Pagkakaroon ng mental health problems sa kanilang paglaki, isa sa posibleng epekto ng hindi planadong pagbubuntis sa bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng pagkaka-expose sa bisyo ng ina ng isang sanggol habang ipinagbubuntis.
- Ang maaaring maging epekto sa isang bata kung siya ay hindi pinalanong ipagbuntis ng kaniyang magulang.
Epekto ng hindi planadong pagbubuntis sa bata at pagbibisyo ng buntis
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang mga batang produkto ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas ang tiyansa na makaranas ng psychiatric disorders.
Ganito din ang epekto kung ang kanilang ina ay umiinom ng alak o naninigarilyo at gumagamit ng marijuana habang buntis. Ganoon din kapag ang buntis ay nakaranas ng pregnancy complications tulad ng high blood pressure at gestational diabetes.
Pati na komplikasyon habang naglelabor at nanganganak. At kung ang sanggol ay ipinanganak ng premature o sa pamamagitan ng caesarean delivery.
Ang mga nabanggit ay ang tinatawag na six adverse exposures na hindi healthy sa pagdadalang-tao. Ito ang natuklasan ng pag-aaral na ginawa ng mga researchers mula sa Massachusetts General Hospital. Ang pag-aaral ay nailathala rin sa open-access journal na PLOS ONE.
Dagdag pa ng mga researcher ng ginawang pag-aaral, mas tumataas pa umano ang tiyansa na magkaroon ng psychiatric disorder ang isang bata kung siya ay hindi na nga pinalano ng kaniyang mga magulang at ito ay nakakaranas pa umano ng iba pang sex adverse exposure na nabanggit.
Halimbawa, kung ang isang bata ay hindi bunga ng hindi planadong pagbubuntis siya ay may 7% chance na magkaroon ng mental health problem sa kaniyang paglaki.
Ang tiyansang ito ay maaaring mas tumaas pa ng 26% kung ang ina ng sanggol ay umiinom ng alak o naninigarilyo habang buntis.
Rekumendasyon ng pag-aaral
Ang mga ito ay natuklasan ng mga researcher matapos i-analyze ang Child Behavior Checklist o CBCL ng 9,290 na mga batang edad 9 hanggang 10 mula sa 21 na komunidad sa United States.
Pahayag ng lead author ng pag-aaral na si Joshua L. Roffman, ang kanilang natuklasan ay isang patunay kung gaano kahalaga ang healthy prenatal environment sa mental development ng isang sanggol; at kuung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan nating mga ina para masigurong healthy ang paglaki nila.
“Our findings reinforce the importance of the prenatal environment for brain health and for reducing the risk of psychiatric symptoms in childhood.
This brings increased urgency to the need to discover, develop and implement early life interventions that mitigate some of these risks.”
Ito ang pahayag ni Roffman, associate professor of Psychiatry sa Harvard Medical School (HMS). At director ng ginawang pag-aaral na pinamagatang Mass General Early Brain Development Initiative.
Food photo created by senivpetro – www.freepik.com
BASAHIN:
Mental Health ng buntis: Bakit dapat umiwas sa stress ni Mommy?
Epekto ng paninigarilyo habang buntis – stillbirth at iba pang komplikasyon
Paano maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis?
Para maiwasang makaranas ng epekto ng hindi planadong pagbubuntis sa bata ay mabuting gumamit ng family planning method sa tuwing makikipagtalik. Ang mga family planning method na maaaring pagpilian ay ang mga sumusunod.
Natural family planning method
Ang natural family planning ay uri ng birth control method na kung saan hindi gumagamit ng pills o devices upang maiwasan ang pagbubuntis.
Tinatawag din itong traditional family planning method na walang naidudulot na side effects sa mga gumagamit nito. Wala ring gastos rito. Bagama’t tumataas ang failure rate nito kung hindi tama ang pagsasagawa o paggamit ng mga naturang paraan.
Ang mga uri ng natural family planning method ay ang sumusunod:
- Calendar o Rhythm method
- Withdrawal method
Modern family planning method
Photo by Reproductive Health Supplies Coalition on Unsplash
Condom
Isa sa mga modern family planning method na inirerekumendang gamitin ng mga health expert sa mga magkarelasyon, ang paggamit ng condom.
Ipinapayong isuot ng mga lalaki sa kanilang ari bago magsimula ang penetration. Ginagawa ito upang mapigilan na mag-travel ang sperm papasok sa vagina na babae na maaaring magsimula ng pagbubuntis.
Pills
Isa pang modern family planning method na ginagamit ng maraming babae sa ngayon ay ang oral contraceptive pills. Ito ay 99% effective kung tama ang paggamit at pare-parehong oras ang pag-inom.
Isa ito sa pinakamabisang paraan ng family planning at ang ginagamit ng karamihang kababaihan. May dalawang uri birth control pills. Una, ang progestin only pill at ang pangalawa ay ang combined oral contraceptive pill.
Implant
Isa pa sa modern family planning method na maaring gamitin ay ang implant. Ito’y isang maliit na tube na nilalagay sa braso ng isang babae.
Nagre-release ito ng etonogestrel isang uri ng progesterone na nakakatulong para makaiwas sa pagbubuntis. Ang isang implant ay maaaring tumagal ang effectivity ng hanggang tatlong-taon na maaaring magdugo kung hindi maiingatan.
Sa oras naman umano na lumagpas sa tatlong taon at hindi naalis ang implant ay maaaring magkaroon ito ng tissue na magpapakapal rito na maaaring maging dahilan upang ito’y mahirap ng matanggal.
IUD o Intra-uterine device
Samantala ang isa sa uri ng birth control na may 99% at pinakamatagal na effectivity sa isang babae, ang IUD. Isa itong maliit na T-shaped metal na nilalagay sa uterus ng isang babae.
Nilalagay ito upang hindi makapasok ang sperm sa loob ng vagina ng babae at maabot ang mga egg cells. Iniiwasan din nito na makabuo ang uterus ng lining na pagdidikitan ng isang fertilized egg.
Injectable
Isa pang uri ng birth control method na ginagamit sa Pilipinas, ang injectable o Depo-Provera. Ang injectable ay nagtataglay ng progestin na itinuturok sa braso ng isang babae isang beses kada tatlong buwan.
Ipinapayo ring itong gamitin ng mga babaeng may hypertension. Sapagkat tulad ng progestin only pill ay hindi ito nakakaapekto sa kaniyang blood pressure.
Source:
WHO, Science Daily, theAsianparent