Kilala ang epekto ng musika sa kabataan bilang tulong sa kanilang mabilis na development. Sa paglipas ng panahon, patuloy ang pag-aaral ng mga eksperto kung ano ang iba pang advantage ng pakikinig ng music sa mga bata.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral sa koneksyon ng musika sa magandang development ng mga bata
- Epekto ng musika sa kabataan
Sa isang bagong pag-aaral, napagalaman na nakakatulong ng todo ang music training sa pagpapabuti ng attention, focus at memorya ng mga bata.
Ang pag-aaral na ito ay inilimbag noong October 8, 2020, na sinasabing ang mga batang may pagsasanay sa musika ay mayroong mas magandang memorya at concentration kumpara sa ibang batang hindi dumaan sa pagsasanay na ito.
Epekto ng musika sa kabataan: Pagkukumpara sa mga batang musically trained
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 40 bata na nasa edad 10 to 13 years old, sa pamumuno ni Dr Leonie Kausel at kaniyang team. Kalahati sa mga batang ito ay experience sa iba’t-ibang instrumento katulad ng flute, violin, saxophone at iba pa sa loob ng mahigit dalawang taon. Sa loob ng isang linggo, nagsasanay sila ng dalawang oras at palaging nag pe-perform sa orchestra o ensemble
Habang ang natitirang kalahati nito ay walang ibang pagsasanay sa musika maliban sa music classes na kabilang sa curriculum ng kanilang paaralan.
Bilang pagkukumpara sa dalawang grupo, inilagay sila sa isang auditory at visual stimuli test. Ito ay kung saan ipaparinig sa kanila ang isang maiksing melody na tumatagal ng apat na segundo. Ang mga bata ay kinakailangang mag-focus sa visual lamang, auditory o sa magkaparehas sa parehong pagkakataon.
Pagkatapos nito ay binigyan sila ng memory task para malaman ng mga researcher kung saan mas nakita ang kanilang attention. Kinuha rin ang kanilang responses at reaction time.
“Recent brain imaging studies have shown that musically trained children have higher activation of the bilateral supplementary motor area.”
Walang pagkakaiba sa reaction ang dalawang grupo. Ngunit pagdating sa memory task, mas nakitaan ng positibong resulta ang mga batang may sapat na pagsasanay sa musika.
BASAHIN:
11 Cocomelon educational music videos na puwedeng panoorin ni baby
Music para sa baby: Mga epekto at kahalagahan na dapat malaman ng mga magulang
3 Surprising reasons listening to pop music benefits your child!
Ayon sa mga researcher,
“This result shows that even though participants were instructed to pay attention only to the visual stimuli in this condition. Musically trained children were still able to encode and remember the auditory stimuli. That were presented during the encoding phase far better than control children.”
Positibong epekto ng musika sa kabataan na may sapat na pagsasanay
Nakita na mayroong mas positibong resulta ang mga batang dumaan sa musical training pagdating sa visual at auditory memory retrieval. Ito ay dahil sa regular nilang pagbabas ng music at pag-perform sa orchestra. Ang training na ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng kanilang memorya sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat performance habang nasa ensemble.
Bilang resulta at para sa mga researcher, nakakatulong sa pag-boost ng cognitive skills pati na rin sa kanilang memorya ang pagtugtog ng instrumento ng mga bata. Nabibigyang importansya nito ang kanilang auditory at visual stimuli.
“These studies suggest that it is plausible that musical training could influence the neural networks that underlie better performance of executive functions in musically trained children.”
Nais ng mga author ng nasabing pag-aaral na makakatulong ang ginawa nilang research para mapabuti ng mga bata ang kanilang problema sa concentration. Ito ay sa pamamagitan ng pagpasok sa mundo ng musika at pagsasanay tumugtog ng mga instrumento.
Translated with permission from theAsianparent Singapore