Ito ang epekto kay baby kapag nasa abusive relationship si mommy, ayon sa study

Kung nakakaranas ng domestic violence ay ito ang dapat gawin at mga numerong dapat tawagan na maaring tumulong sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang epekto ng domestic abuse sa baby na maaaring maiwasan mo Mommy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto ng domestic abuse sa baby.
  • Paraan kung paano makakaiwas o makakaalis sa isang abusive na relasyon.

Epekto ng domestic abuse sa baby

People photo created by pvproductions – www.freepik.com 

Hindi lang basta kay mommy may epekto ang domestic abuse na kaniyang nararanasan. Ayon sa isang pag-aaral, ito ay may epekto rin kay baby na exposed din sa nararanasang hirap at sakit ng kaniyang ina.

Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ni Linda Bullock, mula University of Missouri Sinclair School of Nursing at ng mga collaborators mula sa Johns Hopkins University at University of Virginia. Ang ginawang pag-aaral ay nailathala sa journal na Maternal Child Health.

Ayon sa ginawang pag-aaral, ang mga batang na-expose sa domestic violence ay lumalaking mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng health issues.

Tulad na lamang ang hirap sa pagtulog, mahirap pakainin at gastrointestinal distress. Mas stress at masakitin rin sila kumpara sa mga batang hindi nakakaranas ng violence sa loob ng kanilang tahanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sila rin ang mga batang lumalaki na may worse academic outcomes sa school. Dahil ang nakikita nilang domestic violence ay nakakaapekto sa neurodevelopment nila.

Ang mga epekto na ito ayon kay Linda Bullock na nanguna sa ginawang pag-aaral ay mas lumalala pa sa oras na may isang partner o amang kinalakihan ang isang bata.

Ito ay kung ikukumpara sa nagkaroon ng iba’t ibang partner ang ina ng bata o siya ay may nakilalang multiple father figures.

Mas bumababa ang epekto ng domestic abuse kung may multiple father figure ang isang bata

Paliwanag ni Bullock ito ay dahil, una mas tumatagal ang exposure ng bata sa domestic violence habang tumatagal ang relasyon ng kaniyang ina at partner nitong mapang-abuso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi tulad ng magkakaroon ito ng ibang karelasyon na maaaring maging maganda ang pakikitungo sa ina at sa anak niya.

Dagdag pa in Bullock, kung ang partner ng ina ng bata ay mapang-abuso, madalas ay hindi rin nito naibibigay ang physical at financial support na kailangan ng isang bata.

Ang epekto nito ay mag-isang itinataguyod ng ina ang anak niya. Siya ay nawawalan ng oras para maibigay ang atensyon at pag-aalaga na kailangan nito na labis na nakakaapekto sa development milestones ng isang bata.

BASAHIN:

6 epekto kapag parating sinisigawan ng asawa

12 mailap na senyales ng pang-aabuso sa bata

10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa

Ano ang domestic abuse?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Anete Lusina from Pexels 

Ang domestic abuse ay kilala rin sa tawag na domestic violence o intimate partner violence. Tumutukoy ito sa behavior na kung saan ang isa sa magkarelasyon ay gumagamit ng dahas o lakas para makontrol ang kaniyang partner o asawa.

Masasabing biktima ng domestic violence ang isang tao kung siya ay nakakaranas ng sumusunod sa kaniyang partner o asawa.

  • Pamamahiya o ginagawa kang katatawanan sa harap ng iyong pamilya o kaibigan.
  • Dine-degrade o ipinararamdam na walang kuwenta ang accomplishments mo.
  • Pinararamdam sayo na wala kang kakayahang gumawa ng desisyon.
  • Ini-intimidate ka o tinatakot para makuha ang gusto niya.
  • Sinasabi niya sa ‘yo na wala ka o walang kang silbi kung wala siya.
  • Sinasaktan ka tulad ng sipa, sapak at sampal o kahit anong klase ng pisikal na pananakit.
  • Laging chine-check kung nasaan ka at minsan ay bigla nalang susulpot sa lugar na kinaroroonan mo para macheck kung nagsasabi ka ng totoo.
  • Ginagawang excuse ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pag-inom ng alak sa pananakit sayo.
  • Sinisisi ka sa mga negatibong nararamdaman o nararanasan niya.
  • Masyado kang pine-pressure sa mga bagay na ayaw mo o hindi ka handa.
  • Sinasakal ka at ipinararamdam sayo na hindi ka makakaalis sa inyong pagsasama.
  • Pinipigilan ka niyang gawin ang mga bagay na gusto mo. Tulad ng paglabas kasama ng mga kaibigan mo o pakikipagkita sa iyong pamilya.
  • Pinipigilan kang umalis matapos ang pag-aaway o sinasadyang iwan ka sa isang lugar matapos ang inyong pagtatalo para turuan ka ng leksyon.

