Bukod sa mga pasa, marami pang maaaring senyales ng pang-aabuso sa bata. Dahil sa takot ng mga bata, maaaring hindi ito mag-kuwento o mag-sumbong sa nararanasan na pang-aabuso.
Ito ang mga maiilap na senyales ng pang-aabuso sa bata na dapat bantayan:
Mga nakatagong pasa
Ang pisikal na pang-aabuso sa bata ay madalas nangyayari sa mga bahagi ng katawan na hindi inaasahan.
Ang mga pasa ay maaaring hugis sinturon, kamay o paso ng sigarilyo. Maaaring nakabihis ang bata nang hindi bagay sa panahon para lamang matago ang mga pasa. Ngunit kailangan muna manigurado at hindi agad isipin na may tinatagong pasa ang bata dahil lamang sa pananamit.
Nagsasagawa ng pang-aabuso sa paglalaro
Kapag wala pang sapat na kaalaman upang iparating ang pang-aabuso sa bata, maaaring gamitin ang paglalaro upang ipaalam, i-proseso at tanggapin ang nakikita o nararanasan.
Maaaring gumamit ng mga kakaibang salita sa paglalaro ng bahay-bahayan na naririnig ng mga pang-aabuso. Maaari rin gumamit ng stuffed toys para ipakita ang ginagawa sa kanila. Ito ang kanilang paraan upang matanggap ang bagay na emosyonal o mahirap para sa kanila.
Pag-ihi sa pagtulog
Kapag ang bata ay inaabuso, maaari itong umatras sa mga nakasanayan nang ugali.
Ang batang potty trained na biglang naiihi sa kama o salawal ay maaaring biktima ng pang-aabuso. Sila ay bumabalik sa panahon na naramdaman nilang ligtas sila. Babala ng mga child psychiatrist na maaaring iba ang rason nito. Maaaring hindi pa talaga sanay ang bata o may ibang prublema itong iniisip tulad ng pagkakaroon ng bagong kapatid.
Pagkakaroon ng sobrang kaalaman sa pagtatalik
Ang isang bata na nakakaranas ng pang-aabuso ay hindi alam na ang naranasan ay hindi normal. Ang isang naabusong bata ay maaaring natuto sa pagtatalik sa maling paraan.
Makikita ito sa pagkakaroon ng kaalaman sa pagtatalik na hindi angkop sa kanilang edad. Maipapakita nila ito sa paglalaro, pagsasalita at pakikipag-ugnayan sa iba.
Hindi angkop na pag-hawak sa iba
Ang mga batang nakakaranas ng pangaabuso ay hindi alam ang kanilang hangganan pagdating sa katawan nila o sa iba. Maaari nilang hawakan ang sarili o ang ibang tao sa paraan na hindi angkop sa pag-iisip na normal ito.
Pag-iwas sa isang tao o sitwasyon
Ang mga batang naabuso ay may hindi sapat na kamalayan sa pagpigil sa pang-aabuso. Hindi rin nila alam kung paano ito hindi mauulit. Maaari nilang iwasan ang nang-aabuso tulad ng pag-iwas sa tao na dati nilang ikinatutuwang kasama. Ito ang paraan ng batang naaabuso upang maging ligtas at iwasan ang nangaabuso.
Minsan, hindi alam ng bata ang gagawin lalo na kung malapit sa magulang ang nangaabuso. May mga panahon din na matapos mag-sumbong ng bata, hindi ito pinaniwalaan ng magulang. Ang tanging paraan na naiiwan sa bata ay ang pag-iwas.
Pag-aatubili makipag-ugnayan
Ang isang bata na dating mahilig sa tao na biglang naging mailap ay maaaring nakaranas ng pisikal o emosyonal na pang-aabuso.
Ang ilang bata na na-abuso ay nagiging pipi o hindi na nagsasalita. Dahil hindi lahat ng bata ay mapagkaibigan, at may likas na mahiyain, ang pagiging mailap ay hindi senyales ng pangaabuso. Masusuri ng isang propesyonal kung ano ang totoong rason ng pagiging mailap ng bata.
Hindi makapag-isip nang mabuti sa paaralan
Hindi lamang attention deficit / hyperactivity disorder (ADHD) ang dahilan ng hirap mag-isip sa paaralan. Ang mga nakararanas ng pang-aabuso sa bata ay maaari rin mahirapan tumutok sa paaralan. Dahil dito sila ay napagiiwanan sa paaralan ng mga kaibigan.
Malaking pagbabago sa pag-uugali
Ang biglang paghina o paglakas sa pagkain ay maaaring senyales ng pang-aabuso sa bata.
Ang mga hindi nahihirapan matulog na biglang nagkaka-insomnia o ayaw matulog mag-isa ay maaaring naabuso. Ayon sa mga psychiatrist, ang mga pagbabago sa pag-kain, pag-tulog, pag-dumi, at pag-uugali ay paraan ng bata upang ayusin ang emosyon na dala ng pang-aabuso.
Mababang kumpiyansa sa sarili
Maaaring sisihin ng batang naaabuso ang kanilang sarili. Iniisip nila na hindi sila nararapat mahalin o tulungan. Ito ay dala ng mga sinasabi ng nang-aabuso upang hindi magsumbong ang bata. Dahil dito, bababa ang kumpiyansa sa sarili ng bata sa pag-iisip na sila ang may kasalanan kaya nangyayari ang mga bagay na ito sa kanila.
Pag-antala ng child development
Ang mga bata na naabuso ay maaaring hindi makamit ang tamang milestone sa tamang panahon. Maaaring mapigilan ng pang-aabuso ang kanilang development. Halimbawa, ang hindi pagbigay ng pagkain sa bata bilang parusa ay maaaring maging dahilan ng malnutrition nito.
Madalas na pag-sama ng pakiramdam
Maaaring makaranas ng pisikal na sintomas ang ilang batang nakakaranas ng pang-aabuso. Ang mga sintomas ay maaaring magresulta ng hirap sa pag-kain, pag-tulog at pag-sama ng pakiramdam. Ang pang-aabuso ay maaaring hindi nangga-galing sa matatanda. Maaaring nakakaranas ang bata ng pambu-bully kaya ito nakakaramdam ng ganitong mga sintomas.
Kada-taon, lagpas 3 milyong mga kaso ng pang-aabuso sa bata ang lumalabas sa United States. Importante na masabi ng mga tao sa paligid ng bata kung ito ay nakakaranas ng pang-aabuso para mailigtas ito.
Source: Reader’s Digest
Basahin: Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!