Ano nga ba ang epekto ng pamamalo sa anak?
Habang lumalaki ang ating mga anak, nagkakaroon sila ng curiosity na alamin at ma-discover ang mga bagay sa kanilang paligid.
Nagiging playful sila lalo na sa edad na 18 months hanggang 3 years old. Kaya naman, mas nagiging makulit at malikot ang ating mga anak.
Kasabay din ng exploration na ito ay ang pagtuklas at relasyon sa mga tao sa kanilang paligid. Ayon kay Erik Erikson, isang Pyschologist, ang edad na ito o stage of autonomy vs shame and doubt. Nate-train natin ang ating anak na maging in control sa mga bagay. Mula sa kanyang pisikal na pangangatawan hanggang sa mga panimulang choices na ating ibinibigay.
Dito nabubuo ang sense of autonomy ng ating mga anak, maging ang consequences ng kanilang maling pinili at ginawa. Sa usapin ng kamalian, hindi nawawala sa kulturang ang corporal punishment o pagpalo sa anak.
Ang tanong, ano kaya ang epekto ng pamamalo sa anak sa kanilang paglaki? Iyan ang ating aalamin.
Corporal punishment at pagdidisiplina
Sa isang artikulong isinulat ng Psychology Today, idiniin nito ang mga isyu hinggil sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa anak. May mga TV shows at magazines tungkol sa parenting na madalas na isinasantabi.
Pero, ang mga media na ito ay maaari rin namang makatulong para sa mga well-intentioned parents na gusto lang mapalaki nang maayos at tama ang kanilang mga anak.
Matagal na ring epekto sa alinmang kultura sa mundo ang threat at abuse na pisikal sa mga anak kapag nagdidisiplina, o ang tinatawag na corporal punishment.
May mga resulta ito na hindi lang maaaring makaapekto ng lubos sa pisikal na kalusugan ng anak, kundi, maging sa mental health nila.
Kaakibat naman nito, nagkaroon ng development simula 1900s sa pag-alam ng mga karanasan, nararamdaman at naiisip ng mga bata kapag sila ay dinidisiplina na may pisikal na pamamalo. Mas napalitaw ng mga pag-aaral nina Freud, Piaget, Fraiberg, at iba pa, ang mga naidudulot ng behavioral training at pagdidisiplina sa mga anak.
Imahe mula sa | pexels.com
Epekto ng pamamalo sa anak
Ang pamamalo ng anak ay isa sa mga malaking problemang kinakaharap ng US hinggil sa public health. Mas hindi ito natutuunan at mas lumalala ang problemang ito.
Ang mga epekto ng pamamalo sa anak, na posibleng umabot hanggang sa kanilang paglaki, ay ang mga sumusunod:
- pagiging delinquent
- pagkakaroon ng antisocial na ugali
- naipapasang aggression sa kanilang magiging anak
- mas mababang quality ng relasyon ng magulang sa anak
- trauma
Imahe mula sa | pexels.com
Dagdag pa rito, may kasalukuyang consensus na ang pamamalo sa mga bata ay paglabag din sa international human rights law. Isa pa, ayon na rin sa American Academy of Pediatrics, may limitadong effectiveness ng pagdidisiplina ang pamamalo at mas lalo lamang itong magdudulot ng masamang epekto sa mga anak.
Tandaan
Walang masama sa pagdidisiplina sa ating mga anak. At may mga alternatibong bagay para i-train sila sa tamang pagdedesisyon upang hindi magresulta sa mga consequences na pwedeng mangyari. Dito, mas maiiwasan ang anomang punishment ng ating anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!