Ano ang iyong dapat gawin?

Madalas ang mga abuser ay hindi napipigilan ang kanilang ugali kahit sa harap ng ibang tao. Kaya naman, kung pakiramdam mo ikaw ay biktima na ng isang abusado, marapat na malaman mo ang gagawin sa tuwing ginagawa niya ito sa harap ng ibang tao. Ito ay ang sumusunod:

  • Huwag kang umiyak at gumawa ng eksena. Sa halip, manatili kang kalmado, at kung maaari ay umalis na lang at umuwi sa inyong bahay.
  • Sa inyong bahay, manatili pa ring kalmado at huwag patulan ang galit niya.
  • Bigyan siya ng oras na ma-realize na may mali siyang ginawa at kausapin siya sa oras na humingi na siya ng tawad sa ‘yo.
  • Ipakita sa kaniya na ikaw ay mature at marunong makitungo sa immaturity na ipinapakita niya.
  • Mag-set ka rin ng boundaries sa ipinapakita niyang pang-aabuso. Sa oras na ito ay mauwi na sa pisikalan ay agad ka ng umalis ng inyong bahay.
  • Kailangan mong maging malakas para maipaalam sa kaniya ang immaturity niya.
  • Huwag kang iiyak at huwag ipakita sa kaniya ang iyong kahinaan. Kailagan mong iparamdam sa kaniya na hindi mo deserve ang pang-aabuso niyang ginawa. Bilang kaniyang asawa, ikaw ay dapat na ginagalang at nirerespeto rin niya.
  • Tanungin ang iyong sarili kung tama pa bang manatili sa inyong pagsasama kung patuloy ang pang-aabuso na ito.

Saan maaaring tumawag o humingi ng tulong kung nakakaranas ng domestic abuse?

Kung nakakaranas ng domestic violence, ay maaring lumapit at humingi ng tulong sa inyong barangay. Dahil mayroong Barangay Protection Order o BPO na maaaring magprotekta sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by wayhomestudio – www.freepik.com 

Ano ang Barangay protection order?

Ayon sa Section 4 ng A.M. No. 04-10-11-S, ang barangay protection order ay tumutukoy sa protection order na iniisyu ng punong barangay o isang barangay kagawad.

Ito ay isang kasulatan na nag-uutos sa isang abusadong asawa, karelasyon o kapamilya na tumigil sa paggawa ng kahit anong acts of violence laban sa kaniyang pamilya partikular na sa mga babae at mga bata.

Habang ayon naman sa R.A. No. 9262, o mas kilala sa tawag na “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”, ang BPO ay iniisyu upang maproteksyonan ang isang babae at batang biktima mula sa isang mapang-abusong tao.

Sa ilalim ng utos na ito ay maaaring bigyang proteksyon ang biktima mula sa pananakot at pananakit ng taong akusado. Ito man ay physical, verbal, sexual o economical na uri ng pang-aabuso.

Iba pang tungkulin o maaaring maitulong ng barangay sa mga biktima ng karahasan

Samantala, maliban sa pagbibigay ng BPO ay may iba pang maaring gawin ang mga barangay sa biktima ng karahasan. Ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Agarang pagtugon sa hiling na tulong ng mga biktima ng karahasan.
  • Pagkumpiska ng mga deadly weapons na taglay ng akusado.
  • Pag-aresto sa hinihinalang nananakit kahit wala pang warrant of arrest. Basta’t nakita niya itong ginagawa o kaya naman ay may personal siyang kaalaman tungkol dito.
  • Samahan ang biktima ng pang-aabuso sa pagpunta sa bahay na maaaring naroon ang akusado. Kung siya ay may kailangang kuning kagamitan o mahahalagang dokumento.

Mga numerong maaaring tawagan kung biktima ng domestic abuse

Maliban sa inyong barangay ay maari ring makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa mga sumusunod na opisina at numero kung nakakaranas ng domestic violence.

PNP Hotline: 177
Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377
PNP Women and Children Protection Center
24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690
Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

O kaya tumawag sa Inter-Agency Council ng Violence Against Women and Their Children Secretariat sa mga sumusunod na contact details:

iacvawc@pcw.gov.ph
(632) 8733-6611 / 8735-1654 loc.122
0917-867-1907

 

Source:

United Nations, Science Daily, PCW