Isang negatibong epekto ng pamamalo sa bata ay ang pagiging bayolente nito habang siya ay lumalaki. Paano nga ba ito mapipigilan?
Teenager, huli sa video na sinampal-sampal ang sariling ina
Viral ngayon ang isang Singaporean teenager na kuhang-kuha sa video na sinasampal ang sarili nitong ina. Ayon sa eskuwelahan nito, ang binatilyo ay humihingi na ng tawad sa kaniyang ginawa.
Umabot ng halos 2,900 shares ang isang surveillance footage ng bayolenteng pananakit ng isang binatilyo. Ang clip na ito ay isang repost mula sa TikTok na may user na @rainbowcontent. Hindi pa tukoy kung siya ba ang may-ari ng video na ito o nakuha lang sa iba.
Sa loob ng three-minute video na ito makikita ang isang binatilyo kung saan hinahampas at sinasampal ang isang babae pagkatapos humingi ng pera ng lalaki ngunit hindi binigyan ng babae.
Paulit-ulit na pagsampal at pagmumura ang inabot ng babae sa video habang siya ay nakaupo sa sahig at inaayos ang mga white storage containers.
Maririnig sa babae na sinasabing, “I’m doing things for you, you must still appreciate.” Ngunit patuloy pa rin ang paghampas ng binatilyo at binalaang ‘wag nang magsalita pa.
“I tell you how many times already,” ito ang dagdag ng lalaki habang dinuduro sa mukha ang babae.
Naputol naman ang video pagkatapos sabihin ng babae na,
“Then how you treat Mummy?”
Mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong klase ng video sa TikTok kaya naman agad itong binura. Ngunit mabilis itong in-upload sa ibang social media platforms at agad nakatawag ng pansin ng mga netizen.
Marami ang naalarma sa inasal ng lalaki sa kaniyang ina. Humingi rin sila ng aksyon sa mga awtoridad para sa nasabing video.
Dahil sa suot nitong damit, marami ang nakatuklas kung saan siya nag-aaral at dito na nila sinumulang tawagin ang school ng bayolenteng lalaki sa video.
Walang ibinigay na pahayag ang naturang school sa mga katanungan ng AsiaOne. Ngunit ibinahagi ng isang commenter ang email na ang secondary school na pinapasukan ng binatilyo na nakarating na sa kanila ang insidente at ginagawan na ito ng aksyon.
“We are in touch with the boy and his parents,” ito ang ibinigay na salaysay ng principal ng eskuwelahan.
“The boy is sorry for what he had done and the school is working with him, his parents and the police to resolve their family issues.”
Ano ang gagawin kung sakaling hampasin ka ng iyong anak?
Normal sa isang bata ang mamalo lalo na kapag hindi nasusunod ang kanilang gusto dahil pinagbabawalan mo sila sa isang bagay. Karaniwang itong nakikita sa mga bata subalit ito rin ang dapat na baguhin agad hangga’t maaga pa. Kung sakaling ganito ang aksyon ng iyong anak kapag pinagbawalan mong maglaro sa labas o pakainin ng matatamis na pagkain, ‘wag hayaang masanay sila na paluin o hampasin ang taong kaharap nila.
Isa itong pag-uugali na kailangan ay hindi sanayin sa mga bata.
Para sa mga magulang na hinahampas ng kanilang anak, iba ang impact nito sa kanila. Hiya at lungkot at nangunguna sa kanilang damdamin. Iniisip ng mga magulang na ito ay isang senyales na sila ay bigong isang ‘mabuting magulang’ para sa kanilang anak.
Ano ang permanenteng epekto ng pamamalo sa bata?
Ngunit ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling pinagbuhatan ka ng kamay ng iyong anak?
Ipakita na ikaw ang dapat niyang sundin
Bilang isang magulang, nasa atin nagmumula ang gabay at strategy kung paano natin palakihin ang ating mga anak. Iba-iba ang paraan ng pagpapalaki ng bawat nanay o tatay ngunit isa sa sekreto upang sundin ng mga anak ay ang ipakita na ikaw ay makapangyarihan sa pamamagitan ng pagiging consistent sa iyong pagpapalaki.
Gumawa ng household rules
Isa ring bahagi ng tamang pagdidisiplina sa anak ay ang paggawa ng household rules na nagpapakita ng respeto sa bawat miyembro ng pamilya. Ang paninigaw, pamamalo, paninipa o iba pang uri ng pananakit ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng bahay.
Ayon sa pag-aaral, ang mga batang na pinapalo ay lumalaki ring bayolente at mataaas ang tiyansa na gumamit din ng bigat ng kamay sa pagdidisiplina kapag siya ay lumaki.
May consequence sa lahat ng bagay
Kapag nakagawa ka na ng house rules, kasunod nito ang pagbibigay rin ng consequence kung sakaling lumabag sila rito. Una, kung ang anak mo ay patuloy pa ring namamalo, maaari mong kunin ang isang bagay na importante sa kaniya katulad ng laruan o electronics. Kilala ito bilang epektibong strategy ng pagdidisiplina sa hindi sumusunod na bata. Pangalawa, bigyan siya ng gawaing bahay bilang parusa sa hindi pagsunod sa ibinigay mong house rules.
Pagkatapos ng parusang ito, ‘wag kakalimutan na bigyan siya ng payo o paalala kung bakit mo siya pinarusahan at kung bakit mali ang pananakit sa kapwa.
This article was first published on AsiaOne and translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod
Iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa bawat edad ng bata
Madalas mo bang bigyan ng reward ang anak mo? Baka maging spoiled siya!