari ang pagkalason, una, dahil sa hindi napapansing napaglaruan, nasubo o nakainom na pala ang bata ng nakakalasong kemikal.

O kaya naman ay sa hindi sinasadya ay nalanghap ng bata ang mga naakakalasong kemikal ng ito ay ma-spray sa loob ng bahay o malapit sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng disinfectant sa mga bata

Hand photo created by rawpixel.com – www.freepik.com

Ayon sa medical toxicologist na si Dr. Kelly Johnson-Arbor, sa kasalukuyan ang mga cleaning products at disinfectants na ginagamit natin sa ngayon ay hazardous o delikado sa mga maliliit na bata.

Sapagkat ang mga ito ay nagtataglay ng mga nakakalasong compounds tulad ng bleach, ammonium compound, alcohol at abrasive agents. Nakakalason ang mga ito kung maiinom at maaari namang magdulot ng skin burns at eye damage kung mai-spray sa balat o mata.

Ang mga aerosol sprays ay nagtataglay rin ng mga toxic chemicals tulad ng xylene at formaldehyde.  Kung mai-expose sa mga kemikal na ito ayon sa pag-aaral ay maaring makaapekto sa kidney, liver at pati na sa pag-iisip ng isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang disinfectants at aerosol sprays ay maaari ring makaapekto sa paghinga kung malalanghap na maaring mauwi sa asthma kung mapapasobra pa.

May ilan sa atin ang mas pinipili ang mga natural cleaning products. Pero dagdag ni Dr. Johnson-Arbor, ang mga ito ay maaaring magdulot ng risk o banta sa kalusugan ng maliliit na bata.

Sapagkat ang mga ito ay nagtataglay ng essential oils na maaring maka-irritate sa balat, mata at makasira ng tiyan kung maiinom ng isang bata.

Ayon naman sa health website na Cleveland Clinic, mahalaga na ang mga disinfectants at cleaning products ay gamitin at itabi ng wasto. Dahil ang kahit na kaunting dose nito na mainom ng isang tao ay sadyang napaka-delikado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng pagkalason

Masasabing ang isang tao o bata ay nalason sa oras na siya ay magpakita ng mga sumusunod na sintomas matapos ma-expose sa mga nabanggit na produkto. Sa oras na makita ang mga sumusunod na sintomas ay mabuting dalhin agad ang pasyente sa ospital.

  • Confusion o pagkalito
  • Nausea o pagkahilo
  • Vomiting pagsusuka
  • Hirap sa paghinga

Ang mga sintomas na ito ay maaring maiba o mas maging malala pa depende sa dami ng nakakalasong kemikal na nainom ng isang tao.

BASAHIN:

#AskDok: 9 dapat gawin kapag nakakain ng nakakalason na inumin o pagkain ang bata

Ito ang effective na disinfectant spray laban sa COVID-19 ayon sa EPA

Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

Hand sanitizer dapat pag-ingatan din sa paggamit

Kids photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ayon naman sa pediatrician na si Dr. Eva Love, hindi lang disinfectant at cleaning products ang dapat ingatan ng mga magulang na hindi maabot ng maliliit na bata.

Dahil kahit ang hand sanitizer na madalas na ginagamit ng marami sa atin ngayon ay may nakakabahalang banta rin sa ating kalusugan. Sapagkat karamihan umano ng mga hand sanitizers ay nagtataglay ng 60% alcohol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas matapang ito sa alcohol concentration na taglay ng mga alak o nakakalasing na inumin. Kung ito ay maiinom o ma-iingest ng bata ay maaaring magdulot ito sa kanila ng alcohol poisoning.

Kaya naman payo ng mga ekspeto, maging maingat sa paggamit ng mga cleaning products, disinfectant at hand sanitizers. Lalo pa’t ang mga ito ay madalas na nakalagay sa mga makukulay na containers na nakakatuwa sa pangingin ng mga malilit na bata.

Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa negatibong epekto ng disinfectant sa kalusugan

Room photo created by jcomp – www.freepik.com 

Para maprotektahan ang iyong anak mula sa negatibong epekto ng disinfectant sa mga bata ay narito ang mga dapat gawin at tandaan.

  • Itabi ang disinfectant at cleaning products sa lugar sa inyong bahay na hindi maabot ng mga bata.
  • Mainam kung itatabi ang mga ito sa mga cabinet o taguan na may lock upang hindi agad mabuksan ng mga bata.
  • Sundin ang tamang paggamit ng disinfectant at cleaning products. Ito ay makikita sa mismong container ng produktong ginagamit. Hindi rin dapat balewalain ang paalala o warning na nakasulat dito.
  • Huwag susubukang paghaluin ang dalawang magkaibang disinfectant product. Ito ay dahil maaring magdulot ito ng mas nakakatakot na epekto.
  • Kung gagamit ng disinfectant o aerosol spray siguraduhing well-ventilated ang lugar o ang inyong bahay. Ito ay para makaikot ang kemikal at hindi ma-stuck na mas magiging paraan para mabilis itong malanghap.
  • Siguraduhin rin na sa paglilinis o sa paggamit ng disinfectant ay malayo ang iyong anak. Dahil ang mga kemikal mula dito ay mas mabilis niyang malalanghap na maaring magdulot ng respiratory irritation sa kaniya.
  • Mainam rin na magsuot ng protection sa paglilinis kung gagamit ng disinfectant. Tulad nalang ng eye protection o gloves para mabawasan ang tiyansa ng injury o damage na mararanasan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

CNN Health, Cleveland Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.