Mayroong malaking pagbabago sa katawan at buhay ng babae ang pagbubuntis. Kaya naman kailangang parating isaalang-alang ang kalusugan hindi lamang ng ina kung hindi maging ng sanggol sa sinapupunan nito.
Isa ang paninigarilyo sa mga bad habits para sa inang nagdadalang-tao. Alam nating lahat na ang paninigarilyo ay isang mapanganib na bagay.
Ganunpaman, may mga kababaihang patuloy pa rin ang paninigarilyo kahit na sila ay buntis. Delikado ito dahil ayun sa mga study malaki ang epekto ng paninigarilyo kapag ang sanggol ay nasa sinapupunan ng kanyang ina.
Mga nilalaman ng artikulong ito:
- STUDY: Epekto ng paninigarilyo sa iyong kalusugan at sa iyong anak kapag buntis
- Epekto ng paninigarilyo sa isang buntis
- 5 tips upang matigil sa bisyo ng paninigarilyo
STUDY: Epekto ng paninigarilyo sa iyong kalusugan at sa iyong anak kapag buntis
Napag-alaman ng mga eksperto sa University of Southampthon ang kaugnayan ng paninigarilyo sa simula ng pagbubuntis. Nakita rin nila na maaari rin itong magresulta sa mas maliit na sanggol at maaaring magkaroon din ng epekto sa mga sunod pang ipapanganak.
Ang isang sigarilyo ay may mga carbon monoxide at nicotine. Ang mga kemikal na ito ay napatunayang hindi maganda ang dulot sa katawan.
Sa isang pag-aaral nila taong 2003 hanggang 2008 sa humigit kumulang 17,000 ina, napag-alaman nilang,
“Women who smoke between pregnancies can reduce the risk of having a SGA baby by stopping smoking before the start of the next pregnancy. The period between pregnancy is when most mothers have close contact with health and care professionals and may require support to stop smoking.”
Ito ay ayon kay Elizabeth Taylor, isang postgraduate research assistant sa University of Southampton.
Ang pagtigil ng paninigarilyo habang buntis ay isa sa mga mungkahi ni Taylor upang ang bata ay hindi maging isang SGA baby. Ang SGA baby o tinatawag na small for gestational age ay kung saan ang isang sanggol ay maliit kumpara sa inaasahang laki o bigat base sa kanilang edad.
Ayon din ulit sa mga eksperto, ang mga kababaihan na hindi naninigarilyo sa kanilang pagbubuntis ay wala nang risk sa pagkakaroon ng SGA baby kahit na sila ay naninigarilyo sa pagitan ng kanyang pagbubuntis. Kung ang isang buntis ay naninigarilyo nang mahigit sampung piraso ng sigarilyo, sila ay mayroong mataas na tyansa na magkaroon ng SGA baby.
Ang paalala ng mga health experts, masama ang epekto ng paninigarilyo sa buntis at sa kanyang baby na dinadala. Ayon pa sa bagong pag aaral, kahit na sa simula ng pagbubuntis lamang ang paninigarilyo ng isang buntis, maaaring magkaroon pa rin ng impact ito sa kalusugan ni baby.
Ayon pa kay Dr. Nisreen Alwan na isang Associate Professor ng isang Public at the university of Southampton,
“It is important to encourage women to quit smoking before pregnancy and do not resume smoking after the baby is born. Resources that support mothers to quit and maintain smoking cessation are needed.”
Ang mga kemikal na ito ay malaking panganib sa kalusugan ng isang bata. Sa pag-araal na ito, lahat ng mga eksperto ay mayroong kapareho ng opinyon na kailangan isuko ang paninigarilyo habang buntis upang ang bata ay hindi maapektuhan ng kanyang paninigarilyo.
Pinanawagan din nila na sana ang mga pag-aaral na ito ay makahikayat pa sa ibang health care professionals. Layunin nilang manghikayat ng kababaihan na huminto sa bisyo ng paninigarilyo. Ito ay para na rin sa kalusugan ng ina at ng kanyang magiging anak.
BASAHIN:
STUDY: Exposure sa usok ng sigarilyo ng buntis, dahilan ng cancer at developmental disorders sa baby
Amoy ng sigarilyo sa kamay, masama para sa kalusugan ng bata
Naninigarilyo bago mabuntis? 5 tips para matulungan kang huminto sa pag-smoke
Epekto ng paninigarilyo sa isang buntis
Ang mga sumusunod ay ang mga maaaring maging epekto ng paninigarilyo sa isang buntis:
- Ang pagsilang ng isang sanggol na may malubhang problema sa kalusugan
- Pagkakaroon ng abnormalidad
- Ang pagtaas ng posibilidad ng maaga ang pagwawakas ng pagbubuntis
- Banta sa buhay ng ina at ng kanyang anak
Bilang karagdagang impormasyon, ayon sa mga resulta ng kanilang pag-aaral naging malinaw ang mga carcinogens na papasok sa katawan ng buntis ang usok ng paninigarilyo ay may negatibong epekto sa kalusugan ng reproduktibo ng hindi pa isinilang na bata.
5 tips upang matigil sa bisyo ng paninigarilyo
1. Be motivated.
Bakit? Para saan? Para kanino? Ito dapat ang una mong katanungan kung nais mong huminto sa paninigarilyo. Bakit kailangang ihinto ito ano ang magandang rason na makapapagtulak sa’yo upang ituloy? Para saan at kanino ang gagawin mong ito, anong halaga nila sa buhay mo?
Kung ikaw ay buntis, maaaring ikonsidera ang sanggol na iyong dinadala. Maaaring nais mong maging healthy at malaking baby ang iyong magiging anak kaya naman ihihinto mo na ang magbisyo.
Pwede rin namang ikonsidera na para sa iyong sariling kalusugan mismo. Maaari kang magkaroon ng lung cancer, tuberculosis at iba pang sakit sa paninigarilyo kaya naman maituturing na hindi talaga good for your health ang pag-iismoke.
In short, kailangan mo ng motibasyon at inspirasyon.
2. Maging handa.
Hindi ganoon kadali ang paghinto sa bisyo. Ang paninigarilyo ay maaaring adiksyon. Maaaring “nicotine dependent” na ang iyong katawan. Kung ito ay biglang mawawala ay malaki ang posibilidad na makaranas ng matinding withdrawal.
Pinaka mainam na gawin bukod sa paghingi ng suporta sa pamilya at mga kaibigan at lumapit sa mga eksperto. Kausapin ang iyong doktor tungkol dito. Malaki ang maiaambag niyang tulong sa paggabay sa iyo sa medikasyon, counseling at maging hypnosis.
3. Humingi ng tulong.
Hindi kaduwagan ang paghingi ng tulong lalo’t kung ito ay para sa mas ikabubuti ng iyong sarili. Hayaang malaman ng iyong kaibigan, pamilya o ng mga taong mahalaga sa’yo na mayroon kang adiksyon dito at nais mong tumigil. Maaaring sila ang makapagpapalakas ng loob mo sa kahaharapin mong bagong pagsubok.
Kung hindi naman komportableng magsabi sa kanila, naririyan ang mga support groups na may kaparehong lagay tulad ng iyo. Isa rin sa maaaring ikonsidera ay mga counselors na eksperto sa paghahandle ng adiskyon sa bisyo.