X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata

4 min read
4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata

Alamin ang mga epekto ng pagsigaw sa bata pati ang sinasabi ng eksperto na si Jeffrey Bernstein Ph.D. kung paano ito pipigilan.

Maraming mga magulang ang maaaring isipin na kailangan nilang sigawan ang kanilang anak para sumunod. Ito ay madalas nangyayari kapag ang bata ay hindi sumusunod at sumosobra ang kulit.

Ganonpaman, marami ang napatunayang nakakasamang epekto ng pagsigaw sa bata. Dahil dito, hinihikayat ni Jeffrey Bernstein Ph.D., ang sumulat ng librong ‘Liking the Child You Love’, ang pag-iwas na sigawan ang bata.

epekto-ng-pagsigaw-sa-bata

4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata | Image from Freepik

Epekto ng pagsigaw sa bata

Isa ka ba sa mga magulang na mabilis madala ng emosyon at kadalasan, ay nappasigaw kapag hindi sumusunod ang bata? Ang pagsigaw ay isang natural na reaksyon lamang. Subalit, kung ang pagsigaw mo ay napapadalas, maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa iyong mga anak.

Aminin man o hindi, hindi mabisang paraan ang pagsigaw para maiparating ang mensahe sa mga bata. Kabaligtaran ito sa nais makuha kung bakit sumigaw.

Ngunit, dahil napapababa ng pagsigaw ang receptivity ng bata, lalo silang hindi makikinig at hihirap ang pagdidisiplina sa kanila. Napag-alaman nga ng mga pag-aaral na lalong nagiging agresibo ang mga batang sinisigawan.

Dahil din ang pagsigaw ay dahil sa galit, natatakot nito ang mga bata. Dahil dito, bumababa ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Maaaring bumaba ang kanyang self-esteem at maaaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa kanyang interpersonal skills.

epekto-ng-pagsigaw-sa-bata

4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata | Image from Unsplash

Dagdag pa nito ang mga masasakit na salitang maaaring magamit sa pagsigaw, maaari na itong kilalanin bilang emotional abuse. Napag-alaman din na bukod sa mababang kumpiyansa sa sarili at pagiging agresibo ay nagiging sanhi ito ng anxiety.

Kung ang iyong pag sigaw ay isang paraan mo para humingi ng respeto, unawain na maaaring iba ang resultang iyong makuha. Sa iyong pagsigaw, mali ang nabibigay mong pag-intindi sa bata pagdating sa healthy boundaries at respeto sa sarili.

Paraan para mapigilan ang pagsigaw

Mayroon ka bang kakilalang magulang na hindi mapigilan ang pagsigaw sa kanyang mga anak? O di kaya naman ay ikaw mismo ang nahihirapan sa pagpigil sa iyong emosyon kaya madalas mong nasisisgawan ang iyong sariling anak.

Kung nais na matigil ang pagsigaw sa bata, maaaring gamitin ang apat na paraan na itinuturo ni Bernstein:

Ang pinaka-epektibong pagdidisiplina ay ang pagpapakita ng disiplina sa sarili

Sabi nga nila, maging mabuting halimbawa sa mga anak. Mula dito, masasabing makakabuti na ipakita sa bata na ikaw ay may disiplina sa iyong emosyon at ugali.

Kapag mapansin ng bata na ikaw ay may disiplina sa iyong mga emosyon, gagayahin niya ito. Bago magbitaw ng kahit ano mang salita, unawain muna ang sitwasyon. Pagkatapos ay tsaka kayo magkaroon ng masinsinang usapan kung ano nga ba ang dapat na gawin.

Huwag sayangin ang lakas sa walang kwentang pagtatalo

Ang hindi pagsunod ng iyong anak ay hindi nila ginagawa bilang paglaban sa iyong awtoridad sa kanila. Tignan ang mga ito bilang pagkakataon para maturuan sila at lalong mapalapit sa kanila. Mas mabuti kung mapapaintindi mo sa kanila sa pamamagitan ng maayos na pag-eexplain upang makita nila kung saan ka nanggagaling.

epekto-ng-pagsigaw-sa-bata

4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata | Image from Freepik

Ang nais mo ay hindi ang madali silang mapasunod kundi ang magkaroon ng constructive na pag-uusap para masolusyonan ang mga problema.

Intindihin ang iyong anak

Dahil mas nakakatanda, makakabuting intindihin ang nararamdaman ng iyong anak. Bawasan ang pagsesermon sa iyong anak at kilalanin ang kanyang mga nararamdaman. Pakinggan kung ano ang kanyang mga hinaing at mula dito, mas makikinig ang iyong anak.

Makiramay at ituro kung ano ang kanyang nararamdaman

Kapag alam ng bata ang mga salita para ipahiwatig ang kanyang nararamdaman, maspipiliin niyang pag-usapan ito imbes na magwala. Dahil dito, makakabuti na kilalanin ang nararamdaman ng bata at ituro sa kanya ang mga salita para ipaliwanag ito. Ipa-alam sa kanya na siya ay galit, naiinis, frustrated, o kung ano pa. Iwasan ang basta lamang siyang sabihan na huwag mainis. Sabihin muna na “Alam kong naiinis ka…”

 

Maaaring hindi agad sumunod ang iyong anak sa hindi mo pagsigaw ngunit masmabuti ang mga magiging epekto nito sa pagtagal. Ang maskaunting pagsigaw sa bata ay magdudulot ng masmabilis na pagsunod nila.

 

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Sources:

Psychology Today, Healthline

Basahin din: 

Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 4 na paraan upang mapigilan ang sarili na sigawan ang bata
Share:
  • STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak

    STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak

  • Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

    Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak

    STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak

  • Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

    Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.