5 steps para ma-check kung may sira ang bahay mula sa lindol

lead image

Mahalagang suriin ang bahay kung may sira ba ito matapos ang lindol para na rin masigurong ligtas kayo ng inyong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan, niyanig ng 7.7 magnitude na lindol ang Myanmar—isang paalala kung gaano kapeligro ang mga ganitong sakuna, lalo na’t nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas. Dahil dito, mahalagang alam natin kung paano i-check kung may pinsala ba ang ating bahay matapos ang malakas na lindol. Narito ang 5 simpleng hakbang para matukoy ito

Paano tingnan kung may epekto ang lindol sa pagkasira ng bahay?

‘Pacific Ring of Fire’ ang tawag sa kung saan geographically nakapwesto ang bansang Pilipinas sa mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit prone tayo sa iba’t ibang natural disasters gaya ng typhoons, volcanic eruptions, landslides, at earthquakes. Ang bansa kasi ay nasa boundary ng mga major na tectonic plates at nasa sentro rin ng typhoon belt.

Kaya nga rin sa isang taon, nakakailang beses na nakararanas ng paglindol sa Pilipinas. Mayroong mahihina na halos hindi mararamdaman ng tao ngunit mayroon ding malalakas na maaaring magkaroon ng malalaking pinsala. Sa mga ganitong pagkakataon kinakailangan magdoble ingat during at after the earthquake.

Anong kailangang gawin kapag may lindol?

Para matiyak ang safety, narito ang ilang pagpapaalala kung ano ang dapat na ginagawa sa oras na nakararanas ng pagyanig o lindol. Katulad ng madalas na ginagawa sa earthquake drill sa workplace o school, dapat lagi talagang tandaan ang ‘Drop. Cover. And Hold.’

Drop – Manatili kung saan nagaganap ang lindol. Yumuko at magtago sa mga heavy at solid furniture tulad ng kama, lamesa, at iba pang matitibay na bagay.

Cover – Protektahan ang ulo at torso gamit ang matitigas na bagay na hindi kaagad nasisira. Ito ay upang hindi matamaan ng mga nahuhulog na debris.

Hold – Humawak sa bagay kung saan ka nagtatago upang mapanatiling covered ang iyong katawan.

Dapat gawin pagkatapos ng lindol

What to do after an earthquake | Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa ang lindol sa mga disaster na mayroon pa ring dalang peligro kahit tapos na. Tinatawag itong ‘aftershock’ o iyong mas maliliit na pagyanig matapos ang malakas na magnitude ng lindol. Mahalagang unang i-check pagtapos ng lindol ay ang mga damage sa inyong bahay na maaaring pagmulan ng aksidente. Paano nga ba tinitignan ang epekto ng lindol sa kabahayan?

  • Tingnan ang labas ng bahay kung mayroong parte na posibleng gumuho.

Tiyaking natingnang mabuti ang labas ng bahay. Obserbahan kung mayroon bang parte na maaaring mag-collapse o mag-crash. Siguraduhing hindi sira ang dulo ng mga dingding maging ang mga bottom corners.

  • Obserbahan ang sahig at lupa malapit sa bahay.

Tingnan din ang sahig at lupa sa inyong bahay kung nagkaroon ba ng shift o bitak. I-double check din ang mga fence line at iba pang linya na maaaring naapektuhan ng pagyanig.

  • I-check ang main structure.

Suriin kung ang bubong at floor ba ng bahay ay nakahiwalay na sa mismong support at main structure nito. Kung nararamdaman mong magalaw ang lapag ng bahay sa tuwing ikaw ay naglalakad, maaaring may damage ito sa ilalim. Tingnan din kung ang exit ba ng bahay niyo ay hindi pa natatabunan ng kahit anong harang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

  • Tingnan kung may mga bitak sa pader.

Isa sa maaaring gawing epekto ng lindol ang pagkakaroon ng maraming crack sa dingding ng bahay. Siguraduhing walang ‘X’ mark o sira sa inyong wall dahil maaaring pagmulan ito ng fallen debris.

  • I-double check kung may pinsala pa sa ibang parte ng bahay tulad ng fuel tank at daluyan ng tubig.

Kasama sa kailangan ding tignan ang sewage, water line, roof leaks, at fuel tanks. Ito ay upang maging sigurado na hindi naman ito pagmumulan ng iba pang aksidente. Tiyaking maayos pa ulit ang mga wiring upang makaiwas naman sa sunog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapaminsala ang lindol, labis na delikado ito para sa buhay ng tao. Kung minsan pa marami ang ibinubunga pa nitong disaster. Maaaring magkaroon ng sunog dahil sa pagbubuhol-buhol o pagkasira ng mga kable ng kuryente. Maaari ring magbaha dahil sa paggalaw ng iba’t ibang anyong tubig. Nagdudulot din ito ng volcanic eruption.

Kaya nga mahalagang handa ang mga tao before, during, at after ng paglindol. Bagaman wala pang nakakaalam kung paano at kailan nagaganap ang lindol, isang susi upang maging ligtas ay ang pagiging maingat.

Larawan mula sa Facebook account ng Armed Forces of the Philippines

Laging maging handa

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinaka-aktibong fault lines sa buong mundo, kabilang na rito ang West Valley Fault na dumadaan sa maraming bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya. Ayon sa mga eksperto, may posibilidad na ito ay magdulot ng isang malakas na lindol anumang oras—kaya naman hindi sapat ang pagiging kampante.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi natin alam kung kailan tatama ang susunod na lindol, pero ang pagiging handa bago, habang, at pagkatapos ng sakuna ay makatutulong para maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng pamilya. Sa pamamagitan ng maagang inspeksyon ng bahay at pagsunod sa tamang gabay, mas mababawasan ang panganib sa oras ng emergency.

Huwag hayaang abutan ng peligro nang hindi handa. Simulan na ang 5 simpleng hakbang sa pag-check ng inyong tahanan pagkatapos ng lindol—dahil sa kaligtasan, bawat detalye ay mahalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva