Epekto ng gadgets sa mata na dapat mong malaman para ito ay maiwasan mo na.
Binatang na-deformed ang eyeball kakalaro ng mobile games
Dahil sa epekto ng gadgets sa mata ay mas lumala ang kondisyon ng isang 15-anyos na batang lalaki sa China na isinilang na may congenital myopia o nearsightedness.
Ang congenital myopia ay isang vision defect na kung saan nakakaranas ng malabo o blurred na paningin ang isang tao kapag ang tinitingnang bagay ay malayo. Sa kaso ng 15-anyos na binata na mayroon nito ay mas lumala ang kaniyang kondisyon dahil sa sobrang pagkaadik sa cellphone.
Ayon sa report, ang binata ay hindi na makabasa ng mga salita kung ito ay lagpas 15cm na ang layo sa kaniyang mukha. Nang suriin ang kaniyang mga mata, nalamang na-deformed na ang eyeball niya. Dagdag pa ng doktor na tumingin sa kaniya, ay umabot narin ang grado ng kanan niyang mata ng 2,400 degrees. Habang ang kaliwang mata niya naman ay 2,300 degrees na ang grado. Napakataas nito lalo pa’t ang grado sa mata na lagpas na 600 degrees ay itinuturing ng high myopia.
Maliban sa myopia at epekto ng gadgets sa mata ay mas lumala ang kaniyang kondisyon dahil sa pagtanggi nito na magsuot ng salamin. Katwiran ng binata ay ayaw niya mapagtawanan at asarin ng mga kaklase niya.
Mabuti nalang sa ngayon ay nakiki-cooperate na ang binata at tumatanggap na ng treatment sa kaniyang mga mata. Dahil kung hindi maari ng ma-detached ang retina ng kaniyang mata na maaring ikabulag niya na.
Epekto ng gadgets sa mata
Ayon sa myopiainstitute.com, ang mga digital devices ay nagpoproduce ng high-energy visible light na tinatawag na blue rays. Ang blue rays na ito ay madaling nakakapasok sa mata lalo na sa mga bata na nagdudulot ng mga eye problems.
Isa sa kondisyon na nagiging epekto ng gadgets sa mata ay ang tinatawag na computer vision syndrome o digital eye strain. Ito ay ang visual discomfort na nararanasan ng iyong anak matapos manood ng TV o gumamit ng gadgets sa loob ng mahabang oras. Ang mga sintomas nito ay pagiging mabigat, dry at mahapdi ng mata na sasabayan ng sakit ng ulo at nausea.
Ang isa pang kondisyon na maaring makuha sa sobrang screen time o paggamit ng gadgets ay ang myopia o pagiging nearsighted. Payo ng mga researchers, makakatulong ang paglalaro sa labas ng mga bata para mapabagal ang progession ng kondisyon na ito kaysa sa pagbabad sa TV o gadgets.
Kaya naman muling paalala ng mga eksperto, limitahan ang paggamit ng iyong anak ng mga gadgets pati na ang panonood ng TV. Ito ay upang mapangalagaan ang kanilang mga mata at mapanitili ang malinaw nilang paningin.
Source: Myopia Institute, AsiaOne
Photo: Freepik
Basahin: Paano nga ba nakakasama sa mga bata ang dalawang oras o higit pang screen time?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!